Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Tungkol sa mga Marka

Labis kong pinahahalagahan ang inyong artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Bakit Mababahala Tungkol sa mga Marka?” (Agosto 22, 1984 sa Tagalog) Idiniin ng artikulo ang pakikinig sa klase kung nais nating magtamo ng kaalaman. Mag-aaral na akong mabuti ngayon sa eskuela. Ang aking hangad ay na lahat sana ng mga estudyante na nakabasa ng artikulong iyon na gaya ko ay maunawaan ang kahalagahan ng pakikinig sa klase.

E. R., Pransiya

Talagang naibigan ko ang artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Paano Ko Mapasusulong ang Aking Kinagawian sa Pag-aaral?” (Enero 8, 1985 sa Tagalog) Sang-ayon ako na ang telebisyon ay maaaring makasira ng iyong konsentrasyon, ngunit hindi ako sang-ayon tungkol sa pagsira ng iyong konsentrasyon sa pamamagitan ng radyo. Naitutuon ko ang aking pagiisip sa aking binabasa at kasabay nito ay nagpapatugtog din ng radyo.

A. N., Ohio

Ang epekto ng isang tumutunog na radyo samantalang ang isa ay nagbubuhos ng isip sa pag-aaral ay maaaring iba-iba sa bawat tao. Ang epekto nito ay depende rin sa uri ng musika na pinatutugtog. Ang aklat na “How to Double Your Child’s Grades in School,” sa ilalim ng bahaging “Mga Tip na Dudoble sa Halaga ng Bawat Oras ng Pag-aaral,” ay nagsasabi: “Dapat na walang anumang sagabal sa oras na iyon. Nangangahulugan ito, kung gayon, na ang pinto ng kaniya mismong silid ay nakapinid. Walang radyo o TV. Walang mga pang-abala.” Samantalang maaaring akalain ng isa na ang tumutugtog na radyo ay hindi nakakasagabal sa kaniyang konsentrasyon, makabubuting sikaping mag-aral nang walang radyo. Maaari pa nitong paghusayin ang konsentrasyon. Sulit na subukin.​—ED.

Ang Iglesia Katolika at ang Kaligtasan

Sa inyong isyu noong Agosto 22, 1984, sa Ingles, pahina 28, binanggit ninyo na inaangkin ng Iglesya Katolika ang daan ng kaligtasan para sa daan-daang milyong mga tao. Hindi inaangkin ng Iglesya Katolika na siya ang daan ng kaligtasan kundi itinuturo nito na si Jesu-Kristo ang daan ng kaligtasan. Ang Iglesya ay isang instrumentong ginagamit ng Diyos upang akayin ang mga tao sa Isa na nagliligtas, yaon ay, si Jesus. Hinihimok ko kayo na huwag siraan ang ibang Iglesya at ituon ang pansin sa kaloob na pag-ibig.

S. H., California

Ang “New Catholic Encyclopedia” ng The Catholic University of America, sa ilalim ng paksang “Salvation, Necessity of the Church For,” binabanggit nito na ang isa ay nakikitungo sa kaayusan ng Diyos upang maligtas sa pamamagitan ng pananampalataya at “sa pamamagitan ng Iglesya Katolika, na siyang mistikal na katawan ng Kristo, sa labas nito ay walang kaligtasan.” Sa ibaba pa ay sinabi nito: “Ang pangangailangan sa Iglesya para sa kaligtasan ay lubusang ipinaliliwanag ng Iglesya bilang isang nahayag na katotohanan. . . . Sa gayon, iginigiit ni Boniface VII sa kaniyang utos na ‘Unam sanctam’ na walang kaligtasan ni kapatawaran ng mga kasalanan sa labas ng Iglesya na itinatag ni Kristo.” Naniniwala kami na sa kapakanan ng lahat ng tao kailangang ipagbigay-alam ang tunay na katayuan ng mga pangyayari, pati na yaong mga bagay kung saan ang mga organisasyon ng relihiyon o ang kanilang mga lider ay hindi kasuwato ng turo ni Kristo. Kung ang mga tao ay tinuruan na sumamba sa Diyos sa paraan sa salungat sa tunay na turo ng Bibliya, at na hindi niya tinatanggap, tiyak na pagpapakita sa kanila ng pag-ibig na ipaalam sa kanila ang mga katotohanan, gaya ng ginawa ni Jesus, na nakatala sa Mateo 15:8, 9.​—ED.