Paano Ako Makapamumuhay sa Isang Tahanang Nababahagi sa Relihiyon?
Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .
Paano Ako Makapamumuhay sa Isang Tahanang Nababahagi sa Relihiyon?
“Mahirap para sa amin ang paglaki. Kinapopootan ng aking tatay ang aming relihiyon. Laging maigting sa bahay.”—Terry.
IKAW ba’y namumuhay sa isang tahanang nababahagi sa relihiyon? Kung gayon, alam mo kung gaano kaasiwa at kahirap ang mga bagay. Maaaring pinapayagan nila Inay at Itay ang paniniwala ng isa’t isa, ngunit gaya ng sinabi ni S. Sandmel sa kaniyang aklat na When a Jew and Christian Marry: “Saklaw ba ng pagpapahintulot ng isang tao sa relihiyon ng asawa ang mga anak na palakihin sa relihiyong iyon? Ang matapat na sagot sa maraming kalagayan ay hindi.”
Isaalang-alang, halimbawa, kung ano ang maaaring mangyari kung ang isa sa iyong mga magulang ay isang saksi ni Jehova. Nadarama ng magulang na iyon ang seryosong pananagutan na palakihin ka “sa disiplina at pangkaisipang-patnubay ni Jehova” at maaaring mayroon siyang mahigpit na palagay tungkol sa pakikipag-date, moral, pakikibahagi sa isports sa paaralan, paggamit ng malayang panahon, at mga tunguhing karera. (Efeso 6:4) Gayunman, ang iyong magulang na hindi-Saksi ay maaaring may mas mapagpalayaw na pangmalas sa mga bagay na ito.
Kung Linggo ng hapon baka nais ni Inay na sumama ka sa kaniya sa isang pulong Kristiyano. Baka gusto naman ni Itay na manatili ka sa bahay na kasama niya at manood ng isang laro ng bola sa TV. “May mga panahon na naaawa ako kay itay,” gunita ni Doug. “Ang kaniyang trabaho ay pagbebenta, kaya hindi namin siya madalas makita mula Lunes hanggang Biyernes, at pagkatapos sa dulo ng sanlinggo, iiwanan siya ng pamilya kapag sila’y nagtutungo sa kanilang mga pulong. Paminsan-minsan, hindi ako dumadalo ng pulong at naiiwan akong kasama niya.”
Nakini-kinita ni Jesus na iiral ang gayong kalagayan. Sabi niya: “Sapagkat ako’y naparito upang papagalitin ang lalaki laban sa kaniyang ama, at ang anak na babae laban sa kaniyang ina, at ang manugang na babae laban sa kaniyang biyenang-babae. Oo, ang magiging kaaway ng tao ay ang kaniya ring sariling kasambahay.” (Mateo 10:35, 36) Hindi naman sa nilayon ni Jesus na paghiwalayin ang mga pamilya, kundi alam niya na magkakaroon ng mga problema kapag tinanggap ng ibang miyembro ng pamilya ang tunay na pagsamba at ang iba ay hindi. Ang tanong ay: Ano nga ang gagawin mo sa gayong kalagayan?
Mga Patibong na Dapat Iwasan
Una sa lahat, unawain mo na ang tunguhin ay palugdan, hindi lamang ang isa sa iyong mga magulang, kundi ang Diyos mismo! Siya ang humihiling na “sambahin sa espiritu at katotohanan.” (Juan 4:24) Subalit upang magawa iyon sa isang sambahayan na nababahagi sa relihiyosong paraan, may mga patibong na dapat iwasan.
Pakikipagkompromiso—Ganito ang sabi ng isang tinedyer na lalaki na ang mga magulang ayMateo 10:37) Kaya manindigang matatag sa iyong pinaniniwalaan! Kung hindi sapat ang mataktikang paghingi mo ng paumanhin mula sa isang di-kanais-nais na gawain, may kabaitan subalit matatag na ipaalam mo sa iyong magulang na ikaw ay tumatangging magkompromiso. Habang nakikita ng iyong magulang ang iyong matibay na determinasyon, ang panggigipit ay maaaring unti-unting mabawasan.
