Mga Ospital—Kung Ikaw ay Isang Pasyente
Mga Ospital—Kung Ikaw ay Isang Pasyente
“Nang maospital ako sa kauna-unahang pagkakataon, bigla kong nadama na para bang naiwala ko ang pangangasiwa sa buhay ko, para bang ako’y isa lamang estadistika.”—Marie G.
“Natatandaan ko pa ang aking unang dalaw bilang isang pasyente. Para bang napakahina ko at walang proteksiyon.”—Paula L.
IKAW ba’y naging pasyente na sa ospital at naranasan mo ba ang nabanggit na mga reaksiyon? Naranasan mo man o hindi, dapat mong malaman na karamihan ng mga tao ay hindi gaanong
nag-iisip na maging pasyente. Gayunman, iyan ay maaaring magkatotoo sa iyo balang araw. Halimbawa, ipinakikita ng report noong 1987 na 1 sa bawat 7 katao ang naospital sa Estados Unidos. Ang gayong mga estadistika ay iba-iba sa buong daigdig. Gayunman, bilang isang taong maingat, anong mga paghahanda ang dapat mong gawin sakaling mangyari iyon?“Ang isang pinakamahalagang paraan upang pangalagaan ang iyong kalusugan ay tiyakin na mahalaga ang pagpapaospital,” komento ni Dr. Sidney Wolfe, direktor ng Public Citizen Health Research Group. Saan ka man nakatira, kung ikaw ay may sakit, ikaw ay may karapatan at obligasyon na pabatiran ng mga bagay may kaugnayan sa iyong medikal na problema. Kadalasan na ang iyong sariling doktor ang makapagbibigay sa iyo ng kasiya-siyang kasagutan.
Ngunit kung may anumang katanungan, iminumungkahi ang ikalawang opinyon. Sa ibang bansa, hinihiling pa nga ng mga kompaniya sa seguro ang ikalawang opinyon bago nila bayaran ang ilang uri ng malaking operasyon. At nababalitaan din ang paghingi ng ikatlong opinyon upang lutasin ang mga pagkakaiba sa rikonosi at paggamot. Ang mahalagang punto ay: May isa mang opinyon o dalawa o higit pa, ang matalinong pasyente ay hindi nagmamadali upang tiyakin para sa kaniyang sarili ang pangangailangan at katalinuhan ng iminumungkahing paggamot.
Emergency na Pagpasok
Mangyari pa, sa isang emergency na kalagayan, maaaring wala nang panahon upang kumuha ng iba’t ibang medikal na mga rekomendasyon. Ang pasyente ay maaari pa ngang walang malay, hindi makapagsalita o makasulat kapag dinala sa ospital. Kung minsan ang mga doktor ay kailangang kumilos agad, kahit na bago pa makita ang mga kamag-anak upang alamin ang mga naisin at kagustuhan ng pasyente. Idiniriin ng mga kalagayang iyon kung bakit ang patiunang pag-iisip at pagpaplano ay napakahalaga. a
Para sa pasyente na isang Saksi ni Jehova, ito’y nagsasangkot ng pagdadala sa lahat ng panahon ng kompleto at bagong Medical Directive/Release Document. Sa kard na ito patiunang ipinahahayag ng pasyente ang kaniyang mga kagustuhan tungkol sa medikal na pangangalaga at naglalaan ng mahalagang impormasyon upang ang medikal na mga kawani ay makipag-alam sa mga kamag-anak o sa iba pa na nakakaalam ng kaniyang mga kagustuhan. Bagaman maaaring hindi nito saklaw ang lahat ng posibleng mga kalagayan, ang mahalagang kard na ito ay nagsisilbing isang legal na dokumento na magsasalita para sa iyo kapag ikaw ay hindi makapagsalita.
Sa isang emergency, malaking tulong din kung ang isang matalik na kaibigan o kamag-anak na pamilyar sa iyong medikal na mga kagustuhan at mga paniwala ay sumama sa iyo sa ospital upang umalalay. Iyan man ay posible o hindi, ang pinakabagong Medical Directive/Release Document ay maaaring maging isang susi upang pangalagaan ang iyong mga karapatan balang araw.
