Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

May Langgam Ba sa Inyong Halaman?

May Langgam Ba sa Inyong Halaman?

May Langgam Ba sa Inyong Halaman?

Inaakala ng maraming tao na ang langgam ay nagdadala ng sakit na panganib sa mga halaman na maaaring dumami sa tahanan o hardin ng isa. Gayunman, ipinakikita ng mga tuklas ni Dr. David Inouye ng University of Maryland ang ilang kawili-wiling mga bagay tungkol sa gawain ng maliliit na nilikhang ito. Waring ang mga langgam ay nagpapanakbuhan paibaba at paitaas sa mga tangkay ng halaman sapagkat nasasarapan sila sa pagkain ng nektar ng mga bulaklak nito. Isa pa, dahilan sa kanilang militaristikong kalikasan, agresibo nilang itataboy ang ibang insekto na maaaring mangahas na pumasok sa kanilang teritoryo taglay ang matamis na kayamanan nito. Sa gayon ang langgam ay talagang mabuti, likas na mga tagapagsanggalang laban sa maraming nakapipinsalang mga insekto na naghahangad na kainin ang higit pa sa halaman kaysa nektar lamang nito.