Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Panlunas Laban sa mga Ipis

Ako po’y 61 anyos at ang hanapbuhay sapol sa edad na 18 ay magpatay ng ipis. Sa assembly program kamakailan, batay sa Nobyembre 22, 1972, na Awake! inirekomenda ang paggamit ng boric acid laban sa mga ipis. Ngayon ay may higit pang impormasyon tungkol sa paggamit ng boric acid pati sa mga panganib nito. Inilakip ko ang Pest Control Technology, ng Nobyembre 1982, Cleveland, Ohio.

D. R., Kansas

Ang nasabing lathalain ay may artikulo ni M. S. Quraishi, at nagsasabi: “Waring ang boric acid ay lalong nakalalason sa sanggol at mga bata kaysa mga adulto; ito ang dapat isaisip ng maybahay at ng tagapatay ng ipis pagka ginamit ang kemikal na ito.” Sinisipi ang isang ulat ni C. Brooke at T. Boggs na nagsasabi: “Ang boric acid at sodium borate ay nakalalason at maaaring makamatay kahit na kaunti ang gamitin. Ang boric acid ay mabilis masipsip at marahil ay hindi gaanong mahahalata ang pagkalason ng likha nito hangga’t hindi ito nasipsip na lahat.” Inihahatid namin sa mambabasa ang impormasyong ito.​—ED.

Paniwala sa Diyablo

Ang pagkakilala sa diyablo ay na hindi lamang ito isang persona ng kasamaan. Ito’y patuloy na pagsisikap ng mga relihiyoso na sila’y huwag managot sa kanilang kagagawan. Halimbawa, sa paggamit ninyo ng larawan ng mga biktima ng mga kampo ng Nazi sa Germany. (Nobyembre 8, 1984, Gumising!) Ang diyablo at hindi mga tao ang sinisi ninyo, kaya inyong ipinupuwera ang sarili ninyo bilang Kristiyano, at pati pananampalatayang Kristiyano, sa ano mang maisisisi sa inyo tungkol diyan. Isahan man o bilang organisasyon ay hindi tayo makalilibre sa pananagutan kahit sabihin natin, “Ang diyablo ang nagpagawa niyaon sa akin.”

J. S., North Dakota

Walang tangka ang aming artikulo na ilibre ang mga tao sa kanilang pananagutan sa kasamaan, kundi ipinakita nito na ang pasimuno sa lahat ng kasamaan ay si Satanas na Diyablo, at mga balakyot na tao ang kusang nagsasagawa ng kaniyang kagustuhan. Ang hindi paniniwala na may Diyablo ay pagwawalang-bahala sa sanhi ng kasamaan. Kilala ng mga Saksi ni Jehova na ang nang-uusig ay hindi ang mga tunay, kundi ang mga di-tunay, na Kristiyano, na ginagamit ni Satanas na Diyablo. Subali’t, sang-ayon kami na walang tao na sa Diyablo maisisisi ang kasamaang ginawa niya.​—ED.