Ang Pagtatangi ay Maaaring Daigin!
Ang Pagtatangi ay Maaaring Daigin!
ANG mga pagtatangi, sang-ayon sa sosyologong si Frederick Samuels, “ay nagiging pangunahing bahagi ng personalidad ng isang indibiduwal . . . Ang mga ito ay nagsasangkot sa kaniyang pagpapahalaga-sa-sarili, sa kaniyang paglalarawan-sa-sarili . . . Mahirap isuko ang ilang mga saloobin at mga larawan ng grupo kung paanong mahirap isuko ang isang kamay o isang paa.”
Gayunman, inaakala ng marami na kung magagawa lamang na ang mga lahi ay gumawang magkakasama at magkakilala sa isa’t-isa, sa paano man ang pagtatangi ay maglalaho. Sa kasamaang palad, waring mas mabuti lamang ito sa teoriya kaysa pagsasagawa nito. Ang pagsasama-sama kung minsan ay tumatalbog at pinasisidhi pa ang mga pagkakapootan dahil sa lahi. Sa kabilang dako, isaalang-alang ang isang paaralan para sa mga puti at itim o ang tinatawag na integrated school sa timugang bahagi ng Estados Unidos. Doon ang mga mag-aaral na itim at puti ay gumagawang magkakasama sa kapayapaan. Isang wakas ng pagtatangi? Napansin ng mga autor ng Desegregated Schools: Appraisals of an American Experiment na pinipili pa rin ng mga estudyante na maupo at makisama lamang sa mga membro ng kanilang sariling lahi. “Impormal na pagbubukod,” ang tawag dito ng mga mananaliksik.
Kaya ang pagkakasundo ng lahi ay wala
kundi ang mapayapang pag-iral lamang ng bawa’t isa. Kung ang iba’t ibang lahi ay mag-aaral na mag-ibigan at mag-unawaan sa isa’t-isa, higit pa ang kinakailangang gawin kaysa pagsasama-sama lamang sa kanila. Nguni’t ano ang dapat gawin? Ang Nagkakaisang mga Bansa ay gumawa ng mahinang pagsisikap sa pagtataguyod ng “Second World Conference to Combat Racism and Racial Discrimination.” (Agosto 1-13, 1983) Nguni’t gaya ng inaasahan, ang nagawa lamang nito ay higit pang mga teoriya at matatayog na retorika.Mga Bagong Pangmalas sa Lahi at Nasyonalidad
Hindi tatalikdan ng mga tao ang kanilang mga saloobin at pagtatangi na malalim ang pagkakaugat malibang mayroon silang malakas na pangganyak na gawin ang gayon. At para sa libu-libo ay nagkaroon ng gayong pangganyak sa pamamagitan ng pag-aaral ng Bibliya. Naaabot nito ang mga puso at napakikilos sila na hindi nagagawa ng ibang aklat sa daigdig. “Sapagka’t ang salita ng Diyos ay buháy at mabisa.” (Hebreo 4:12) Ipagpalagay na, halimbawa, na ikaw ang nagtatanim ng galit sa isang lahi o nasyonalidad. Kung nagsisimula kang mag-aral ng Bibliya, hindi magtatagal at mababatid mo na itinuturo nito na “Ang Diyos ay hindi tumitingin sa panlabas na anyo ng isang tao,” “kundi sa bawa’t bansa ang taong may takot sa kaniya at gumagawa ng matuwid ay kalugud-lugod sa kaniya.”—Galacia 2:6; Gawa 10:34, 35.
Ang pagtanggap na “ginawa [ng Diyos] buhat sa isang tao ang bawa’t bansa ng mga tao,” ay magpapangyari sa iyong muling suriin ang iyong mga pangmalas sa mga tao ng ibang mga lahi. (Gawa 17:26) Papaano nga mamalasin ng isa na mas mababa ang mga tao na may kakaibang kulay ng balat, buhok at hugis ng mata at ilong na mga katangian ng iba’t ibang lahi kung may pakikipagkaibigan siya sa Diyos na lumikha mula sa isang tao ng bawa’t bansa ng mga tao?
Totoo, ang iba’t ibang mga lahi ay para bang may prominenteng mga katangian—mabuti at masama. Ang Bibliya, gayunman, ay nagbababala: “Isagawa mo ang mga bagay na ito nang walang patiunang paghatol [“pagtatangi,” Today’s English Version], huwag mong gagawin ang anumang pagkiling.” (1 Timoteo 5:21) Sa gayon ay hinahayaan ng isang Kristiyano ang bawa’t isa na “patunayan niya kung ano ang kaniyang sariling gawa” sa halip na hatulan ang halaga ng isang tao sa pamamagitan ng kaniyang kulay o lahi.—Galacia 6:4.
Halimbawa, napansin ni apostol Pablo na ang mga maninirahan sa Creta ay mayroong hindi mabuting reputasyon bilang “mga sinungaling, masasamang hayop, matatakaw na tamad.” (Tito 1:12) Gayunman, hindi ito nangangahulugan na ang mga katangiang ito ay likas o umiiral sa lahat ng mga taga-Creta. Sapagka’t tinagubilinan ni Pablo si Tito na humanap sa Creta ng mga lalaki na nadaig na ang mga bagay na ito at atasan ang mga gayon ng responsableng mga katungkulan sa kongregasyon.—Tito 1:5.
