Mabuting Pagtanggap ng mga Pinlandes
Mabuting Pagtanggap ng mga Pinlandes
ANG lawa ay nagyeyelo, natatakpan ng 41 centimetrong kumot na yelo. Ang temperatura ng hangin ay -15 digris Celsius, normal para sa isang araw ng Pebrero sa Finland. At naroon ang nag-anyaya sa amin, si Martti, nililinis ang isang butas sa yelo. Ito ang kaniyang unang pagkakataon na ipakita ng mabuting pagtanggap ng mga Pinlandes sa isang dayuhan mula sa Caribbean Islands.
Sa mga tao sa tropikal na Puerto Rico, ang gagawin ko ay ituturing na kahangalan. Subalit sa mga Pinlandes, ang paglubog sa tubig na sinlamig ng yelo ay isang matandang kaugalian na nagiging popular. Ang wikang Pinlandes ay may espisipikong salita pa nga, avanto, na tumutukoy sa isang butas sa yelo na pinananatiling nakabukas para sa sandaling paglubog sa tubig-yelo.
Ang “malamig na mabuting pagtanggap” na ito ay tumatagal lamang ng ilang segundo at nauuna rito at kasunod nito ay halos 15 minuto sa mainit na sauna na 85 digris Celsius. Nasumpungan ko ang karanasang ito na nakagiginhawa anupa’t inulit ko ito, sa kasiyahan ng aking mga kaibigang Pinlandes!
Sa iba ang kaugaliang ito ay isa lamang paglilibang. Sabi ng iba na pinabubuti raw nito ang kanilang kalusugan, naiiwasan ang ilang karamdaman, nakababawas ng kaigtingan, at nagpapasigla. Ang mga pag-aangking ito at iba pang isyu na nauugnay sa saunang Pinlandes at ang kaugaliang paglangoy sa taglamig ay kasalukuyang nasa ilalim ng siyentipikong imbestigasyon.—Isinulat.