Kahit na kung ang isang tao ay hindi isang bautismadong ministro ng mga Saksi ni Jehova at wala ng dokumentong ito, maaari siyang gumawa ng isang kahawig na nasusulat (hangga’t maaari’y nakamakinilya) na pahayag. Dapat na nakabalangkas dito ang kaniyang mga kagustuhan tungkol sa medikal na paggamot, banggitin ang anumang mga limitasyon, at sabihin kung kanino
dapat makipag-alam kung sakaling may emergency.Pagsagot sa mga Pormularyo at mga Pahayag
Ang mga karapatan ng pasyente ay lubhang iba-iba sa buong daigdig. (Tingnan ang kahon, sa pahina 7.) Sa ibang bansa ang mga karapatang ito ay lubhang dumami nitong mga ilang taon; ang isang doktor ay hindi pinapayagang magbigay ng anumang paggamot nang walang pahintulot ng pasyente, na karaniwang isinusulat. Ito ang isang dahilan kung bakit ang mga ospital ay maaaring mayroong kanilang sariling mga pormularyo (forms) na nais nilang pirmahan mo. Kung gayon ang kalagayan sa lugar ninyo, ang sumusunod ay inaasahang makatutulong.
Dapat mong maingat na basahin ang lahat ng pormularyo bago mo pirmahan ang mga ito sapagkat ang iyong pirma ay nangangahulugan na ikaw ay sumasang-ayon, pinapayagan mo, ang anumang sinasabi ng pormularyo. Huwag hayaang madaliin ka ng sinuman na pirmahan ang isang admission form, o consent-for-treatment form, nang hindi mo binabasang maingat. Kung hindi ka sang-ayon sa isang bahagi ng pamantayang pormularyo, markahan mo ng ekis ang bahaging iyon. Kahit na kung may tumutol na ito ang pormularyo ng ospital at na hindi ito dapat baguhin, gayumpaman ito ay isang legal na kontrata, at ikaw ay hindi maaaring hilinging pumirma sa anumang bagay na hindi ka sang-ayon. Bagaman hindi mo nais na magtinging di-makatuwiran, mahalaga na huwag kang makipagkompromiso sa bagay na ito—karapatan mong tumangging sumang-ayon sa anumang bahagi ng isang pormularyo.
Lalo na may kaugnayan sa pahintulot sa pag-opera o sa anumang paggamit ng dugo, suriing maingat ang bawat parapo. Ang ibang mga Saksi ni Jehova ay nagitla sa kanilang natuklasan sa isang pormularyo ng ospital na sinasabing inihanda para lamang sa kanila. Bagaman sa simula sinasabi nito na ang kagustuhan ng pasyente tungkolGawa 15:28, 29) Gagawin niyang malinaw ang iyong katayuan sa lahat ng kawani. Ang totoo ay, parami nang paraming pasyente ang tumatangging pasalin ng dugo sapagkat nais nilang iwasan ang panganib na mahawa ng hepatitis, AIDS, o ng iba pang nakamamatay na sakit. b
sa dugo ay igagalang, ganito naman ang sabi ng dakong huli ng parapo, ‘Sa isang emergency o kung inaakala ng doktor na ito’y kinakailangan, pananatilihin niya ang karapatang magsalin ng dugo.’ Isa pa, yamang ang Salita ng Diyos ay nag-uutos sa mga Kristiyano na umiwas sa dugo, makabubuting isulat ang “No Blood Transfusions” sa lahat ng papeles na dinadala sa iyo. (Ang mga pasyente sa ibang bansa ay mayroong mas kaunting karapatan kaysa ibinalangkas sa itaas. May mga lugar kung saan ang doktor ang batas, at ang mga pasyente ay sunud-sunuran sa kagustuhan niya. Isang doktor mula sa isang kanluraning bansa ang dumalaw sa isang bansa sa Aprika at nagsabi: “Hindi rin ako handa sa paraan ng pakikitungo ng mga doktor at mga pasyente sa isa’t isa . . . Ang mga pasyente mismo ay hindi nagsasalita maliban na kung sila’y kausapin. Hindi nila tinatanong ang kanilang mga doktor.” Bagaman ang gayong kaugalian ay maaaring gumawa ritong mas mahirap para sa pasyente, ang matalinong Kristiyano ay—magalang pa rin subalit matatag—na igigiit na ang kaniyang mahalagang karapatang pantao sa katapatan sa katawan at makibahagi sa mga talakayan na nakaaapekto sa kaniya mismong kalusugan ay dapat igalang.
