Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pagbibili ng Dugo Nais kong pasalamatan ang mga artikulo tungkol sa pagbibili at pagkunsumo ng dugo at mga produkto ng dugo. (Oktubre 22, 1990) Wala akong kamalay-malay na ito pala ay isang malaking negosyo. Anong laking pasasalamat natin sa ating Maylikha, na nag-iingat sa kaniyang bayan sa pamamagitan ng pagbabawal sa paggamit ng dugo!

R. L., Estados Unidos

Naghihiwalay na mga Magulang Ang artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Naghihiwalay ang Aking mga Magulang​—Ano ang Gagawin Ko?” (Agosto 22, 1990) ay tumalakay sa isang situwasyon na katulad ng naranasan ko mga anim na taon na ang nakalipas bilang isang magulang. Ang bahaging nagsasabi na “ang pagkikimkim ng galit at mapaghiganting espiritu ay maaaring lumason sa iyong pagkatao” ay talagang totoong-totoo. Ang damdaming iyon ay namalagi sa aking tatlong anak sa nakalipas na anim na taon. Kaya pinadalhan ko sila ng isang kopya ng artikulong ito gayundin ng isang liham na nagsasabi kung gaano ko sila kamahal. Umaasa akong ang resulta ay magiging kapaki-pakinabang.

E. B., Estados Unidos

Kapag Inilihim ang Kanser Nais kong ipaalam sa inyo kung gaano ako napatibay-loob ng kuwento ni Rie Kinoshita. (Oktubre 22, 1990) Ang kaniyang determinasyong maglingkod sa Diyos taglay ang lahat ng kaniyang natitirang lakas ay nakapagpapasigla sa akin. Yamang ako ay may mabuting kalusugan, napatibay-loob ako nito na gumawa ng mas mahusay na paggamit ng aking mga Sabado at mga gabi para sa gawaing pangangaral. Kapag ako’y nakadarama ng pagod, ginugunita ko si Rie​—at ako’y lumalabas!

T. F., Canada

Nangilid ang mga luha sa aking pisngi habang binabasa ko ang kombiksiyon ni Rie. Humanga ako sa kaniyang masayahing saloobin at sa kaniyang pagtitiyaga sa buong-panahong ministeryo, sa kabila ng pagkakaroon niya ng isang maselang na karamdaman.

M. H., Hapón

Espirituwal na Pagsulong Maraming, maraming salamat sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Paano Ako Susulong sa Espirituwal?” (Setyembre 22, 1990) Napakarami nitong maiinam na mungkahi na maaari kong ikapit. Dalawang beses ko na itong nabasa. Gumawa na rin ako ng listahan ng aking espirituwal na mga tunguhin (gaya ng iminungkahi ninyo), at isasabit ko ito sa aking dingding.

G. K., Estados Unidos

Maraming salamat sa inyong artikulo, sinisikap ko ngayong basahin ang Bibliya 15 minuto sa isang araw. Kadalasan ay mas maraming panahon ang ginugugol ko sa pagbasa ng Bibliya. Napakarami kong natutuhan; kahanga-hanga ito!

T. L. P., Canada

Tambak ng Basura Gustung-gusto ko ang artikulong “Ang Tambak ng Basura​—Tatabunan ba Tayo Nito?” (Setyembre 22, 1990) Bibihirang tao ang nakakaalam sa dami ng basurang ginagawa araw-araw at kung gaano ito kapanganib sa ating planeta. Maraming salamat sa iyong maliwanag na artikulo.

B. S., Brazil

Kung Bakit Pinapayagan ng Diyos ang Kabalakyutan Tinalakay na ninyo ang paksang ito sa maraming paraan at maraming beses noon. Gayunman, ang artikulo sa labas noong Oktubre 8, 1990, ay isang obra maestra. Ang lahat, mula sa mga guhit hanggang sa pambungad, ay maganda!

G. H., Estados Unidos

Tinulungan ako ng artikulo na patibayin ang aking paniniwala tungkol sa mga dahilan para sa kabalakyutan at sa pag-asang taglay ko sa hinaharap. Bunga nito, ang kaugnayan ko kay Jehova ay napatibay.

J. H., Estados Unidos

Jaguar Ako po’y 14 anyos, at ako po’y sumusulat upang sabihin sa inyo kung gaano ko pinahahalagahan ang artikulong “Ang Mailap na Pusang Gubat.” (Agosto 22, 1990) Sa tuwina’y pangarap ko po ang makakita ng isang jaguar. Tinulungan ninyo ako na gawin iyon. Ginawa ninyo ang paksa na buháy, at nadama kong para bang ako’y talagang naroon.

M. C., Pransiya