Ang Kabigha-bighaning Chimpanzee
Ang Kabigha-bighaning Chimpanzee
Ng kabalitaan ng “Gumising!” sa Sierra Leone
BAGO lamang ako kapuwa sa Kanlurang Aprika at sa tahanang ito kung saan ako ay inanyayahan. Wala akong sinasapantaha, pumasok ako sa salas at naupo. Walang anu-ano’y nagkaroon ng napakalakas na pagpapanakbuhan sa pasilyo. At sa di kaginsa-ginsa isang mabalahibong nilikha—isang di-mawaring kilos—ay lumundag sa silid. Dalawang malalaking hakbang at ito ay nasa gitna na agad ng sahig saka matatag at mabigat na lumundag sa aking kandungan! Inihahagis ang malakas na mga kamay nito sa aking leeg, hindi ito gumalaw—ngumuso at tumitig sa aking mga mata. Sindak na sindak ako. Ngunit ang ibang tao na nasa silid ay malakas na nagtawanan. Sa isang dramatiko, di-malilimutang paraan, si Chippie, ang
alagang chimpanzee, ay nagpakilala ng kaniyang sarili.Nauupo roon nang malapitan sa isa sa pinaka-popular at maraming nalalaman sa lahat ng mga hayop, ang tanging naisip ko ay, ‘Ano kaya ang susunod niyang gagawin?’ Gayunman, lumipat si Chippie sa iba pang mga bagay, pinapangyari akong maibalik ko ang aking kahinahunan.
Mula noong unang engkuwentro ko sa unggoy o bakulaw, natutuhan ko na halos 3,000 taon na ang nakalipas si Haring Solomon ay umangkat ng mga “bakulaw”—marahil kasama na ang mga chimpanzee—sa Jerusalem. (1 Hari 10:22) Gayunman, nito lamang huling tatlong dantaon na ang mga primate ay maingat na pinag-aralan at inuri. Noong 1738 isang spedimen ang dinala sa Inglatera mula sa Aprika. Ito ay tinawag sa isang pangalang Angolan, chimpanzee, o ‘kunwa’y tao.’ Ang pangalan ay nanatili.
Dinambong ang Mailap na Pupulasyon
Bagaman ang ilang mga chimp ay pinararami sa pagkabihag, ang karamihan ay dinadala pa rin mula sa mga likas na kapaligiran. Noong nakalipas na mga dekada, ang ekwatoryal Aprika ang pinagmulan ng libu-libo nito. Yamang gusto ng dayuhang mamimili ang batang mga chimp, ang pamamaraan ng pagbihag ay nagsasangkot ng pagbaril o paglason sa mga inang nagpapasuso at pag-agaw ng mga sanggol sa kanilang mga kamay. Ang mga namamatay ay marami yamang hindi lamang ang mga ina kundi pati na ang mga lalaki at maging ang mga sanggol kung minsan ay di sinasadyang nababaril. Higit pa ang namamatay samantalang ang mga ito ay isinasakay. Oo, sang-ayon kay Dr. Geza Teleki, primatoogist (dalubhasa sa mga primate) at espesyal na tagapayo sa konsebasyon sa Sierra Leone, na sa bawat chimpanzee na ligtas na dumarating sa ibang bansa halos sampung iba pa ang namamatay.
Subalit ang kahilingan ay malaki, at ang mga pakinabang ay mataas. Binabayaran ng mga diler sa Kanlurang Aprika ang lokal na mga tagapagtustos nito na kasimbaba ng $30 (U.S.) para sa isang sanggol na chimpanzee, samantalang ang presyo sa Estados Unidos o sa Hapon ay tumataas sa $10,000.00 o mahigit pa!
Nakikilala ang halaga ng pag-iingat sa natitira, ngutin nanganganib, na populasyon ng mga mailap na hayop, ipinatupad ng mga pamahalaan ang mga restriksiyon at mga pagbabawal sa pangangaso nang walang pahintulot at pangangalakal nito. Gayunman, sa kabila nito ang chimpanzee sa ngayon ay kabilang sa dumaraming uri ng mga nanganganib malipol na hayop.
