Nasumpungan Ko ang Buhay, sa Paghanap Ko ng Sanhi ng Kamatayan
Nasumpungan Ko ang Buhay, sa Paghanap Ko ng Sanhi ng Kamatayan
Ang kuwento ng isang patologo
“MAYROON akong pag-asa na hindi na kailanman mamatay,” sabi ng aking kaibigan. Mapanuya akong nangiti rito. Gayunman kasabay nito napukaw nito sa akin ang matinding pagkamausisa. Kilalang-kilala ko ang aking kaibigan. Magkasabay kaming nag-aral sa paaralan, at kailanman ay hindi ko pinagdududahan ang kaniyang katinuan. Bilang isang patologo ako ay pamilyar sa kamatayan at sa maraming sanhi nito, ngunit ang ideya ng walang hanggang buhay ay hindi kailanman sumagi sa aking isipan.
Pagkatapos ng pag-uusap, binigyan niya ako ng dalawang aklat: Ang Katotohanan na Umaakay Patungo sa Buhay na Walang-Hanggan at Tunay nga bang Salita ng Diyos ang Bibliya? Iyan ang unang pagkarinig ko sa mensahe na ipinangangaral ng mga Saksi ni Jehova mula sa Bibliya. Ang dalawang aklat na iyon ay mangangahulugan ng isang malaking pagbabago sa aking buhay at isang pagbabago pati ng direksiyon ng aking medikal na pananaliksik na gawain.
Maraming taon ang nagugol ko sa oncological research—ang pag-aaral ng mga tumor. Bilang isang patologo interesado Mateo 6:9, 10.
ako sa pinagmulan at sanhi ng mga karamdaman. Araw-araw na nakakaharap ko ang dalawang di nagbabagong bagay—ang buhay at kamatayan. Nabighani ako sa himala ng buhay at sa hiwaga ng kamatayan. At ngayon, di sinasadya, narinig kong may nagsabing totoo na marahil ay hindi siya mamamatay yamang inaasahan niyang darating ang Kaharian ng Diyos sa kaniyang kinabubuhayang panahon.—Ang Aking Karera sa Medisina
Ako ay hindi pinalaki sa isang napakarelihiyosong tahanan. Nakikilala ng aking ama, isang matalino at palabasang tao, ang marami sa mga relihiyosong lider na Katoliko sa Espanya anupa’t hindi niya nais na ituro sa amin ang kanilang mga ideya. Noong mga taóng iyon ang Katolikong relihiyosong pagtuturo ay sapilitan sa paaralan. Pagtungtong ko sa edad na 15 at nagsimulang mangatuwiran tungkol sa doktrinang Katoliko, ipinasiya kong kumalas mula sa simbahan.
Noong minsan inisip ko ang tungkol sa karerang militar, ngunit pagkatapos ko ng aking bachillerato (high school) na pag-aaral ang pinagpilian ko ay inhinyeria o medisina. Marami akong nabasa tungkol sa mga doktor at madalas kong marinig ang aking ama na nagsasalita nang pabor sa prominenteng mga doktor na Kastila na gaya ni Santiago Ramón y Cajal, ang nagwagi ng gantimpalang Nobel sa medisina. Kaya sa wakas pinili ko ang kabigha-bighaning siyensiya ng medisina.
Sinikap Akong Kumbertihin ng Teologong Katoliko
Habang lumilipas ang panahon lalong tumitindi ang aking pagsalansang sa Katolisismo, hanggang sa punto na maging isang agnostiko. Patuloy kong tinututulan ang mga doktrina na gaya ng Trinidad, impierno, at ang di-pagkakamali ng papa.
Isang araw, sa isang argumento kasama ng aking mga kaibigan sa Pambansang Aklatan ng Madrid, inanyayahan ako ng isa sa kanila na makipagkita sa isang kilalang teologong Katoliko na, ayon sa sabi sa akin, ay makapagpapaliwanag sa aking mga pag-aalinlangan at mapabubulaanan ang aking mga argumento. Tinanggap ko ang hamon, at nang araw ding iyon dinalaw namin ang tahanan ng klerigo.
