Ang Kita ng Babae—Sulit Ba ang Kabayaran?
Ang Kita ng Babae—Sulit Ba ang Kabayaran?
“NANG ako ay nasa bahay buong araw,” gunita ng isang maybahay na nagtatrabaho, “pinananatili kong napakalinis ang aming tahanan anupa’t nakakasumpong ako ng mga bagay na gagawin sa bahay. Napakapihikan ko. Halimbawa, mayroon kami nitong shag (mahaba-hibla) na alpombra sa aming salas, at kung may lumakad dito, ay kakalaykayin ko ito pagkatapos upang ang mga hibla ay tatayo.” Sabi pa niya na natatawa, “Ngunit hindi na ako ganiyan ngayon na ako’y nagtatrabaho.” Ang kaniyang asawa, gayunman, ay hindi natatawa. Nasasabi niya, “Bueno, talagang magandang tingnan kung ang iyong shag na alpombra ay ‘nakatayo.’”
Ipinakikita ng pag-uusap na ito ang isang punto na ginawa ni Propesor William Michelson sa kaniyang malawakang pag-aaral ng mga babaing nagtatrabaho: a Yamang nagagampanan ng maraming asawang babae ang isang trabaho at ang mga tungkulin sa tahanan, ang paggawa niya ng gayon ay “nangangailangan ng kapalit at kabayaran.” Natutuhan ng mag-asawang nabanggit na ang isang asawang babae na nagtatrabaho ay maaaring walang panahon—o lakas—na ilaan sa tahanan na dati’y taglay niya bilang isang buong-panahong maybahay. At para sa ilan ito ay napakahalagang kapalit.
Maraming babae ang talagang nakakasumpong ng malaking kasiyahan sa paglalaan sa kanilang mga pamilya ng isang malinis na tahanan at masarap na pagkain. At tama naman, sapagkat pinapupurihan ng Bibliya ang “may kakayahang asawang babae” na masikap na “tinitingnan ang mga lakad ng kaniyang sambahayan.” (Kawikaan 31:10, 27) Gaya ng sabi ng isang babae, ‘Kapag ako’y gumagawa ng masarap na hapunan o gumugugol ng ekstrang panahon upang gumawa ng isang bagay para sa aking pamilya, ang aking 15-anyos ay nagsasabi, “Ma, ikaw ay kahanga-hanga,” iyan ay mas mabuti, higit na sulit, kaysa isang umento sa anumang trabaho o anumang propesyon na maibibigay ng sinuman sa akin. Iyan ay kasiya-siya.’ Kaya kapuwa ang asawang babae at ang pamilya ay maaaring makadama ng kawalan kung siya ay magtatrabaho.
Ang igtingan ng mag-asawa ay maaaring isa pang kabayaran ng pagtatrabaho. Kadalasan nang ipinaghihinanakit ng mga maybahay ang pagdadala ng di-makatuwirang bahagi ng gawain sa bahay. Maaaring ikagalit din ng mga asawang lalaki na sila’y hilingin na tumulong. Ang iba nga ay nagrireklamo, gaya ng isang asawang lalaki: “Inaakala kong ako’y madalas na napapabayaan. Si misis ay dumarating ng bahay na pagod at balisa. Siya ay laging abala sa mga bata. Hindi na kami nagkakasama. Pinahahalagahan ko na kinakailangan niyang gawin kung ano ang ginagawa niya, ngunit hindi iyan nagdudulot sa akin ng anumang kaligayahan.” Maaari pa ngang hadlangan ng kapaguran sa trabaho ang kasiyahan ng mag-asawa sa mga ugnayang pangmag-asawa.—1 Corinto 7:3-5.