Ang Chimp sa Daigdig ng Tao
Napakahalaga ng chimpanzee sa mga larangang siyentipiko. Isang chimp na nangangalagang Ham ay nauna sa tao sa kalawakan. Nakatulong din ang mga chimp sa pagbubukas ng daan para sa mga astronaut sa paggamit sa kanila sa mga eksperimento na dinisenyo upang suriiin ang mental at pisikal na mga epekto ng kawalang-timbang, partial vacuums at lbis na init at lamig.
Gayunman, ang chimpanzee marahil ay kilalang-kilala sa kasiglahan at disposisyon nito. Ang batang mga chimp ay nakikihalubilo, tumutugon at matalino. Ang mga ito ay hindi mahiyain na gustung-gustong maglaro sa hara ng mga tagapanoon anupa’t ang ilan sa kanila ay naging mga “superstar” sa larangan ng paglilibang. Isang chimp na nagngangalang Cheetah ang umaliw sa angaw-angaw habang siy ay naglalambitin sa mga kagubatan kasama ng kaniyang kaibigang-tao na si Tarzan. Patuloy na nkasiya sa maraming tao sa mga sirkus at sa mga tanghalan ang katuwa-tuwang kilos ng chimp.
At, oh, anong ugali ang ipinakikita nila sa mga parti sa zoo!
Ang mga chimpanzee ay sinanay rin na magtrabaho sa mga bar, nagbubuhos ng mga inumin at dinadala ito sa mga parokyano. Maaari silang kumain at uminom sa mga mesa, magdamit, magwalis ng sahig, at mag-hugas ng mga pinggan. Naibenta pa nga ang mga larawan na ipininta ng “mga pintor” na chimp. Sumasakay sila ng mga bisikleta at motorsiklo.
Gayunman, hindi dapat maghinuha ang isa na ang chimpanzee ay halos tao. Gaya ng iba pang mga hayop ang chimpanzee ay tumutugon sa kapaligiran nito. Naoobserbahan nito na ang ilang mga pagkilos ay nagbubunga ng ilang mga resulta. Sa pag-uulit maaari itong maturuan na sa pagsasagawa ng ilang mga kilos, ang ilang mga resulta ay maaaring regular na matamo. Sa gayon natututuhan nito na magsagawa ng maraming rutinang pagkilos. Ngunit hindi ito nakakapangatuwiran na gaya ng isang tao. Hindi ito nakakaunawa ng mga simulain ng pagkilos at sa gayon ay ikapit ang mga ito sa ibang larangan ng pagpupunyagi. At tiyak na hindi nito naikakapit ang mga simulaing moral.
Ang kahanga-hangang mga gawa na itinatanghla ay ginagawa ng mga nakababata—karaniwan nang wala pang sampung taong gulang. Subalit habang ang mga ito ay tumatanda, ang bihag na mag chimpanzee ay maaaring maging masama, makaako—at mapanganib. Ano ang ginagawa sa kanila sa natitirang 30 o higit pang mga taon ng kanilang buhay? Ang mga zoo ay may limitadong lugar. Ang rehabilitasyon sa likas na kapaligiran ay puno ng mga problema. Kaya kung minsan ang mga eksperto ay nagbibigay ng malungkot na payo: “Patayin sila.”
Ang Tao sa Daigdig ng Chimp
Ang malawakang pag-aaral sa kung paano kumikilos ang mga chimp sa daigdig ng tao ay marami ang ipinahihiwatig tungkol sa kanilang disposisyon at kagalingan sa maraming bagay. Gayumpaman, ang chimp ay wala sa kaniyang kalikasan sa daigdig ng tao kung papaanong ang tao ay wala sa kaniyang kalikasan sa daigdig ng chimp. Sa gayon natanto ng mga mananaliksik na upang lubusang maunawaan ang chimpanzee, ang mga pag-aaral ay dapat na gawin sa likas na kapaligiran.
