Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mga Pagsasalin ng Dugo

Nabasa ko sa inyong nakaraang labas ang hinggil sa pagbibigay ng mga pagsasalin ng dugo. (Hulyo 8, 1984 ng Awake!) Ang Gawa 15:29 ay nagsasabi sa atin na umiwas sa dugo, nguni’t maliwanag na ang dugo ay tumutukoy sa dugo ng patay na mga hayop na ginamit sa pagsamba sa diyus-diyusan. Ang sabihing nais ng Diyos na umiwas tayo sa pagpapanatiling buhay sa isang tao na tiyak na mamamatay kung walang dugo ay kusang pagpatay.

B. B., Texas

Hindi mapapatunayan na ang isang pasyente ay mamamatay dahilan sa pagtanggi sa pagpapasalin nito. Ang ilang mga pasyente ay namamatay kahit na sila ay sinalinan ng dugo o marahil dahil sa isinaling dugo. Ang iba ay nakaligtas sa kabila ng hindi pagpapasalin o dahilan sa pag-iwas dito. Totoo na ang mga Kristiyano ay pinag-utusan sa Gawa 15:29 na umiwas sa mga bagay na binigti, na tumutukoy sa isang patay na hayop na hindi pinatulo ang dugo. Subali’t gayunman ito’y nag-uutos na umiwas sa dugo nang walang anumang mga restriksiyon. At sa Levitico 17:10 ang utos ay laban sa pagkain ng “anumang uri ng dugo.” Ang pagtanggap ng dugo ay hindi nagiging higit na kanais-nais sapagka’t ang nagbibigay ay isang tao sa halip na hayop ni kanais-nais man ito sapagka’t ang nagbigay ay patuloy na nabubuhay sa halip na mamatay.​—ED.

Kawalan ng Trabaho

Pagkaraan na ako’y mawalan ng trabaho mga dalawang taon na ang nakalipas ay nabahala ako kung paano ko pangangalagaan ang aking pamilya. Ako’y nagtrabaho sa loob ng 18 taon sa isang tanggapan bago ito nagsara. Sinikap kong humanap ng mapapasukan subali’t hindi ako naging matagumpay. Sinubok ko ang ilan sa mga mungkahing nakatala sa inyong magasin. (Disyembre 22, 1984 sa Gumising!) Talagang nakabuti sa akin ang paglikha ng isang trabaho.

T. H., Illinois

Kailanman ay hindi pa ako nakabasa ng gayong karangal na ulat ng karanasan ng kawalan ng trabaho. Sa halip na ituon ang pansin sa pagkakamali at negatibong mga bagay, binanggit ng inyong magasin kung paano maaaring alisin ng isa ang kaniyang problema samantalang iniingatan kapuwa ang dangal at dignidad.

M. Y., Michigan

Ang inyong artikulo ay maaaring umakay sa mga tao na labagin ang batas. Ang isa ay maaaring magkaroon ng impresyon na ang bahay ng isa ay maaaring gamitin para sa anumang gawain na itinala ninyo sa pahina 9. Ang totoo ay na lahat halos ng mga gawaing iyon ay labag sa batas malibang ang inyong tahanan ay isang komersiyal o industriyal na sona o malibang binigyan ng pagbabago.

H. G., New Jersey

Hindi na kailangan pang sabihin na ang isa ay dapat na laging magtanong sa lokal na mga autoridad hinggil sa mga ordinansa sa pagsosona, mga regulasyon sa pangangalakal, kinakailangang mga edukasyon o paglilisensiya, kung papaanong makabubuting tanungin ng isa kung anong edukasyonal na mga paglilingkod ang mailalaan ng mga pamahalaan na tutulong sa kaniya sa pagiging mabisa hangga’t maaari sa kaniyang sariling-hanapbuhay sa tahanan.​—ED.