Kung Kailang Lumilipad ang mga Balang
Kung Kailang Lumilipad ang mga Balang
Ang mga balang ay hindi makalilipad kung ang kanilang mga katawan ay malamig. Kaya, kapag ang temperatura ay lumalamig sa dakong gabi, karaniwan nang nagkukubli sila sa mga halamang-bakod o sa mga siwang ng dingding. Ang mga kalamnan ng mga insektong ito ay nananatiling matigas hanggang ang mga ito ay nainitan ng araw. Hanggang sa ang temperatura ng katawan ng balang ay hindi umaabot sa mga 70 digri Fahrenheit (21°C.) ay hindi sila makalilipad.
Ang mga katotohanang ito tungkol sa mga balang ay tumutulong sa pag-unawa sa Nahum 3:17, na kababasahan: “Ang iyong mga bantay ay parang mga balang, at ang iyong mga nangangalap na mga pinuno ay parang kawan ng balang. Sila’y nagsisihimpil sa mga bakod sa araw na malamig. Nguni’t pagka ang araw ay sumikat, sila’y nagsisilipad; at ang kanilang dako ay hindi alam kung saan sila nangandoon.” Gaya ng mga balang, ang mga balang, ang mga bantay at ang nangangalap na mga pinuno ng Nineve ay maglalaho dahilan sa init ng pagkubkob. Ang kanilang paglaho ay magiging gaya nga biglaang paglikas ng isang kawan ng mga balang sa mga sikat ng araw.