Ang isa pang mahalagang kapalit ay ang binanggit ng isang asawang lalaki na nagsabi: “Ipinagpapalit mo ang pagiging naroroon na kasama ng mga bata. Ang aming mga anak ay mauuna sa bahay ng mga ilang oras bago dumating ang aking asawa. Gayunman, hindi sila napapabayaan, sapagkat ang kanilang lola ay naroroon na kasama nila. Ngunit talagang naiwawala ng aking asawa ang mga oras na iyon na dapat ay kasama niya sila. At malaki ang magagawa niya na kasama nila bilang pagsasanay kung siya ay naroroon.” Gayunman, hindi lahat ng mag-asawang nagtatrabaho ay may lola o kaibigan na mag-aalaga sa kanilang mga anak. Ang sapat na mga paglilingkod ng day-care (pinag-iiwanan ng mga bata) ay mahirap hanapin—at magastos. Kaya ang magasing Newsweek ay nag-ulat na “isang nagpuputok na dami
ng mga bata ang gumugugol ng hindi kukulanging isang bahagi ng bawat araw ng sanlinggo nang walang anumang adultong pangangasiwa.”Hindi kataka-taka, kung gayon, na sa isang surbey kamakailan ng mahigit 200,000 Amerikano (57 porsiyento nito ang mula sa mga pamilya na ang ama’t-ina ay nagtatrabaho), 69 porsiyento ang nag-aakala na ang pagtatrabaho ng asawang babae ay may “nakapipinsalang epekto sa pampamilyang” buhay.
Pangangailangan Laban sa Kagustuhan
Mangyari pa, ang pagtatrabaho ng asawang babae ay hindi laging may katakut-takot na resulta. Maraming mag-asawa ang napapangalaang mabuti ang kanilang mga trabaho, tahanan, at mga anak. At, ang mag-asawa ay maaaring maging asiwa tungkol sa pagtatrabaho ng babae, inaakalang ito ay lumilikha ng mga problema para sa pamilya. Kung gayon ang kaso, pakisuyong alalahanin ang payo na ibinigay ni Jesus sa Lucas 14:28: TAYAHIN ANG HALAGA!
Sa maikli, ito’y nangangahulugan ng maingat na pagsusuri sa pinansiyal na katayuan ng isa at saka timbangin ang mga bentaha at disbentaha ng pagtatrabaho ng asawang babae. Talaga bang kinakailangan ang kita ng asawang lalaki at babae upang mapunan ang pangunahing pangangailangan—kainamang tahanan, masustansiyang pagkain, sapat na pananamit, at iba pa? O ang kita ba ng babae ay magpapahintulot ng higit na mga kagustuhan—kapritso na gaya ng labis-labis na pabahay, mga pagkain sa restauran, paglilibang, o sunod-sa-moda na pananamit?
Maraming mag-asawa ang basta hindi nakakaalam ng kaibhan sa pagitan ng pangangailangan at kagustuhan. At ano ang resulta? Sabi
ng aklat na The Individual, Marriage, and the Family: “Tiyak, ang mga pamilya na may taunang kita na $12,000 ay naniniwala na kung sila ay kikita lamang ng karagdagang $4,000 ang kanilang pinansiyal na mga pangangailangan ay masasapatan, samantalang ang mga pamilya na kumikita ng $16,000 ay nag-aakala mismo na sila ay hirap din sa kabuhayan na gaya niyaong mga kumikita ng $12,000 at sila ay kumbinsido na kung sila’y kumikita ng $20,000 sila ay masisiyahan. Ang mga kita ng $20,000, $40,000, at kahit na $60,000 ay waring hindi pa rin naglalaan ng sapat na pera para sa pamilya upang gawin ang lahat ng bagay na nais nito; sapagkat habang lumalaki ang kita, lalo namang lumalaki ang pangangailangan na nakikita ng pamilya at lalong dumarami ang pagkakagastos, anupa’t ang mga pamilyang may matataas na kita ay kadalasan nang mas baón sa pagkakautang kaysa sa mga pamilya na may katamtamang kinikita, na mas baón pa sa utang kaysa sa mga pamilya na may mababang kinikita.”Ganiyan din ang isinisiwalat ng isang surbey na isinagawa ng magasing Psychology Today “na yaong mga lubos na nasisiyahan sa kanilang pinansiyal na katayuan ay hindi yaong may malalaking kita . . . Kaya, ang implasyon ay bahagyang nasa mata ng nagmamasid.”
