“Lalong Lumulubha, Hindi Bumubuti”
“Lalong Lumulubha, Hindi Bumubuti”
Ang mga paring Amerikano ay totoong kakaunti ngayon kaysa kailanman, ayon sa pag-uulat ng The New York Times. Isa pa, ang bilang ng mga nag-aaral sa mga seminaryo ay umurong, buhat sa 47,500 ay naging 12,000 sa loob ng 20 taon. Bakit? “Ang mga pari at mga madre ay hindi nanghihimok sa mga kabataan na pumasok sa buhay relihiyoso,” ang sabi ni Dr. Frank Butler, coordinator ng isang komperensiyang Katoliko kamakailan sa Chicago na nakikitungo sa problemang ito. Isa pa, hindi na kinaaalang-alanganan ngayon ang pare na di-gaya ng dati, ang sabi ng report. Gayundin, sinabi niyaon na marami raw sa mga kabataang Katoliko ang higit na nagpapahalaga sa materyal na kaginhawahan at seksuwal na kalayaan kaysa isang buhay na nakatalaga sa isang mahigpit na pamamanata at sa pananatiling walang asawa. “Tayo’y wala sa pansamantalang pag-atras,” ang sabi ng klerigong si Richard McBrien na buhat sa University of Notre Dame. “Lalong lumulubha, hindi bumubuti ang mga bagay.”