Totoo, kung minsan ay nakatutuksong maghinuha na ang ilang etnikong mga katangian ay “nasa dugo.” Ang isang grupo ng lahi, halimbawa, ay may maraming membro na tamad at walang trabaho. ‘Tamad talaga sila,’ agad na sinasabi ng iba. Gayunman, ang isang Kristiyano ay Mateo 9:36) Aba, sa maraming lupain ang pagtatangi ng lahi at mga kalagayan sa kabuhayan ay humahadlang sa mga tao na magkaroon ng nararapat na mga trabaho! Kaya, ang sa malas ay katamaran ay sa katunayan kawalang pag-asa at kabiguan. Kailangan ng mga iyon ang espirituwal na tulong at pag-unawa—hindi marahas na pagpuna o kritisismo.
may pagkahabag sa mga tao. Nababatid niya na marami ay “pinagsasamantalahan at nakapangalat” sa masama, walang pag-ibig na daigdig na ito. (Ipinaaalaala nito sa atin ang payo ni apostol Pablo na gawin ang lahat ng bagay nang may kababaang-loob na itinuturing na ang iba’y mas magaling kaysa inyo.” (Filipos 2:3) Ang pagtanggap ng payong ito ay maaaring mangailangan ng malaking pagbabago sa pag-iisip ng isa. Gaya noong unang siglo, inaakala ng marami na sila ay “nakahihigit” dahilan sa kanilang sekular na edukasyon o mataas na katayuan sa lipunan. Gayunman ipinaalaala ni Pablo sa unang-siglong mga Kristiyano na “pinili ng Diyos ang mga bagay na kamangmangan ng sanlibutan . . . at ang mga bagay na hinahamak.” (1 Corinto 1:26-28) Ang mga mapagpakumbabang ito ay may kapakumbabaan at kataimtiman na gumagawa sa kanila na “nakahihigit” sa mga mata ng Diyos. Maaari bang magtangi ang isang tao kung kukunin niya ang maka-Diyos na pangmalas na ito sa iba?
Kung Ikaw ang Biktima ng Pagtatangi
Sa kabilang dako, marahil ay malaon ka nang biktima ng pagtatangi at batid mo na ilan lamang talaga ang magsisikap na daigin ang kanilang mga pagtatangi. Matutulungan ka ng Bibliya na pahalagahan na walang saysay na umasa ng katarungan sa kasalukuyan, hindi matuwid na kaayusan ng lipunan. “Ang baluktot ay hindi maitutuwid,” sabi ni Solomon. (Eclesiastes 1:15) Kaya ipinangako ng Diyos na aalisin ang lahat ng pang-aapi, at ang kaalaman tungkol dito ay maaaring pagmulan ng tunay na kaaliwan sa iyo!—Awit 37:1-11; 72:12-14.
Samantala, maaaring kailanganin mong humanap ng mga paraan upang madaig ang pagtatangi. Bilang tugon sa pagtatangi, ang iba ay nagkaroon ng kanilang sariling pagtatangi, naghihinuhang ang lahat ng iba pang lahi ay nagtatangi. Sila ay nagiging labis-labis na sensitibo, nagagalit kahit na walang kabagay-bagay. Gayunman, ang Bibliya ay nagbababala sa Eclesiastes 7:9: “Huwag ka agad magagalit sa iyong kalooban.” Matuto kang magparaya at nang hindi ka gaanong maiinis.
Tandaan din, na madalas na tanggihan si Jesus ng kaniyang mga kababayang Judio. Gayunman ay pinalakas-loob niya ang kaniyang mga alagad na optimistikong lumapit sa mga tao. “At sa alin mang bahay na inyong pasukin,” sabi ni Kristo, “sabihin muna ninyo, ‘Kapayapaan nawa sa bahay na ito.’” (Lucas 10:5, 6) Tiyak na mas mabuting lumapit sa mga tao na may inaasahan at pagnanais na magkaroon ng kapayapaan kaysa emosyonal na ihanda ang sarili sa isang labanan.
Galacia 5:26; talababa ng 1984 New World Translation, Reperensiyang Bibliya) Lalo lamang nitong pinatitindi ang pagtatangi at pagkapoot. At karaniwan nang pinalulubha ng galit ang kalagayan.