Marahil ang unang pagsisikap na gawin ito ay noong dakong huli ng ika-9 na siglo. Pinasok ng soologong si R.L. Garner ang larangan taglay ang napakalaking kulungan. Kaya lamang ang kulungan ay hindi para sa mga bakulaw na inaasahan niyang pag-aaralan; ito ay para sa kaniya! Ligtas na nakakulong sa loob, inobserbahan niya ang mga hayop habang ang mga ito ay nagdaraan. Bagaman ang kaniyang mga bnatuklasan ay limitado, gayumpaman ito ay isang tunay na pagsisikap upang pag-aralang ang mga bakulaw sa kanilang likas na tirahan.
Bagaman isa pang maikling pag-aaral ay ginawa noong 1930, noon lamang 1960’s na nagsimula ang higit pang mga pag-aaral sa larangan. Si Dr. Jane Goodall, isang mananaliksi na gumagawa sa Kanlurang Tanzania, ay hindi naupo sa isang kulungan. Ang kaniyang ideya ay lapitan at obserbahan ang mga chimp nang malapitan, upang tanggapin ng mga ito. Gayunman hindi ito madali. Sa simula sila ay nagtatakbuhan pakakita sa kaniya, subalit ang pagtitiis at pagtitiyaga ay ginantimpalaan, at sa loob lamang ng isang taon siya ay nauupo sa gitna nila.
Sa sumunod na dalawmpung taon, maraming natutuhan si Dr. Godall tungkol sa pag-uugali ng chimpanzee gayundin ang kanilang kayariang sosyal at pampamilya. Ang mga chimp ay mayroon ding nakapagtatakang mga paraan ng
ugnayan sa isa’t-isa. Pagkaraang mapawalay ng mga ilang panahon, maaari silang magbatian sa pamamagitan ng paghahawakan ng kamay at paghahalikan. Nililinis din nila ang isa’t-isa, tinatanggal ang mga nakadikit sa kanilang mga balahibo at mga garapta. Ngunit, sa aba, ang ugnayan ng chimpanzee ay hindi laging napakabuti! Kung minsan pinaptay at kinakain nila ang isa’t-isa.Kamakailan ay kinapanayam ng WWF News (World Wildlife Fund) si Dr. Goodall at sinabi niya na ang pag-aaral sa mga chim ‘ay nakatulong sa kaniya na matanto, marahil ng higit kaysa anupamang bagay, kung gaano kalaki ang kaibahan natin sa mga ito.’ Nang hilingin na maging higit na espisipiko, sinabi niya: “Ang mga tao ay higit na maawain. Sa mga chimp makikita mo ang simpatiya sa pagitan ng ina at anak ngunit bihira mong makita ito saan pa man. Ang simpatiya ay totoong makataong katangian.” Pagkaraang mamuhay na kasama ng mga chimp sa loob ng 22 mga taon, siya at ang kaniyang mga kasama ay natututo pa ng mga bagong bagay tungkol sa mga ito.
Walang alinlangan tungkol dito, saan mo man masumpungan ang mga ito, maging sa daigdig ng tao o sa kanilang sariling daigdig, ang chimpanzee ay tunay na kamangha-manghang hayop—isang bagay na hindi na kailangang ipaalaala pa sa iyo kung mayroon mang isa na lulukso sa iyong kandungan!
[Blurb sa pahina 26]
Ang chimpanzee ay maaaring matuto na magsagawa ng maraming rutinang pagkilos, ngunit hindi nakakapangatuwiran na gaya ng isang tao
[Blurb sa pahina 26]
Ang pag-aaral ng mga chimp ‘ay nakatulong sa akin na matanto, marahil ng higit sa anupamang bagay, kung gaano kalaki ang kaibahan natin sa mga ito.’