Pakikipag-usap sa Medikal na mga Tauhan
Ang doktor mo ang dapat na maging iyong pangunahing tagapagtaguyod at pinagmumulan ng impormasyon; kaya nga, depende ito kung gaano ka kaingat sa pagpili ng manggagamot. Ganito ang sabi ng isang manunulat: “Kilalanin na ang mga doktor ay gaya ng iba. Sila’y nagpapakita ng mga kabutihan at kasamaan [na] ginagawa ng karamihan sa atin. Karamihan ng mga doktor ay sinisikap na gawin ang pinakamabuti para sa kanilang mga pasyente, subalit ang iba ay “socialized” [nakondisyon] na mag-isip na may karapatan silang magpasiya para sa iyo. Kung ang paniwala o personalidad ng isang doktor ay kabangga ng iyong paniwala at personalidad, humanap ng ibang doktor.”
Sikapin mong lubusang masagot ang iyong mga tanong at ikaw ay nasisiyahan bago ka pumayag sa anumang paggamot. (Tingnan ang kahon, pahina 8.) Kung mayroon kang hindi maunawaan, huwag mahiyang sabihin. Hilingin na ang paliwanag ay sa payak, hindi medikal na wika. Magiging mataktika rin kung sa ilang punto sa pakikipag-usap sa doktor, ipahayag mo ang taimtim na pagpapahalaga sa kaniyang pag-unawa sa iyong kalagayan na salig sa iyong relihiyosong mga paniwala.
Sikaping magtatag ng palakaibigang kaugnayan sa mga kawani sa ospital na nangangalaga sa iyo, gaya ng mga narses, sapagkat sila’y maaari at dapat na maging isang malaking tulong sa iyong pangangalaga at paggaling. Kapag sila’y nagdadala ng gamot o iniksiyon, tiyakin na ito ay talagang para sa iyo. Ito ay isang hakbang ng praktikal na karunungan, sapagkat sa kabila ng pinakamabuting mga intensiyon, tayo’y nagkakamali.
Malamang na ang mga kawani sa ospital ay waring napakaabala, subalit tandaan na pinili ng karamihan sa kanila ang trabahong ito sapagkat sila’y nagmamalasakit sa mga tao at talagang nais nilang tumulong. Maaari kang makipagtulungan sa kanila kung sisikapin mong ipahayag nang malinaw ang iyong mga pangangailangan at mga pagkabalisa. Walang nars (o sino pa mang kawani) ang may karapatang pagmalabisan ka nang berbalan, gaya ng: “Mamamatay ka kung hindi mo tatanggapin ang paggamot na ito.” Isumbong ang gayong pagmamalabis sa administrasyon ng ospital gayundin sa mga kamag-anak o sa iyong ministro; maaaring sila ay nasa kalagayang magsalita para sa iyo.
Ano Kung May Bumangong Problema?
May mga okasyon kung kailan, sa kabila ng pagkakapit ng lahat ng mga puntong ito, nasusumpungan pa rin ng mga pasyente ang kanilang sarili na kalaban o kasalungat ng medikal na sistema. Bagaman bihira ang gayong kalagayan, ano ang dapat mong gawin kung bigla mong masumpungan ang iyong sarili sa gayong kalagayan?
Una, sikaping huwag mataranta. Karaniwan nang ito’y isang mahirap na panahon para sa lahat ng nasasangkot, na matindi ang mga damdamin.
Kaya ang iyong pananatiling mahinahon, makatuwiran, at magalang ay maaaring maging malaking tulong. Ikalawa, isaalang-alang at kalapin ang lahat ng posibleng mapagkukunan. Ang ospital ay maaaring may isang kinatawan para sa pasyente na maaari mong lapitan at hingan ng tulong.Tinitiyak ng mga Saksi ni Jehova na makipag-alam sa kanilang mga matatanda sa kongregasyon. Ang matatalino at may karanasang mga tagapayong ito ay maaari pa ngang tumulong sa paghanap ng isang nakikipagtulungang ospital kung ang kalagayan ay napakaselang upang mangailangan ng paglipat. c Natatandaan din ng tunay na mga Kristiyano na umasa sa kapangyarihan ng Diyos na Jehova. Sa mahirap na mga kalagayan karaniwan nang walang iisa, saklaw-lahat na kasagutan, at sa ating sariling lakas, maaaring hindi natin alam kung saan tayo hihingi ng tulong. Nasumpungan ng marami na kapag ang lahat na posibleng gawin ng tao ay nagawa na, ang pagbaling sa Diyos sa panalangin ay nagbunga hindi lamang ng kaaliwan kundi ng di-inaasahang lunas.—1 Corinto 10:13; Filipos 4:6, 7.