diborsiyado tungkol sa mga pagdalaw niya sa kaniyang di-sumasampalatayang ama: “Sinisikap niyang lumabag ako sa katotohanan at sa Diyos.” Ginagawa niya ito sa pamamagitan ng paggipit sa kaniyang anak na makibahagi sa di-Kristiyanong mga pagdiriwang. “Hindi ako mapakali,” sabi ng batang lalaki. Ngunit ipinaaalala sa atin ni Jesus: “Ang umiibig sa ama o sa ina nang higit kaysa akin ay hindi karapat-dapat sa akin.” (Gayunman, may pangangailangan para sa pagkakatimbang. Ang Filipos 4:5 ay nagsasabi: “Makilala nawa ang iyong pagkamakatuwiran ng lahat ng tao.” Ang pagkamakatuwiran ay nagsasangkot ng pagiging mapagbigay, nakikibagay. Marahil maisasaayos mong gumugol ng higit na panahon na kasama ng iyong di-sumasampalatayang magulang kung inaakala niyang siya’y napababayaan. Tandaan din, ikaw ay may obligasyon sa iyong ama’t ina.—Efeso 6:1.
Gampanan ang papel ng ‘tagapatas’—Dahil sa maling diwa ng katarungan, maaaring matukso kang kumampi sa iyong Inay sa relihiyosong mga bagay dahil lamang sa ang iyong kapatid na lalaki ay kumampi kay Itay—o ang kabaligtaran. Subalit iyan ba ay isang matibay na saligan para sa pagpili kung paanong sasambahin ang Diyos? Ano kung ang relihiyosong mga palagay ni Inay ay mali, hindi maka-Kasulatan? “Bumili ka ng katotohanan at huwag mong ipagbili,” sabi ng Kawikaan 23:23.
Sundin ang lider—Marahil mas malapit ka sa isang nakatatandang kapatid na lalaki o babae kaysa alin man sa iyong magulang. Malamang na sundin mo ang relihiyosong landasin na piliing lakaran ng isang iyon. “Ganiyan nga ang nadama ko, palibhasa’y galing ako sa isang malaking pamilya,” sabi ni Roberto. Kaya siya’y dumanas ng espirituwal na balakid nang lubusang tanggihan ng kaniyang kuya ang tunay na pagsamba at umalis ng bahay. “Talagang nakapanghihinang-loob,” aniya. Gaano ka man kalapit sa isang kapatid, hindi ba kamangmangan na hayaan mong ilayo ka ng isang iyon sa paglilingkod sa Diyos?
‘Hatiin at daigin’—“Nang ako’y 19, pinalakas-loob ako ng aking itay na makipag-date,” gunita ni Doug. “Si inay, na isang bautismadong Kristiyano, ay tutol na tutol dito. Bigla kong nasumpungan ang aking sarili na umaayon kay Itay, bagaman sa kalooban ko alam kong tama si Inay.” Kung ang mga magulang ay may magkaibang mga pamantayang moral, napakaraming pagkakataon na itapát ang isang magulang laban sa isa. Maaaring nakatutuksong kumampi sa isang mapagpapalayaw na magulang.
Gayunman, lalo lamang darami ang tensiyon ng pamilya kung paglalabanin ang mga magulang. At ang paghingi ng pahintulot na gawin ang isang bagay na alam mong hindi matalino o mali ay hindi nagpapawalang-sala sa iyo sa paningin ng Diyos. “Ang nakakaalam ng mabuti na dapat niyang gawin ngunit hindi niya ito ginagawa ay nagkakasala.” (Santiago 4:17) Sa halip na impluwensiyahan ang magulang na nagbibigay sa iyo ng maraming kalayaan, bakit hindi sikaping sundin ang magulang na inaakay ka sa “daan ng buhay”?—Kawikaan 6:23.
Pagpili ng Iyong Sariling Relihiyon
Gayumpaman, ang ilang kabataan ay maaaring talagang nalilito sa kung aling relihiyon ng magulang ang sasamahan. Papaano ka makapagpapasiya? Sinasabi sa atin ng Bibliya ang tungkol sa isang binatang nagngangalang Timoteo na lumaki sa isang tahanan na nahahati sa relihiyosong paraan. Siya ay inilarawan na “anak ng isang Judiang sumasampalataya datapuwat Griego ang kaniyang ama.” (Gawa 16:1) Kung minsan malamang na si Timoteo ay nahahati sa pagitan ng kaniyang mga magulang. Gayunman, sinunod niya ang relihiyosong pananampalataya ng kaniyang ina at naging naglalakbay na kasama ni apostol Pablo. (Gawa 16:2, 3) Ito’y dahil ba sa mas mahal niya ang kaniyang nanay kaysa kaniyang tatay? Hindi naman.
