Mahahalagang Petsa sa Kilusang Ekumenikal
Mahahalagang Petsa sa Kilusang Ekumenikal
1844: Pasimula ng interdenominasyonal na kilusan na nang maglao’y bumuo ng mga Samahang Kristiyano ng mga Kabataang Lalaki at Babae (YMCA at YWCA).
1846: Unang internasyonal na komperensiya ng interdenominasyonal na Evangelical Alliance, na ginanap sa London, Inglatera.
1908: Itinatag ang Federal Council of the Churches of Christ sa Amerika. Ito’y naging ang National Council of the Churches of Christ sa Estados Unidos ng Amerika noong 1950.
1910: Ginanap ang Unang World Missionary Conference sa Edinburgh, Scotland, “kung saan talagang nagsimula ang modernong kilusang ekumenikal.”—Encyclopædia Britannica.
1919: Tinanggihan ni Papa Benedict XV ang paanyaya para sa Iglesya Katolika na makibahagi sa isang pulong sa Protestanteng Episcopal Church tungkol sa pananampalataya at patakaran (mga pagkakaiba ng relihiyon sa doktrina at ministeryo).
1921: Itinatag ang International Missionary Council.
1925: Idinaos ang unang internasyonal na komperensiya tungkol sa Pansansinukob na Kristiyanong Konseho sa Buhay at Gawain (para sa pag-aaral ng panlahat na patakaran ng simbahan tungkol sa mga usaping pangkabuhayan, pulitikal, at panlipunan), sa Stockholm, Sweden.
1927: Idinaos ang unang pandaigdig na komperensiya tungkol sa kilusang “Pananampalataya at Patakaran” ng mga relihiyon sa Lausanne, Switzerland.
1928: Inilabas ni Papa Pius XI ang ensiklikal na liham na Mortalium animos, na nagbabawal sa mga Katoliko na magbigay ng anumang suporta sa kilusang ekumenikal.
1937: Ang “Buhay at Gawain” na komperensiya na idinaos sa Oxford, Inglatera, at ang “Pananampalataya at Patakaran” na komperensiya na idinaos sa Edinburgh, Scotland, ay sumang-ayon na bubuo ng isang probisyonal na komitiba upang magtatag ng isang pandaigdig na konseho ng mga relihiyon. Ang proyektong ito ay naantala dahil sa pagsiklab ng Digmaang Pandaigdig II.
1948: Ang WCC (World Council of Churches) ay itinatag sa
isang asambleang idinaos sa Amsterdam, Netherlands. Kabilang sa mga miyembro nito ang halos 150 sektang Protestante at ilang relihiyon ng Eastern Orthodox. Mula noon ang WCC ay regular na nagdaraos ng panlahat na mga asamblea (1954: Evanston, Illinois, E.U.A.; 1961: New Delhi, India; 1968: Uppsala, Sweden; 1975: Nairobi, Kenya; 1983: Vancouver, Canada).1960: Itinatag ni Papa John XXIII sa Vaticano ang Secretariat para sa Pagtataguyod ng Pagkakaisang Kristiyano. Ito “ang unang opisyal na pagkilala ng Iglesya Katolika Romana sa pag-iral ng kilusang ekumenikal.”—Encyclopædia Britannica.
1961: Ang International Missionary Council ay sumama sa WCC. Ang Vaticano ay nagsimulang magpadala ng opisyal na Katolikong mga tagamasid sa panlahat na mga asamblea ng WCC.
1964: Ipinahayag ni Papa Paul VI ang Ikalawang Konseho ng Vaticano na “Batas Tungkol sa Ekumenismo,” na nagbigay-kahulugan sa mga hangganan ng pakikibahagi ng mga Katoliko sa kilusang ekumenikal.
1965: Pinawalang-saysay ng papa at ng patriarkang Orthodoxo ang mga ekskomunikasyon na ipinahayag ng mga nauna sa kanila laban sa isa’t isa noong 1054.
1968: Itinatag ng Vaticano at ng WCC ang SODEPAX (Joint Committee on Society, Development, and Peace).
1969: Dinalaw ni Papa Paul VI ang pandaigdig na punong tanggapan ng WCC, sa Geneva, Switzerland. Gayunman, idiniin niya na siya ang kahalili ni apostol Pedro at na ang anumang usapan tungkol sa pagsama ng Iglesya Katolika sa WCC ay wala pa sa panahon.
1980: Nabuwag ang SODEPAX.
1986: Inorganisa ni Papa John Paul II ang isang ekumenikal na “Pandaigdig na Araw ng Panalangin para sa Kapayapaan” sa Assisi, Italya, kung saan ang espirituwal na mga lider na kumakatawan sa pangunahing mga relihiyon ng daigdig ay nagkatipon upang manalangin para sa kapayapaan ayon sa kanilang iba’t ibang ritwal.