Harinawa, huwag kang magkaroon ng alinman sa mga problemang ito, subalit makabubuting magplano nang patiuna. Tandaan din na ang ilang bagay ay inaasahan sa iyo samantalang ikaw ay nasa ospital. Ang ospital ay isang mahusay na dako upang ipakita ang Kristiyanong mga katangian na gaya ng pagtitiis, pagpapasalamat sa kabaitang ipinakikita, at lalo na ang pasasalamat sa mga tumulong sa iyo. Ang maikling sulat sa kawani ng ospital, o kahit na ang maliit na regalo na ibinibigay bilang isang kapahayagan ng pasasalamat, ay gumagawa ng nagtatagal na impresyon. Ang iyong pagdoon sa ospital ay maaaring maglaan sa iyo ng pagkakataon na magpatotoo sa pamamagitan ng iyong mainam na ugali, sa gayo’y makatulong sa mahusay na reputasyon na tinatamasa ng tunay na mga Kristiyano bilang mga pasyente.—1 Pedro 2:12.
[Mga talababa]
a Isinulat noong una ng isang manunulat ng Bibliya ang isang kinasihang kawikaan na nagtatampok sa kahalagahan ng gayong patiunang pag-iisip: “Nakikita ng maingat na tao ang panganib at nagkukubli, ngunit dinaraanan ng mangmang at nagdurusa.”—Kawikaan 22:3, New International Version.
b Tingnan ang Papaano Maililigtas ng Dugo ang Inyong Buhay? (1990), lathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.
c Gaya ng ipinaliwanag sa artikulo sa pahina 12, ang mga Saksi ni Jehova ay may mahahalagang pinagkukunan ng tulong sa pakikitungo sa medikal na mga problema at sa mga tauhan ng ospital.
[Kahon sa pahina 5]
Sakaling Ikaw ay Maging Pasyente sa Ospital
Listahan ng mga Dapat Gawin Kapag Naospital:
□ 1. Magdala ng bagong Medical Directive/Release Document o nasusulat, pirmadong pahayag ng iyong mga kagustuhan.
□ 2. Maingat na piliin ang iyong doktor.
□ 3. Tiyakin na mahalaga ang pagpapaospital.
□ 4. Maingat na basahin at sagutan ang admittance forms. Kung ikaw ay isang Saksi ni Jehova, agad na ipakilala ang iyong sarili na gayon nga.
□ 5. Magdala ng kaunting kinakailangang personal na gamit, gaya ng bata, mga gamit sa banyo, at babasahin.
□ 6. Iwan sa bahay ang anumang alahas, karamihan ng elektrikal na kasangkapan, at sobrang pera.
[Kahon sa pahina 7]
Panukalang Batas ng mga Karapatan ng Isang Pasyente
Kung ang isang pasyente ay maospital, hindi siya dapat na lubhang masindak sa kapaligiran at isipin na siya ay naging walang halaga. Siya’y may mga karapatan na maligayang igagalang ng karamihan ng mga ospital at mga kawani ng ospital. Ang sumusunod na karapatan ay pinaikli at batay sa talaan ng sampu sa aklat na How to Stay Out Of the Hospital, ni Lila L. Anastas, R.N. d
Ang pasyente ay may karapatan na:
1. Pangalagaan sa makonsiderasyon at magalang na paraan ng may kakayahang tauhan.
2. Kumuha mula sa kaniyang manggagamot ng kompleto at bagong impormasyon tungkol sa kaniyang rikonosi, paggamot, at prognosis sa mga termino na mauunawaan ng pasyente.
3. Tumanggap mula sa kaniyang manggagamot ng kinakailangang impormasyon upang bigyan ng may kabatirang pahintulot bago simulan ang anumang pamamaraan at/o paggamot. Kung may mahalagang mapagpipilian, ang pasyente ay may karapatan sa gayong impormasyon.
4. Tumanggi sa paggamot sa lawak na ipinahihintulot ng batas.
5. Bigyan ng lahat ng konsiderasyon na huwag ipaalam sa iba ang tungkol sa kaniyang sariling programa ng medikal na pangangalaga.