Kaya ang pagtatrabaho para sa mailap na mga kagustuhan ay gaya ng paggawa ng isang nakababagot na rutina. Sabi ni Haring Solomon: “Mayroon pa akong napansing isang bagay sa buhay na walang kabuluhan. May isang tao na Eclesiastes 4:7, 8, Today’s English Version; amin ang italiko.) Gaano karaming kita, kung gayon, ang dapat pagsikapang kitain ng isang pamilya? Ang Bibliya ay nagbibigay ng nakatutulong na tuntuning ito: “Kaya, kung tayo’y may pagkain at pananamit na, masisiyahan na tayo sa mga bagay na ito.”—1 Timoteo 6:8.
nag-iisa. Siya’y walang anak, ni kapatid man, gayunma’y laging nagtatrabaho, hindi nasisiyahan sa kayamanang taglay niya. Kanino nga siya nagpapagal at pinagkakaitan ang kaniyang sarili ng anumang kasiyahan? Ito man ay walang kabuluhan—at isang miserableng pamumuhay.” (Ang “pagkain at pananamit” ay hindi nangangahulugan ng pinakamodernong mga kagamitan ni kahabag-habag na karalitaan. (Ihambing ang Kawikaan 30:8.) Kaya hindi tayo dapat maghinuha na ang isang tao na nakabibili ng isang magandang tahanan o telebisyon ay isa nang sukdulang materyalistiko. Gayunman, bumabangon ang problema kapag ang mag-asawa ay nagsisikap na magkaroon ng gayong mga bagay sa kapinsalaan ng kasiyahang pangmag-asawa, ng kanilang espirituwalidad, o ng espirituwalidad ng kanilang mga anak. Kung ang ekstrang salapi ay ganito kahalaga, dapat tanungin ng mag-asawa ang kanilang sarili kung ito nga ba’y sulit.
Marami ang naghinuha na talagang ito’y hindi sulit. Ang malayang manunulat na si Christine Davidson, halimbawa, ay nagpasiya na tumigil sa trabaho sapagkat nahihirapan siyang pangalagaan ang isang trabaho at ang pamilya. Ang paghinto niya sa trabahong pagtuturo ay nangangahulugan ng kaunting kita para sa pamilya. “Kami’y walang-wala—sa lahat ng panahon,” sabi niya. “Hindi namin mabayaran ang maliit na pagkakautang at kasabay nito’y bilhan ng mga sneaker ang aming mga anak sa loob ng linggo ring iyon. Ngunit OK naman sapagkat mayroon akong naibibigay ngayon na isang
bagay sa aking mga anak. Hindi na ako nagsasabi, ‘Hindi, hindi puede ngayong hapon, kailangan kong magtrabaho’ o ‘Hindi, hindi puede ngayon, ako’y pagod na pagod.’” Maaari kayang ang karagdagang atensiyon na ibinibigay niya ngayon sa kaniyang mga anak ay mas mahalaga kaysa isang suweldo?‘Higit pa Kaysa Pag-aayos ng Kama at Pagluluto’
Mangyari pa, hindi lahat ng asawang babae ay basta na lamang titigil sa kanilang trabaho. Ang iba ay nagsasabi pa nga na sila ay mababagot o makadarama ng “kawalang-katuparan” kung sila ay mananatili sa bahay nang buong araw. Sabi ng isang maybahay na nagtatrabaho: “Kailangan ko ng higit sa buhay kaysa pag-aayos ng kama at pagluluto.”
Kaya, maaaring isaalang-alang ng mga gayon ang part-time na trabaho. Napansin ni Propesor William Michelson na ang part-time na trabaho ay hindi lamang naglalaan ng ekstrang kita kundi ito rin ay “nagpapangyari na mas madaling isaayos ng mga babae ang kanilang iba’t ibang mga pananagutan . . . nang hindi ginigipit ng panahon at walang gaanong tensiyon sa paggawa niyaon at mga bentaha sa pangangalaga sa mga bata.” Ang ibang mapag-isip na babae ay nagsimula pa nga ng matagumpay na mga negosyo na nagpapahintulot sa kanila na kumita sa bahay. (Tingnan ang ibaba.)
Gayunman, ang pagkauhaw sa “pagkaganap” ay hindi kailanman ganap na masasapatan ng gawain sa bahay o sekular na trabaho. Sabi ni Jesus: “Maligaya yaong mga palaisip ng kanilang espirituwal na pangangailangan.” (Mateo 5:3) Tanging kapag ang pangangailangang ito ay natugunan na ang isang babae o isang lalaki ay tunay na nakadarama ng kaganapan. Kaya maraming Kristiyanong babae ang masayang tinatanggap ang pagkakataon na maging malaya mula sa sekular na trabaho upang magkaroon sila ng higit na bahagi sa paglilingkod sa Diyos. Sa gitna ng mga Saksi ni Jehova, ang iba pa nga ay nakagagawa nito sa pamamagitan ng paggugol ng hanggang 60 o 90 oras pa nga sa isang buwan sa pagtuturo ng Bibliya sa iba. Ang humahamong gawaing ito ay nagdudulot sa kanila ng kaganapan na hindi kailanman mailalaan ng sekular na trabaho!