Pagdating namin napakasaya niya at sinabi niya na ang hapon na iyon ay inilaan niya para sa amin. Magagalak daw siya na tulungan akong makabalik sa Iglesya Katolika. Pagkatapos ng isang oras ng argumento at kontra-argumento, bigla niyang naalaala na mayroon pala siyang kompromiso! Nasiraan ng loob ang aking kaibigan na makitang umatras ang kaniyang teologo.
Hindi ko matatanggap ang kalahating mga katotohanan na pinalamutian ng huwad na pilosopya ng tao na kung minsan ay nangangahas na gawing impersonal ang Diyos sa isang Trinidad at ipakilala siya bilang isang malupit, masamang tagapagdisenyo ng mga pagpapahirap ng impierno kung saan ang mga tao ay pinananatili magpakailanman. Hindi ko matanggap ang gayong Diyos.
Ang Aking Pagkahalina sa Medikal na Pananaliksik
Mabilis na lumipas ang mga taon, at ako’y naging kuwalipikado bilang isang doktor. Nagdalubhasa ako sa internal medicine, itinataguyod ang aking karera nang may kasiglahan. Nais kong tulungan ang mga taong maysakit. Isang araw ako ay tinawag upang asikasuhin ang isang batang babae na may sakit na leukemia. Lubha akong naapektuhan ng kasong ito—isip-isipin na lamang na di-magtatagal at ang batang ito ay mamamatay. Laging sumasagi sa isip ko ang nakatatakot na karamdamang ito na maagang pumapatay sa maraming buhay.
Pag-uwi ko ng bahay nang araw na iyon, nagtungo ako sa aking silid-aralan, inilabas ko ang lahat ng mga aklat at publikasyon tungkol sa paksang ito, at sinimulan kong pag-aralan ito nang puspusan. Nais kong malaman ang ugat na sanhi ng karamdaman, at mula roon, ang lunas. Magdamag akong nag-aral.
Nang madaling-araw na ako ay tuwang-tuwa sapagkat nakagawa ako ng isang kompletong teoriya tungkol sa posibleng mga sanhi ng leukemia. Disidido akong ilathala ang aking teoriya. Ngunit natandaan ko ang payo ni Santiago Ramón y Cajal: Isang bagay ang gumawa ng teoriya; at isang bagay ang ipakita ang teoriya. Hindi sapat ang teoriya lamang. Kailangan kong
gumawa ng eksperimental na pananaliksik upang patunayan nga ito. Ano ang pangwakas na resulta? Ipinasiya ko na italaga ang aking buhay sa medikal na pananaliksik. Kaya nagpasiya akong magdalubhasa sa oncology, pathological anatomy, at iba pang sangay ng patolohiya.Nagkaroon ako ng pagsulong sa aking pagsasaliksik hanggang sa punto na ako ay hiniling na ikapit sa mga pasyente ng kanser ang resulta ng aking mga eksperimento sa mga hayop. Tumanggi ako yamang ako ay nakapag-eksperimento lamang sa isang uri ng tumor. Una’y nais kong mag-eksperimento sa iba pang uri na alam na alam ko. Kumbinsido ako na ang bawat uri ng tumor ay nangangailangan ng isang espisipikong imyunisasyon.
Buhos na buhos ang isip ko sa aking mga eksperimento at tinatamasa ko ang pakinabang ng taunang kaloob o grant mula sa Spanish cancer association at sa World Health Organization. Saka nangyari ang ganap na di-inaasahan. Ako’y sinabihan na upang patuloy na tanggapin ang gayong kaloob kailangang ibigay ko ang mga resulta ng aking pananaliksik sa isa pang research unit na hindi sa ilalim ng aking pamamahala. Hindi ako payag sa palakad na ito. Dahilan sa gayong medikal na pulitika, itinigil ko ang aking gawaing pananaliksik.
