Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Nagpapagaling ang Pulut-pukyutan

Nagpapagaling ang Pulut-pukyutan

Nagpapagaling ang Pulut-pukyutan

Isang liham sa patnugot ng JAMA (The Journal of the American Medical Association) galing kay Dr. Robert Blomfield ng Chelsea, London, sa British Isles, ang nagharap ng ganitong di-pangkaraniwang report tungkol sa pulut-pukyutan: “Noong nakalipas na mga ilang buwan ay gumagamit ako ng purong natural na pulut-pukyutan sa mga departamentong pinagtatrabahuhan ko, ang seksiyon na may kinalaman sa mga aksidente at biglaang pangangailangan, at nasumpungan ko na, kung gagamitin tuwing dalawa o tatlong araw may kaugnayan sa paggamot sa mga ulser at mga napaso, ito’y mas mabilis magpagaling kaysa ano mang ibang gamot na nagamit ko na noong nakaraan.”

Isinusog pa rin ni Dr. Blomfield na “ito’y agad ding magagamit sa ano mang ibang sugat, kasali na ang mga hiwa at galos, at aking mairerekomenda sa lahat ng doktor bilang isang napakamura at mahalagang panlinis at panggamot. At ito’y masarap pa rin ang lasa!”