Kumusta, naman, kung ikaw ay isang biktima ng pang-aapi o kawalang katarungan, gaya ng isang mag-asawang taga-Nigeria na ang landlord o may-ari ng lupa na nasa Inglatera ay sumira sa usapan na ipauupa sa kanila ang isang apartment? (Ang mga tao ay nagreklamo na ayaw nilang magkaroon ng mga kapitbahay na negro.) Anong paghamak sa dangal ng tao! Gayunman ang Bibliya ay nagbababala laban sa “pagpupumilit hanggang sa punto ng pakikipag-away.” (Ganito ang ipinayo ni Jesus: “Huwag kayong makilaban sa masamang tao; kundi sa sinumang sa iyo’y sumampal sa kanan mong pisngi [mga pag-insulto sa iyo], iharap mo naman sa kaniya ang kabila.” Susog pa ni Pablo: “Huwag gumanti sa kaninuman ng masama sa masama . . . Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, makipagpayapaan kayo sa lahat ng tao. . . . Huwag kayong padaig sa masama, kundi patuloy na daigin ninyo ng mabuti ang masama.” (Mateo 5:39-44; Roma 12:17-21) Ang pagtugon nang may kabaitan sa pagkapoot ay nangangailangan ng tunay na katatagang moral. Nguni’t kung hindi mo pahihintulutang punuin ka ng pagtatangi ng hinanakit, madadaig mo ito.
Hinahanap ang Kapakanan ng Iba
Mayroon pang leksiyon na natutuhan ang isang asawang babae na taga-Jamaica kung paano dadaigin ang pagtatangi. Nang siya’y layuan ng pamilya ng kaniyang asawa, sinimulan niyang malasin ang
mga bagay-bagay mula sa kanilang punto de vista. Nagugunita niya: “Naunawaan ko na ang daliri ng pagtatangi ay maaaring nakaturo sa akin. Hindi ko isinusuot ang kanilang mga kasuotan, hindi ko gusto ang kanilang pagkain at hindi ako nagsikap na matuto ng kanilang wika. Kaya nagpasiya akong mag-aral ng ilang mga salita sa kanilang wika. Tuwing mayroon akong sinasabing anuman sa kanilang wika, masigla silang tumutugon: ‘Ah, nagiging gaya ka na namin ngayon!’ ”Oo, walang nawawala sa isa bagkus ay nakikinabang pa nang malaki sa pagpapakundangan sa kaaya-ayang aspekto ng mga kultura ng ibang tao. Kaya kung ikaw ay mula sa isang bansa na kung saan ang mga tao ay masisigla, gumawa ka ng ilang mga pagbabago kung ikaw ay lilipat sa isang bansa na kung saan ang mga tao ay tila hindi palakibo. Angkop ang sinasabi ng Bibliya: “Hayaang patuloy na hanapin ng bawa’t isa, hindi ang kaniyang sariling kapakinabangan, kundi yaong sa iba.” (1 Corinto 10:23, 24, 31-33) Tandaan, ang kasakiman at pagkapanatiko ang kalimitang nasa ugat ng pagtatangi.
Ang Pagtatangi ay Nadaig!
Sa gayon ang Bibliya ay punô ng praktikal na payo na makatutulong sa mga indibiduwal na madaig at mapakitunguhan ang pagtatangi. Ang paggawa ng gayon ay hindi laging madali, kahit sa debotadong mga Kristiyano. Isaalang-alang ang nangyari noon sa panahon ng intermisyon sa isang kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova. Isang babae na may dalang trey ng pagkain ay nabunggo sa isang silya at tumapon ang kaniyang inumin sa paa ng isang babae. Tila walang anuman ito maliban sa bagay na: Ang isang babae ay itim, at ang isa ay puti.
Ang maikli nguni’t mainit na pagpapalitan ng mga salita ay nagpapahiwatig ng natatagong pagkapoot dahil sa lahi. Sa ilalim ng karaniwang mga kalagayan ang paghingi ng paumanhin ay kinakailangan! Sa tulong ng isang tagamasid, ang mga babaing ito ay pinaalalahanan na sila’y mga Kristiyano. Batid nila na ang pagtatangi ng lahi ay mali at hindi sila maaaring manatili sa pagsang-ayon ng Diyos kung hindi sila makikipagpayapaan sa isa’t-isa. (1 Juan 4:20) Talagang nakababagbag-damdamin na makita ang dalawang babaing ito na lumuluhang nagyakapan at humihingi ng paumanhin sa isa’t-isa. Mas mahalaga, kinalimutan na nila ang nangyari at nag-usap sila na parang matagal nang magkaibigan.
Ang mga Saksi ni Jehova sa gayon ay gumawa ng malaking pagsisikap upang alisin ang pagtatangi. Patunayan mo sa iyong sarili. Literal na milyun-milyon sa kanila ang makapagpapatotoo sa bagay na ang Salita ng Diyos ay totoong mabisa—may sapat na lakas upang daigin pati na ang pagtatangi.
[Blurb sa pahina 9]
Papaano mo nga mamalasin na mas mababa ang mga tao ng ibang lahi samantalang “ginawa ng Diyos mula sa isang tao ang bawa’t bansa ng mga tao”?
[Blurb sa pahina 10]
Ang pagtugon nang may kabaitan sa pagkapoot ay nangangailangan ng tunay na katatagang moral
[Blurb sa pahina 10]
Kung hindi mo pahihintulutang punuin ka ng pagtatangi ng hinanakit, madadaig mo ito
[Larawan sa pahina 11]
Ang pag-aaral ng Bibliya ay nagpipilit sa isang tao na muling suriin ang kaniyang mga palagay o damdamin sa mga tao ng iba’t ibang lahi