Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ang Kahulugan ng Nazismo

Ang Kahulugan ng Nazismo

Ang Kahulugan ng Nazismo

Sa kaniyang aklat na The Rise and Fall of the Third Reich, ipinakikita ni William L. Shirer kung ano ang kahulugan ng Nazismo sa nasakop na mga lupain: pagdarambong, pagsasamantala​—at masahol pa. Kabilang sa ibang mga bagay, sabi ni Shirer: “Ang mga Judio at mga taong Slaviko ay mga Untermenschen​—mababa kaysa mga tao. Para kay Hitler sila ay walang karapatang mabuhay, maliban sa ilan sa kanila, sa gitna ng mga Slavo, na maaaring kailanganin upang magtrabaho sa mga bukid at sa mga minahan bilang mga alipin . . . Ang kultura ng mga Ruso at mga Polako at ng iba pang mga Slavo ay dapat lipulin at dapat ipagkait sa kanila ang pormal na edukasyon.”

Pagkatapos banggitin ang napakalaking materyal na mga bagay na dinambong ng Nazi mula sa sinakop na mga lupain, si Shirer ay nagkomento na “ito ay [para] sa pagdarambong hindi ng materyal na mga bagay kundi ng mga buhay ng tao” na maaalaalang matagal ang maikling pamamahala ng Nazi. Sabi niya: “Dito ang kaimbihan ng Nazi ay bumaba sa antas na bihirang maranasan ng tao sa lahat ng kaniyang panahon sa lupa. Angaw-angaw na mga disente, walang kasalanang mga lalaki at mga babae ay itinaboy sa sapilitang pagtatrabaho, angaw-angaw ang labis na pinahirapan at pinagdusa sa mga kampong piitan at angaw-angaw pa . . . ang walang-awang pinatay o sadyang pinatay sa gutom.” Ganito ang konklusyon ni Shirer: “Ang hindi kapani-paniwalang kuwentong ito ng malaking takot o sindak ay maaaring hindi kapani-paniwala kung hindi ito lubusang suportado ng mga dokumento at pinatunayan mismo ng mga nagsigawa nito.” Mangyari pa, ang mga biktima man, ay gumawa ng mga dokumento at pinatunayan ang mga kasindakan.

May kawastuang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pamamahala ng tao: “Sinakop ng tao ang tao sa kaniyang kapahamakan.” Gayundin: “Hindi para sa taong lumalakad ang kahit magtuwid ng kaniyang mga hakbang. Ituwid mo ako, Oh Jehova.” Kaya ang Bibliya ay nagpapayo: “Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga dakilang tao, ni sa anak man ng makalupang tao, na hindi makapagliligtas.”​—Eclesiastes 8:9; Jeremias 10:23, 24; Awit 146:3.