Malawakang Paglalathala ng Salita
Malawakang Paglalathala ng Salita
100 TAON
“MALAWAKANG Inililimbag ng mga Saksi ni Jehova ang ‘Salita.’” Ganiyan inilarawan ng Amerikanong babasahin sa negosyo na In-Plant Reproductions ang paglilimbag at paglalathala ng Watch Tower Bible and Tract Society. Sabi pa nito: “Ginagamit ang mga boluntaryo, ang sariling-palimbagang ito ng Samahang Watch tower ay naglilimbag ng milyun-milyong mga babasahin sa 190 mga wika.”
“Nagtungo sila sa sariling-palimbagang ito mula sa lahat ng dako ng Estados Unidos at ng daigdig,” paliwanag ng manunulat. “Walang anumang kabatiran hinggil sa pinakabagong kagamitan sa pag-iimprenta, sila ay sinanay ng may karanasang mga propesyonal, at kung lalagi sila roon ng mga ilang panahon, nagkakaroon sila . . . ng edukasyon. . . . Hindi sila nagtatrabaho roon para sa salapi.”—Amin ang italiko.
“Hindi sila nagtatrabaho roon para sa salapi”? Maaaring hindi paniwalaan iyan ng ilang mga tao na naniniwala na walang sinumang tao ang magtatrabahong masikap na gaya ng mga Saksi ni Jehova nang hindi binabayaran sa paggawa ng gayon.
Mula sa legal na pagkatala nito bilang isang korporasyon mga 100 taon na ang nakalipas, noong Disyembre 13, 1884, sa ilalim ng mga batas ng Pennsylvania, ang Watch Tower Bible and Tract Society ay lubusang nakatalaga sa “pagpapalaganap ng mga katotohanan ng Bibliya sa iba’t ibang mga wika sa pamamagitan ng paglalathala ng mga polyeto, pamplet, mga babasahin at iba pang relihiyosong mga dokumento,” gaya ng ipinahayag sa orihinal na charter nito. Higit pa riyan, ang Samahan ay iningkorporada kasuwato ng Nonprofit Corporation Law ng Commonwealth of Pennsylvania. Kaya, ayon sa batas, hindi ito maaaring maging isang negosyo na nagtutubo.
Walang indibiduwal ang personal na makikinabang sa pamamagitan ng Samahang ito yamang ang Article V ng charter ng Samahan ay nagsasabi: “Ito [ang Samahan] ay hindi nagbabalak ng pinansiyal na pakinabang o tubo, nang di sinasadya o anupaman, sa mga membro, direktor o mga opisyal nito.” Lahat ng nagtatrabaho sa punung-tanggapan ng Samahan sa New York ay tumatanggap ng pare-parehong paglalaan ng pagkain, tuluyan at isang maliit na buwanang panggastos o alawans—maging sila man ay ang 14 na mga membro ng Lupong Tagapamahala o mga boluntaryong nagtatrabaho sa palimbagan, sa paglilinis o sa mga bukirin ng Samahan. Walang sinusuwelduhang klerigo.
Itinataguyod ng lahat ng mahigit na 3,000 mga boluntaryo ang layunin ng pag-iral ng Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania—“upang ipangaral ang ebanghelyo ng Kaharian ng Diyos
sa ilalim ni Kristo Jesus sa lahat ng mga bansa bilang patotoo sa pangalan, salita at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat na si JEHOVA; upang ilimbag at ipamahagi ang mga Bibliya at ipalaganap ang mga katotohanan ng Bibliya sa iba’t ibang mga wika . . . upang pabutihin ang mga lalaki, mga babae at mga bata sa mental at moral na paraan sa pamamagitan ng Kristiyanong gawain ng pagmimisyonero at ng mapagkawanggawa at mabait na pagtuturo sa mga tao mula sa Bibliya.”—Sinipi mula sa charter ng Samahan.Nagawa ba Nila Ito?
Sa lumipas na 100 mga taon mula noong Disyembre 13, 1884, mabisang naisakatuparan ba ng Samahang ito sa Bibliya ang layunin ng charter nito na ipangaral ang ebanghelyo ng Kaharian ng Diyos sa lahat ng mga bansa? Ang mismong bagay na taglay mo sa iyong mga kamay ang magasing ito, saanman sa daigdig ka nakatira o anuman ang iyong wika ay, sumasagot ng “Oo” sa katanungang iyan. Noong 1879 mga 6,000 kopya lamang ng The Watch Tower ang inilalathala buwan-buwan sa Ingles lamang. Ngayon ang bawa’t labas ng mahigit na 10 milyong mga kopya ng The Watchtower ay inilalathala sa 102 mga wika, at halos 9 na milyong kopya ng Awake! sa 54 na mga wika.
Nguni’t ang Samahan bang ito ay talaga ngang isang “Bible Society”? Mula noong 1896 inilathala nito ang iba’t ibang mga bersiyon ng Bibliya, pati na ang King James at American Standard na mga bersiyon. Gayunman, ang namumukod na ginawa sa larangan ng paglalathala ng Bibliya ay ang New World Translation of the Holy Scriptures, unang inilabas sa bahagi noong 1950 at bilang isang kompletong tomo noong 1961. Ito ngayon ay naisalin na, nang buo o bahagi, sa sampung iba pang mga wika. Isang kabuuang 40 milyong mga kopya ang nailimbag na sa nakalipas na 23 mga taon.
Ang Pinakamahalagang Kilusán sa Ika-20 Siglo
Ang mga Saksi ni Jehova ay nangangaral ngayon sa 205 mga lupain at sa 190 mga wika. May mahigit na 670,000 mga Saksi sa Estados Unidos at mahigit na 100,000 sa bawa’t bansa sa Federal Republic of Germany, Italya, Mexico, Nigeria at Brazil. Ang Watch Tower Bible and Tract Society ay may mga tanggapang sangay at mga palimbagan sa buong daigdig. Walang alinlangan na ang 100-taóng-gulang na Samahang ito sa Bibliya ay lalong malakas at lalong aktibo kaysa kailanman! Sa bagay na ito, ang papuri ay dapat na ibigay sa Diyos na Jehova.—Zacarias 4:6.
Nguni’t bakit ka dapat na maging interesado sa mga Saksi ni Jehova at sa kanilang pagsulong o paglago? Dahilan sa Mateo 24:14) Yamang, sang-ayon sa hula ng Bibliya, ang Diyos ay muling makikialam sa mga kapakanan ng tao at wawakasan ang kasalukuyang bulok na sistema ng mga bagay, nangangahulugan ito na ang mga Saksi ni Jehova sa katunayan ang pinakamahalagang kilusang pandaigdig sa ika-20 siglo para sa kaligtasan ng tao. Kaya naniniwala kami na dapat mong suriin ang kanilang mga turo at mga gawain na may bukas na isipan.—Lucas 21:34-36; 2 Pedro 3:8-13; Ezekiel 33:6-9; Isaias 43:9, 10.
sila lamang ang Kristiyanong grupo na sa katotohanan ay ‘nangangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos sa buong lupa bago dumating ang wakas.’ (Nguni’t maitatanong mo, Paano ba nagawa ang 100 taóng tagumpay na ito? Papaano naging posible na ang mga Saksi ni Jehova ay maging isang kilusang pandaigdig sa nakalipas na dantaon?