Gawin ang Pinakamabuti sa Iyong Kalagayan!
Ang bawat pamilya, gayunman, ay dapat magpasiya kung ano ang pinakamabuti para rito. Ipinakikita ng mga panayam sa susunod na pahina kung paanong ang dalawang mag-asawa—na mga Saksi na Jehova—ay dumating sa lubhang magkaibang konklusyon dahilan sa ganap na magkaibang kalagayan. Kaya mali na hatulan ang mga pasiya ng iba sa bagay na ito o gumawa ng di-makatuwirang paghahambing. —Roma 14:4.
Ang mga katotohanan tungkol sa ekonomiya ngayon ay maaaring mag-iwan sa maraming mag-asawa ng kaunting mapagpipilian kundi ang magtrabaho ang mag-asawa. Gayunman ang mga hamon na nakakaharap ng mag-asawang nagtatrabaho ay mapagtatagumpayan. (Ipinakikita ng Hulyo 8, 1985, na isyu ng magasing ito kung papaanong ang mga simulain ng Bibliya ay makatutulong sa mag-asawang nagtatrabaho.) At yamang ang Bibliya ay nag-uutos sa mga Kristiyano na ‘paglaanan ang kanilang sariling pamilya,’ walang dahilan para sa isa na pabigatan ng pagkadama ng pagkakasala dahilan lamang sa kinakailangang magtrabaho ang mag-asawa.—1 Timoteo 5:8.
Ipagpalagay na, ang kalagayan ng maybahay na nagtatrabaho sa ngayon ay hindi uliran. Ngunit, hindi rin uliran ang kalagayan ng nagtatrabahong ama. Ang kaniya mang trabaho ay nagbubukod sa kaniya sa kaniyang pamilya nang mga ilang oras sa isang panahon. Kaya para sa ulirang mga kalagayan dapat nating hintayin ang Bagong Kaayusan ng Diyos na ipinangako sa Kasulatan. (2 Pedro 3:13) Doon, ang buong lahi ng tao ay magiging abala sa kasiya-siyang trabaho. (Isaias 65:21-23) Ang mga mag-asawa ay hindi na kailangang magpakahirap upang paglaanan ang kanilang mga pamilya. Sapagkat ang Diyos ay nangangako ng kasaganaan ng mabubuting bagay—pisikal at espirituwal—doon sa mga pinagpala ng buhay sa panahong iyon.—Isaias 25:6.
Samantala, huwag mong hayaang magapi ka ng mga kabalisahan sa buhay at ng panggigipit ng paghahanapbuhay. ‘Bilhin ang panahon’ para sa iyong kabiyak at para sa iyong mga anak. (Efeso 5:16) Huwag maging lubhang abala anupa’t wala kayong panahon na sumambang magkakasama bilang isang pamilya. Sa panahong ito na punô ng panggigipit, ang matalinong bagay na gawin ay ituon ang inyong pagsisikap sa paglalagay ng “mainam na pundasyon para sa hinaharap, upang [ikaw] ay makakapit nang mahigpit sa tunay na buhay.”—1 Timoteo 6:19.
[Talababa]
a The Logistics of Maternal Employment: Implications for Women and Their Families—University of Toronto.
[Kahon/Larawan sa pahina 5]
Mga Bentaha Mga Disbentaha
Kaunting pinansiyal na kagipitan Kaunting panahon para sa gawain
sa bahay
Ang maybahay ay may pagkakataon Kaunting panahon na kasama ng
na lumabas ng bahay mga bata
Ang lalaki ay hindi gaanong Karagdagang mga buwis
nag-oobertaim
Nagagamit ng babae ang mga Posibleng igtingan ng mag-asawa
kakayahan sa trabaho
Makakayanan ang mga ekstra Karagdagan gastos gaya ng
pagkain, pananamit
[Mga larawan sa pahina 6, 7]
Ang mga pakinabang ba sa trabaho ay sulit sa panahong isinasakripisyo mo na para sana sa iyong pamilya?
[Larawan sa pahina 7]
Ang mga pamilya ng mag-asawang nagtatrabaho ay nangangailangan pa rin na maglaan ng panahon para sa pampamilyang pag-aaral