Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pamahalaang Pandaigdig—Bakit Kailangan Natin Ito

Pamahalaang Pandaigdig—Bakit Kailangan Natin Ito

Pamahalaang Pandaigdig​—Bakit Kailangan Natin Ito

PAG-ASA o kakilabutan ang likha ng ideá ng isang pamahalaan para sa daigdig. Pag-asa sapagka’t kung ito’y nasa-ilalim ng matuwid na pinuno ang sangkatauhan ay magkakaisa-isa sa kapayapaan. Kakilabutan sapagka’t kung ito’y nasa-ilalim ng di-matuwid na pinuno ay magiging alipin nito ang lahat ng tao. Kung gayon, hindi ba talagang dapat pag-isipan ang gayong pamahalaan? Oo! Kailangan natin ang pamahalaang pandaigdig. Ito’y pinatutunayan ng sumusunod.

● Ang matandang babae’y naglalakad na mag-isa sa madilim na kalye. Noong nakalipas na 70 taon ay ganoon ang ginagawa niya, pero nang gabing ito ang pinakahuli. Isang sugapang teenager, na nangangailangang bumili ng droga, ang kumitil ng kaniyang buhay pagkatapos na nakawan siya. Ang matuwid na pamahalaang pandaigdig ang makasusugpo ng pagpupuslit ng droga at makapagpapahinto ng krimen.

● Nakatayo si Fritz sa may bintana nila at malalim na nag-iisip. Dati’y napakasaya ang Pasko para sa kanilang magkapatid. Hindi na ngayon. Isang berdugong 835 milya (1,344 km) ang nasa pagitan ng German Democratic Republic at ng Federal Republic of Germany. Sinumang pupuslit sa berdugong ito, na nababakuran ng palanas na mga alambreng tinik-tinik at sala-salabat ang mga kutang armado ng mga machine gun, ay tiyak na masasawi. Subali’t ang matuwid na pamahalaang pandaigdig ang makaaalis ng berdugong ito at pagkakaisa-isahin ang lahat ng bayan ng daigdig.

● Sa hapis na mukha ng kaawa-awang batang ito ay mababanaag ang nararamdaman niyang gutom. Nguni’t sa mga ibang dako, sa mga bodega ay halos hindi magkasiya ang mga nakaimbak na pagkain. Ang matuwid na pamahalaang pandaigdig ang lulunas ng gutom.

● Nabasa ng isang 40-anyos na ama ang patuloy na paligsahan sa mga armas nuclear at nangilabot dahil sa kinabukasan ng kaniyang pamilya. Nabasa ng kaniyang 12-anyos na anak ang epekto ng digmaang nuclear at naisip kung mayroon pa kaya siyang kinabukasan. Ang matuwid na pamahalaang pandaigdig ang makaaalis ng ganiyang pagpapaligsahan at matuturuan ang mga tao ng kapayapaan.

● Siya’y isang sanggol. Napagaling sana ang kaniyang pagkukurso sa gamot na nagkakahalaga ng diyes sentimos, nguni’t wala siya nito. Bakit siya at ang 15,000,000 mga bata ay nangamatay noong nakaraang taon gayong ang sakit na ito at iba pa ay maaari namang nasawata sana sa pamamagitan ng simpleng mga panlunas na kaunti lamang ang gastos? Ang matuwid na pamahalaang pandaigdig ang makapagpapatupad ng kaayusan na makapag-aalis ng kamatayan na likha ng impeksiyon, sakit at kawalang-alam.

● Malapit sa láruan ng mga bata, makapal na basura ang inihuhuho sa ilog. Ang mga batang tagaroo’y tinutubuan ng nagnananang mga tagihawat. Mayroon ding mga lason na ibinubuga sa hangin ang mga pabrika at bumabagsak sa mga ibang bansa bilang ulan ng asido na sumisira ng mga gubat. Ang matuwid na pamahalaang pandaigdig ang makapagpapasunod ng batas laban sa polusyon.

[Kahon sa pahina 4]

Ang malulubhang problema sa lahat ng bansa, pati yaong pumipinsala ng buhay, ay napakarami. Nguni’t, malulunasang lahat kung ang tao’y gagawang nagkakaisa sa ilalim ng isang pamahalaan. Subali’t alin bang pamamalakad politika ang may kayang lumunas sa binanggit na mga kalagayan?