6. Asahan na ang lahat ng komunikasyon at mga rekord tungkol sa kaniyang pangangalaga ay walang maka- aalam.
7. Asahan na ayon sa kakayahan nito, ang isang ospital ay dapat na gumawa ng makatuwirang pagtugon sa kahilingan ng isang pasyente para sa mga serbisyo o para ilipat sa ibang ospital kung maaari.
8. Kumuha ng impormasyon tungkol sa anumang kaugnayan ng ospital sa iba pang pangangalaga-sa-kalusugan at mga institusyong pang-edukasyon tungkol sa kaniyang pangangalaga.
9. Pabatiran kung ang ospital ay nagba- balak na magsagawa ng pag-eeksperimento sa tao na may kaugnayan sa kaniyang pangangalaga o pag- gamot.
10. Umasa ng makatuwirang patuloy na pangangalaga at malaman nang patiuna kung sinong mga manggagamot ang puwede at saan.
[Talababa]
d Ang aklat na The Rights of Patients—The Basic ACLU Guide to Patient Rights (isang manwal ng American Civil Liberties Union) ay nagtatala ng 25 karapatan sa “Model Patient Bill of Rights” nito.
[Kahon sa pahina 8]
Proteksiyon at Pakikibahagi ng Pasyente
“Kung paanong walang akusadong tao ang dapat magtungo sa hukuman nang walang abugado, wala ring pasyente ang dapat pumasok sa isang ospital sa malaking-lungsod nang walang kasamang miyembro ng pamilya o matalik na kaibigan na handang tumingin sa kapakanan ng pasyente at magsalita kung kinakailangan.”—June Bingham, The Washington Post, Agosto 12, 1990.
“Sa lahat ng panahon ang ideya ng pakikibahagi ng pasyente sa medikal na mga disisyon ay salungat sa kaisipan at gawain ng mga manggagamot. At nalaman ng mga pasyente mula sa mapait na karanasan na ang pagtatanong ng maraming mapanuring tanong ay maaaring magpalayo sa kanila sa atin, yamang tayo man ay kadalasang naiinis sa gayong mga tanong.
“Gayunman, ang ideya na alam natin kung ano ang interes ng ating mga pasyente at sa gayo’y makakikilos tayo sa kanilang kapakanan nang hindi na nagtatanong, ay hindi totoo anupa’t ang isa ay maaari lamang magtaka sa kataimtiman ng ideya na ipinagtatanggol. . . .
“Maaari tayong hindi sumang-ayon sa mga pasyente, makipagtalo pa nga sa kanila, hikayatin pa nga sila, ngunit dapat nating gawin ang lahat ng ito sa diwa ng pagmamalasakit sa kanila. Sa wakas dapat nating igalang kung ano ang gusto o hindi gusto sa atin ng mga pasyente.”—Dr. Jay Katz, saykayatris, propesor sa Yale University, The Medical Post, Canada.
“Ang mga pasyente ay hindi mga sanggol at ang mga manggagamot ay hindi mga magulang. . . . Oo, wari ngang kakatuwa na ipaalaala sa mga estudyante ng medisina at gayundin sa mga manggagamot, na taglay din ng mga pasyente sa mga pakikiharap nila ang mga inaasahan ng mga doktor . . . ang sila’y pagkatiwalaan at mapagkatiwalaan, ang sila’y hayaang makatayo sa kanilang sariling paa at huwag samantalahin ang kanilang pagkaumaasa, na sila’y kausapin at pakinggan, na sila’y tratuhin na kapantay at huwag pamunuan, na igalang ang kanilang istilo ng buhay, at na sila’y hayaang mamuhay sa kanilang sariling kagustuhan.”—The Silent World of Doctor and Patient, ni Dr. Jay Katz.
“Ang paglilingkod ay nagsisimula sa ating pakikipagkita sa pasyente. Mga 4 na milyong interaksiyon ng mga pasyente araw-araw ay nagbibigay sa mga Amerikanong doktor ng pagkakataon na ipakita hindi lamang ang ating kakayahan, kundi ang atin rin namang tunay na habag, pagmamalasakit, ang ating debosyon sa bawat pasyenteng ating pinaglilingkuran.”—James E. Davis, M.D., presidente ng American Medical Association.