Isang Bagong Larangan ng Pananaliksik
Iyan ang kalagayan ko nang una kong makilala ang aking kaibigan na Saksi. Kaming mag-asawa ay nakakuha kamakailan ng isang Bibliya, at nabasa ko ang ilan sa “Bagong Tipan.” Ang interes ko sa espirituwal na mga bagay ay muling napukaw. Nang gabing iyon sinimulan kong basahin ang aklat na Ang Katotohanan na Umaakay Patungo sa Buhay na Walang-Hanggan.
Madaling-araw na nang—pagkatapos ng isang mahinahon, masidhi, at kasabay nito’y kapana-panabik, na pagbasa—naubos kong basahin ang aklat. Kailangan kong matulog. Ngunit una muna, taglay ang malaking tuwa, paggalang, at matinding emosyon, nanalangin ako sa Diyos. Nagpasalamat ako sa aking natutuhan nang gabing iyon tungkol sa kaniya hindi lamang bilang ang Maylikha kundi gayundin bilang isang buháy na Diyos na may kahanga-hangang mga katangian ng pag-ibig, karunungan, katarungan, at kapangyarihan. Ito ang Diyos na maaari kong igalang at sambahin.
Nabasa ko ito at ang aklat na Tunay nga bang Salita ng Diyos ang Bibliya? sa loob ng dalawang araw. Kinabukasan tinawagan ko sa telepono ang mga Saksi upang dalhan ako ng higit pang mga aklat na inianunsyo. Agad nilang inihatid iyon, kasama na ang isang aklat tungkol sa ebolusyon. Binasa kong lahat ang mga ito at ako’y naghinuha na tanging ang mga Saksi ni Jehova lamang ang nagtataglay ng katotohanan tungkol sa pagsamba at paglilingkod sa tunay na Diyos, si Jehova. Kailanman ay wala pa akong nabasang katulad nito sa relihiyosong materyal—ito ang diwa ng kasimplihan at kaliwanagan.
Yamang ako’y sanay sa pagbabasa ng siyentipikong mga ulat na may malawak na bibliograpiya, humanga ako sa pamantayan ng mga Saksi. Sa kanilang publikasyon na Did Man Get Here by Evolution or by Creation? ay nakatala ang 248 bibliograpikong pinagkunan! Maliwanag na malawak na pananaliksik ang ginawa sa aklat na iyon.
Ipinakipag-usap ko sa aking asawa ang tungkol sa aking mga konklusyon tungkol sa Bibliya at sa mga Saksi. Pagkatapos ay binasa niya ang aklat na Katotohanan at sumang-ayon na makisama sa isang sistematikong pag-aaral ng Bibliya na kasama ng mga Saksi. Ginamit namin ang dalawang Bibliya, ang Katolikong Nácar-Colunga at ang New World Translation ng mga Saksi. Noong minsan kami ay nagdaraos ng tatlong pag-aaral sa isang linggo. Di-nagtagal dumalo kami sa mga pulong sa Kingdom Hall sa Madrid.
Mentras mas nag-aaral ako ng Bibliya, lalo kong natatalos na wala sa medisina ang tunay na lunas sa mga problema ng tao. Maaari kaming makagawa ng pagsulong sa ilang mga 1 Corinto 15:54; Apocalipsis 21:4; Hebreo 6:18.
karamdaman, ngunit bilang isang doktor lagi akong nagwawakas sa di-makakamit: ang pasukuin ang kamatayan. Walang sangay ng medisina ang makabibigkas ng mapuwersang mga salita na masusumpungan sa Bibliya: “Ang kamatayan ay naparam na magpakailanman” at “mawawala na ang kamatayan.” Tanging ang Diyos lamang, ‘na hindi maaaring magsinungaling,’ ang makagagarantiya ng katuparan ng pangakong ito, na pinananabikan ng marami.—Taglay ang isang bagong pangmalas, ipinasiya kong iwan ang cancer research at tinanggap ko ang posisyon ng pagiging Direktor ng Pathological Anatomy Service sa lunsod ng Orense sa hilagang-kanlurang Espanya. Kung ihahambing sa gawaing pananaliksik, waring ito ay isang kawalan ng karangalan sa daigdig ng medisina. Ngunit isa pang salik na nakaimpluwensiya sa aking disisyon ay ang nabatid ko na ang Orense Congregation ng mga Saksi ni Jehova ay nangangailangan ng tulong. Nang malaunan kami ay nabautismuhan bilang Kristiyanong mga Saksi ni Jehova noong Mayo 29, 1971, sa Orense.
