Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Seksuwal na mga Asal

Kababasa ko lamang ng artikulo tungkol sa Seksuwal na Pagbabago sa Setyembre 8, 1984, Awake! (Pebrero 8, 1985 sa Tagalog) nang masumpungan ko na ako ay may herpes, nais kong lumayo at ako’y sabihan na wala ako nito. Napakasakit nito at hindi na gagaling. Gayunman, iniwan ko na ang pakikiapaid. Labis akong nasiyahan sa inyong artikulo.

D. G., Missouri

Sa buong buhay ko hinding-hindi pa ako nakabasa ng isang artikulo na maling-mali ang pagpapakilala. Ang kahandalapakan na ito, gaya ng tawag ninyo rito, ay ang damdamin sa pagitan ng dalawang tao at hindi dapat tawaging lisyang paggawi. Walang binabanggit sa Bibliya tungkol sa seremonya ng kasal nina Adan at Eva, kundi tinawag ni Adan si Eva na kaniyang asawa at tinawag naman ni Eva si Adan na kaniyang asawa. Kung tungkol naman sa mga homoseksuwal, si Jehova ay tumitingin sa puso. (1 Samuel 16:7) Ang ating Maylikha ay naglaan ng sekso bilang isang paraan ng pagpapahayag ng matimyas na pag-ibig, at ang pagiging heteroseksuwal ay hindi kaaya-aya sa kaninuman. Habang taglay ng mga homoseksuwal ang pag-ibig at paggalang sa isa’t-isa, hindi ba nila masusunod ang mga simulain ng Bibliya? Sinusunod ng ibang tao ang maka-Diyos na mga simulain sa paraan na inaakala nilang sinasang-ayunan ng Diyos, hindi sa paraan na sinasang-ayunan ng tao sa pamamagitan ng isahang panig na mga artikulo na gaya nito.

D. J., New York

Nang iharap kay Adan si Eva, batid niya na sila ay para sa isa’t-isa sa pamagitan ng pagsasabi ni Adan ng: “Ito sa wakas ay buto ng aking buto at laman ng aking laman.” At wala ng higit pang tagapagbuklod kaysa opisyal na pangungusap ng Diyos: “Kaya iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ang kaniyang ina at siya ay makikipisan sa kaniyang asawa at sila’y magiging isang laman.” (Genesis 2:23, 24; Mateo 19:5) Kung ano ang sinasang-ayunan ng Diyos ay hindi nasasalig sa mga damdamin ng indibiduwal kundi sa kung ano ang tiyakang sinabi niya sa kaniyang Salita. Ganito ang sinasabi sa Hebreo 13:4: “Hayaang ang pag-aasawa ay maging marangal sa lahat, at huwag nawang madungisan ang higaan ng mag-asawa, sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nakikiapid at mga mangangalunya.” Ang paghatol ng Diyos sa homoseksuwal na mga gawi ay maliwanag na binabanggit sa Levitico 20:13; Roma 1:27, 32 at 1 Corinto 6:9, 10.​—ED.

Paggamot sa mga Paso

Sa isang lokal na restauran, ang aking bunsong anak na babae ay nabanlian ng kumukulong tubig. Dahilan sa kaalaman ko sa kung papaano gagamutin ang mga paso, na natamo ko sa pagbabasa ng Awake! (Hulyo 22, 1966; Marso 22, 1980; Abril 22, 1980), agad kong binuhusan ng malamig na tubig ang mga paso na natatakpan ng damit, nilagyan ng ice compress ang nakalantad na balat at isinugod sa lokal na ospital na mga isang milya ang layo. Sa ospital tinanong ako ng mga tauhan sa ospital kung paano namin nalaman na ito ang pinakamabuting on-the-spot na paggamot. Ipinaliwanag ko na ako ay kaagad na nakatugon sapagkat ako’y isang masugid na mambabasa ng Awake!

F. D., California

Mga Makina sa Pananahi

Kamakailan ang aking anak na babae ay umuwi mula sa paaralan at sinabing nais akong makilala ng kaniyang guro sa pananahi. Kararating lamang sa koreo ng bagong Awake! (Oktubre 8, 1984, Abril 8, 1985 sa Tagalog) na may artikulo hinggil sa mga makina sa pananahi. Nagsaayos ako na makipagkita sa guro ng aking anak na babae at ipinakita ko sa kaniya ang magasing iyon. Pagkalipas ng dalawang araw, itinawag pansin ng guro sa buong klase ang tungkol sa artikulo, nais niya na basahin nila ito upang malaman nila kung papaano pangangalagaan, lalangisan at lalagyan ng sinulid ang makina.

S. W., Oregon