Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mga Magulang na Labis Mangalaga

Anong pagkatotoo ng binanggit ninyo sa inyong artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Bakit Labis Akong Pinangangalagaan ng mga Magulang Ko?” (Marso 22, 1985 sa Tagalog) Hindi ko maintindihan kung bakit labis akong pinangangalagaan ng aking inay at itay at sila ay nababalisa sa akin kapag ako ay umuuwi nang gabi. Nang maglaon ako ay naging tiyahin ng isang tin-edyer na babae at kaagad kong natalos kung bakit. Ito’y dahilan sa sila ay nagmamalasakit sa akin.

G. H., Florida

Binasa sa akin kanina ng aking nanay ang artikulong “Bakit Labis Akong Pinangangalagaan ng mga Magulang Ko?” Ako’y sampung taóng gulang at wari bang ang aking mga magulang ay labis-labis na nababahala tungkol sa akin. Nang basahin sa akin ni inay ang huling pangungusap, “Ang ibig sabihin nito’y ikaw ay minamahal,” niyapos ko at hinalikan si inay. Talagang tumagos ito sa aking puso. Maraming salamat po.

E. K., Arizona

Pagpapasulong ng mga Marka

Nais ko pong pasalamatan kayo sa inyong artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Paano Ko Mapasusulong ang Aking mga Marka?” (Mayo 8, 1985 sa Tagalog) Ang lahat ng nasa artikulong iyon ay kapit sa akin. Ako’y 13-anyos at nasa ikawalong grado. Kung minsan mahirap para sa akin na gumawa ng mabuting mga marka. Ako ay katulad na katulad niyaong 770 mga mag-aaral na kinapanayam. Talagang inaakala ko na ako’y nag-aaral, ngunit hindi. Ang TV ang aking problema! Susundin ko po ang inyong mga mungkahi na paglalagay ng mga tunguhin, pagkakaroon ng pagpipigil-sa-sarili, at paglayo sa TV hanggang sa matapos ang aking gawaing-bahay.

L. T., Kentucky

Impluwensiya ng TV

Nasumpungan ko ang inyong artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Mayroon pa bang Anuman na Mapapanood Ako sa TV?” (Marso 8, 1985 sa Tagalog) na kawili-wili. Gayunman, tinututulan ko ang pangunahing palagay ng artikulo, binabanggit sa huling parapo: “ . . . ang mga programa nito ay maaaring maging mapanganib. Matutong supilin ito [TV]. Kung hindi, ito ang susupil sa iyo.” Ang panganib ng mga programa sa telebisyon sa asal ng tao ay hindi pa napapatunayan. Para bang ipinalalagay ninyo ang mga tao na mga aparato nang sabihin ninyo na maaari silang “supilin” ng telebisyon. Ang mga tao ay pinagkalooban ng Maylikha ng kalayaang pumili. May kapangyarihan tayong pumili sa kung paanong ang ating mga napiling paglilibang ay makakaapekto o hindi sa ating mga kilos.

D. H., Colorado

Totoo, ang isa ay maaaring supilin ng mga programa sa TV kung pahihintulutan ito. Isa pa, higit pa kaysa sa TV ang nakakaimpluwensiya sa pagkilos ng isa. Ngunit hindi makatuwiran na walaing-bahala kung ano ang magagawa ng makapangyarihang impluwensiya ng mga programa sa TV taglay ang kanilang mabisang isinaprogramang mga kombinasyon ng tanawin at tunog. Totoo, ang mga tao ay may kalayaang pumili, ngunit kung kusa nilang pupunuin ang kanilang mga isipan ng mga mararahas na pagkilos, naroroon ang impluwensiya. Ang katibayan na iniharap sa report ng Britanong mananaliksik na si William Belson, ang mga konklusyong na narating ng National Institute of Mental Health (U.S.), at ang pananaliksik na isinagawa ni Dr. Leonard Eron ng University of Illinois, pati na ang mga pangungusap ni Dr. Leonard Berkowitz, propesor ng sikolohiya sa University of Wisconsin, ay nagpapatunay na lahat sa negatibong impluwensiya na nagagawa ng mararahas na mga programa sa TV sa isa na palagiang nanonood ng TV.​—ED.