Pagpapatotoo sa Reyna
Mula noon nagkaroon ako ng maraming pribilehiyo may kaugnayan sa kongregasyon. Ako ay naging isang matanda o elder sa loob na ng maraming taon at nagkaroon din ng pananagutan na pangasiwaan ang First Aid Department sa maraming mga asamblea at kombensiyon. Bilang isang doktor at patologo naipagtanggol ko—sa pamamagitan ng radyo, telebisyon, at ng mga pahayagan—ang paninindigan ng mga Saksi ni Jehova laban sa paggamit ng mga pagsasalin ng dugo. Ang ating mga dahilan mula sa Bibliya ay matatag, at napakaraming katibayan sa daigdig ng medisina na pumipigil sa larangang ito.—Genesis 9:4; Levitico 17:14; Gawa 15:28, 29.
Noong 1978 ako’y inanyayahan na magbigay ng isang pahayag tungkol sa “Dugo, Medisina at ang Batas ng Diyos” sa Superior Council of Scientific Research sa Madrid. Siyam na taon bago nito, nakapagpahayag na ako tungkol sa cancer research sa dako ring ito. Anong laking pagkakaiba! Ngayon ang aking mga tagapakinig ay binubuo ng mga doktor at mga klerigo, kasama na si Reyna Sophia ng Espanya na dumalo bilang isang estudyante ng humanities. Ang pahayag ay dapat na tumagal ng isang oras. Sa katunayan, ang diskusyon ay umabot ng halos tatlong oras. Nasagot ko ang maraming mga katangungan, at sa wakas may kabaitang binati ako ni Reyna Sophia. Natutuwa ako na ako’y nakapagpatotoo sa ikapupuri ni Jehova.
Ngayon kapag sumisilip ako sa aking mikroskopyo upang suriin ang mga sanhi ng sakit at kamatayan, ako ay nauudyukan din na purihin ang Diyos na Jehova sa kahanga-hangang kasalimuotan ng daigdig ng ubod liliit na mga bagay. Ang himala ng buhay ay patuloy na pinagmumulan ng pagkabighani at panggigilalas, at ang palaisipan ng kamatayan ay may matibay na kasagutan ngayon—ang kamatayan ay kabayaran ng kasalanan.—Roma 6:23.
Nasumpungan ko mula sa aking pag-aaral ng Bibliya na ang tunay na pag-asa para sa mga patay ay ang pagkabuhay na muli na itinuro ni Jesus. Siya mismo ang nagsabi: “Huwag ninyo ipanggilalas ito, sapagkat dumarating ang oras na lahat ng nasa mga alaalang libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig at magsisilabas.”—Juan 5:28, 29.
Lubos akong nagpapasalamat kay Jehova sa aking kaalaman ng katotohanan, na malaman na sa di na magtatagal ang kalusugan at buhay ay ibabalik sa masunuring sangkatauhan. Bilang isang doktor at patologo ako ay mawawalan ng trabaho, sapagkat doon wala nang magsasabing, “Ako’y may sakit”; pati ang “kamatayan ay mawawala na.” (Isaias 33:24; Apocalipsis 21:3, 4) Ngunit maligaya akong maiwala ang linyang iyan ng trabaho. Kaya, gaya ng aking kaibigan sa pasimula ng aking kuwento, ako man, ay umaasa ngayon na hindi na mamamatay!—Gaya ng isinaysay ni Dr. Salvador Gonzáles.
[Blurb sa pahina 26]
Nabighani ako sa himala ng buhay at sa hiwaga ng kamatayan
[Blurb sa pahina 27]
Isang kakaibang tunguhin sa buhay