Si apostol Pablo ay sumulat kay Timoteo: “Subalit, ikaw, magpatuloy ka sa mga bagay na iyong natutuhan at nahikayat ka na paniwalaan, yamang nalalaman mo kung kanino mo natutuhan ang mga iyon at mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan, na nakapagpapadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya na may kaugnayan kay2 Timoteo 3:14, 15) Mula rito mahihinuha natin na si Timoteo ay nagpasiya batay sa isang seryosong pag-aaral ng Salita ng Diyos! Siya’y “nahikayat,” nakumbinse na maniwala rito.
Kristo Jesus.” (Sa halip na magpasiya batay sa sentimiyento o emosyon, suriin ang mga paniwala ng iyong mga magulang sa liwanag ng “banal na mga kasulatan.” a Sa wakas ikaw, hindi ang iyong Inay o Itay, ang may pananagutan sa iyong ikaliligtas!—Filipos 2:12.
Paghikayat sa Iyong Di-sumasampalatayang Magulang
Ngayong naipasiya mo na sa iyong puso na sundin ang tunay na relihiyon, kung gayon, paano mo dapat malasin ang iyong di-sumasampalatayang magulang? Hinihimok ni apostol Pablo ang mga Kristiyano na sikaping hikayatin ang kanilang di-sumasampalatayang asawa: “Isip-isipin ito: bilang asawang babae maaaring ikaw ang maging kaligtasan ng iyong asawa; bilang asawang lalaki maaaring ikaw ang maging kaligtasan ng iyong asawang babae.” (1 Corinto 7:12-16, The New English Bible) Sa simulain, hindi ba maaari rin itong kumapit sa mga anak ng mga di-sumasampalataya?
Ang iyong malinis na paggawi at taimtim na paggalang sa iyong magulang ay malaki ang magagawa upang tulungan ang isang iyon na magkaroon ng paborableng impresyon tungkol sa tunay na Kristiyanismo. (Ihambing ang 1 Pedro 3:1, 2) Tandaan din, na ang paninindigan sa katotohanan ay hindi nangangahulugan na ikaw sa anumang paraan ay laban sa di-sumasampalatayang magulang. Oo, sa pamamagitan ng patuloy na pagiging mabait, masunurin, at matulungin, matitiyak mo sa isang iyon ang iyong patuloy na pag-ibig.
May “panahon ng pagtahimik at panahon ng pagsasalita.” (Eclesiastes 3:7) Kung bumangon ang pagkakataon na puwede mong kausapin ang iyong magulang tungkol sa iyong mga paniwala, gawin mo! “Huwag mong ikait ang mabuti sa kinauukulan,” paalaala sa atin ng Kawikaan 3:27. Subalit maging mabait, mataktika. Iwasan na magsalita nang malakas at mahaba sa isang magulang dahil maaaring mas marami kang alam sa Bibliya. Anong malay mo, marahil ang iyong mga pagsisikap ay magbunga. “Ang aking itay ay salansang na salansang sa loob ng maraming taon,” gunita ni Jay. “Para bang hindi na siyang magbabago, subalit sa wakas nahikayat namin siya.” Nang mamatay ang tatay ni Jay mga ilang taon na, siya ay naglilingkod bilang isang Kristiyanong matanda sa kongregasyon.
Kung wala kang nakikitang pagtugon, alalahanin ang mga salita ni David sa Awit 27:10: “Bagaman pabayaan ako ng aking ama at ng aking ina, ako’y kukupkupin ni Jehova.” Nariyan din ang pagsuporta ng matapat na mga kaibigan sa loob ng kongregasyong Kristiyano, na ‘mahigit kaysa isang kapatid.’ (Kawikaan 18:24) Sa tulong nila at sa tulong ng iyong sumasampalatayang magulang, maaari kang tumayong matatag sa katotohanan.
[Talababa]
a Tingnan ang mga artikulong pinamagatang “Bakit Dapat Kong Tanggapin ang Relihiyon ng Aking mga Magulang?” at “Tunay nga ba ang Bibliya?” na lumitaw sa Nobyembre 22, 1986 (sa Ingles), at Hunyo 8, 1987 na mga labas ng Gumising!
[Larawan sa pahina 23]
Maaaring makuha mo ang gusto mo sa pamamagitan ng pagpapaaway sa iyong mga magulang, subalit sa kalaunan, dinaragdagan nito ang tensiyon ng pamilya