Mga Dalagang Ina
Mga Dalagang Ina
Sa Inglatera at Wales ay may napatalang 99,000 mga anak sa labas noong 1983—isang 10-porcientong pagsulong kaysa noong sinundan nitong taon. Ang bilang na ito, na halos doble ng dami para sa 1977, ay kumakatawan sa isa sa bawat anim na ipinanganganak lahat-lahat. Ang report ng Office of Population Censuses and Surveys ay nagsisiwalat na halos isang katlo ng mga nanganganak ay mga batang babaing teenager at isang katlo pa ay mga inang edad 20 hanggang 24 anyos. “Ang mga pinakabata ay nakababatid na ang pagmamadali ng pag-aasawa ay mali,” ang sabi nga kinatawan para sa National Council for One Parent Families sa Daily Mail ng London, “at ang mga medyo may edad ay malasarili at ang karera nila ang unang-unang iniisip at may tiwala sa sarili na kanilang mapalalaki ang kanilang anak kahit sila nag-iisa—o dili kaya’y kahit hindi sila nag-aasawa.” Sang-ayon sa taya ng World Health Organization ay 13 milyong sanggol ang isinisilang sa taun-taon ng mga teenager na nasa pagitan ng 15 at 19 anyos.