Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pagsasalin ng Dugo at Panggigipit ng Kasama

Pagsasalin ng Dugo at Panggigipit ng Kasama

Pagsasalin ng Dugo at Panggigipit ng Kasama

Maraming tao ngayon, pati na ang ilang doktor, ay tumatanggi sa pagsasalin ng dugo. Sa anong dahilan? Hindi sa relihiyosong kadahilanan, gaya ng mga Saksi ni Jehova, kundi sa medikal na mga dahilan. Bakit gayon? Dahil sa likas na mga panganib (gaya ng hepatitis, AIDS, at nasupil na sistema ng imyunidad) na laging dala ng dugo. Gayunman, sa karamihan ng mga kaso kung saan inirerekomenda ang pagsasalin ng dugo, para bang ginigipit ng mga kaibigan at mga kawani sa ospital ang pasyente na tanggapin ang isang pagsasalin ng dugo. Subalit kadalasan nang ibang uri ng panggigipit ang gumagana​—ang panggigipit ng kasama sa nag-aasikasong mga doktor.

Iniulat ng The Journal of the American Medical Association sa labas nito ng Hulyo 25, 1990: “Ipinakikita ng katibayan na ang mga produkto ng dugo, gaya ng ibang pinagmumulan ng pangangalaga sa kalusugan, ay kadalasang ginagamit nang di-wasto . . . Kami’y nagsagawa ng mukhaang surbey ng 122 mga general surgeon, orthopedic surgeon, at mga anestesiologo sa tatlong ospital upang tantiyahin ang impluwensiya ng ilang klinikal at hindi klinikal na mga salik sa pagpapasiya tungkol sa pagsasalin ng dugo. Nasumpungan namin ang malawakang kakulangan ng kaalaman ng mga manggagamot tungkol sa mga panganib at mga tanda ng pagsasalin.”

Ano ba ang ibig sabihin ng “hindi klinikal na mga salik”? Ang ulat ay sumasagot sa bahagi: “Ang mga disisyon ng manggagamot ay naiimpluwensiyahan ng kanilang mga kasama sa pamamagitan ng propesyonal at sosyal na mga kaugnayan. Ang impluwensiya ng panggigipit ng kasama ay matindi kapag ang ilang manggagamot ay sama-samang gumagawa . . . Sa mga tagpong ito, ang mga kilos ay maaaring maudyukan kung minsan ng inaasahan ng isang nakatataas o maimpluwensiyang kasama, isang pagnanais na makiayon sa pamantayan ng grupo, o iwasan ang kritisismo.”

Ipinaliwanag ng artikulo na “gayunman, 10% lamang ang nagsabi na sila’y nagbigay ng di-kinakailangang pagsasalin ng dugo upang payapain ang isang kasama minsan sa isang buwan o mahigit pa . . . Ganap ng 61% ng mga manggagamot ang nagsabi na sila’y nagsasalin ng dugo na inaakala nilang hindi naman kinakailangan sapagkat ang isang mas senior na manggagamot ay nagmungkahi na gawin ito, nang kahit minsan sa isang buwan.” Bukod sa ganitong uri ng propesyonal na panggigipit ng kasama, anong iba pang salik ang maaaring mag-udyok sa isang doktor na magpasiya ng isang pagsasalin?

“Ang ilang manggagamot ay maaaring nalantad na magbigay ng mga paggamot na pinipili ang magkamali sa paggawa ng isang bagay kaysa magkamali sa hindi paggawa ng isang bagay.” Isang dalubhasa sa medisina “ay nagmungkahi na ang tradisyunal na utos na Primum non nocere (‘Una’y huwag gumawa ng pinsala’) ay maaaring karaniwang itinitigil pabor sa tuntuning ‘Gumawa muna ng isang bagay.’ Ang gayong likas na hilig na kumilos ay maaaring maging isang salik sa pagpapaliwanag sa di-wastong pagsasalin ng dugo.”

Nalalaman ba ng mga pasyente ang mga panganib ng pagsasalin ng dugo? “Sa katamtaman, sinasabi ng mga manggagamot na kalahati ng mga pasyenteng kanilang hiniling na pasalin ng pulang selula ng dugo ay nagpahayag ng pagkabahala tungkol sa mga panganib ng pagsasalin ng dugo.”

Tunay, inilalarawan nito na sa larangan ng pagsasalin ng dugo, ang isang edukadong manggagamot at isang edukadong pasyente ay nasa mas mabuting kalagayan na umiwas sa di-kinakailangang mga panganib. Ang edukadong Kristiyano ay mayroong mas mabuting proteksiyon​—ang mga utos ni Jehova laban sa pag-abuso sa dugo.​—Genesis 9:3, 4; Levitico 17:13-16; Gawa 15:19, 20, 28, 29.