Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

“Color Blindness” Ang mister ko ay naoperahan sa mata at sa kasalukuyan ay hindi makabasa. Pagkatanggap na pagkatanggap namin ng artikulo tungkol sa Daltonism [color blindness] sa labas na Pebrero 22, 1991, hiniling niya sa akin na basahin ko ito sa kaniya. Noong kaniyang kabataan, hindi niya makita ang kaibhan sa pagitan ng larawan sa black-and-white na TV sa larawan sa color TV, subalit wala isa man sa kaniyang pamilya ang nabahala. Noon na lamang dakong huli nang siya ay kumuha ng eksamen para sa kaniyang lisensiya sa pagmamaneho na nalaman niyang siya pala ay color-blind. Kaya ang mister ko ay nagpapasalamat sa inyong artikulo. Kung nabasa niya sana ito noon, maaaring naiwasan niya ang maraming asiwang kalagayan!

M. D., Italya

Tahanang Nababahagi sa Relihiyon Ang inyong artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Paano Ako Makapamumuhay sa Isang Tahanang Nababahagi sa Relihiyon?” (Enero 22, 1991) ay talagang nakatulong sa akin na mapagtagumpayan ito. Kung minsan gusto ng itay ko na manatili sa bahay kung panahon ng mga pulong Kristiyano at basta manood ng TV. Ang inyong artikulo ay tumulong sa akin at sa aking inay na patuloy na manalangin at umasa na aantigin ni Jehova ang puso ng itay ko. Salamat po!

C. E., Estados Unidos

Ang tatay ko ay hindi Kristiyano, at iyon kung minsan ang nagpapalungkot sa akin. Binabalak kong gamitin ang inyong nakatutulong na mga punto upang maakit ko siya sa katotohanan.

L. M., Estados Unidos

Doktor-Pasyenteng Pagtutulungan Salamat sa inyong artikulong “Pagkakaroon ng Mabuting Ugnayan sa Pagitan ng mga Doktor at mga Pasyenteng Saksi.” (Nobyembre 22, 1990) Mayroon akong munting anak na lalaki na isinilang na may hydrocephalus at spina bifida. Siya ay anim na beses na naopera bago pa siya mag-isang taóng gulang. Bagaman ang kaniyang kalagayan ay bumuti, nangangailangan pa rin siya ng medikal na atensiyon. Dahil sa aming paninidigan sa dugo [bilang mga Saksi ni Jehova], lagi na lamang akong hindi nakatitiyak kung baga ang mga doktor ay makikipagtulungan. Inaasahan namin na magkakaroon din ng kaayusan ng pagkakaroon ng sanay na mga kapatid na Kristiyano na tutulong sa amin na makitungo sa mga doktor sa Argentina sa lalong madaling panahon.

A. M., Argentina

Ang mga Hospital Liaison Committee ay itinatatag na sa Argentina.​—ED.

Silangang Europa Buhat nang magsimula ang mga pagbabago kamakailan sa Silangang Europa, nais kong malaman ang tungkol sa mga Saksi ni Jehova na nakatira sa bahaging iyon ng lupa. Kaunting impormasyon lamang ang masusumpungan sa ating mga publikasyon. Kaya magugunita ninyo ang aking kasiyahan nang tanggapin ko ang labas ng Enero 8, 1991, na may artikulo tungkol sa “Mga Saksi ni Jehova sa Silangang Europa.” Inaasahan kong patuloy ninyo kaming babalitaan tungkol sa pagsulong ng gawaing pangangaral sa bahaging iyon ng daigdig.

E. S. L., Brazil

Sistema ng Imyunidad Nais kong malaman ninyo kung gaano kaekselenteng piraso ng medikal na pananaliksik ang mga artikulo tungkol sa sistema ng imyunidad (Nobyembre 22, 1990). Ako’y nagtatrabaho sa hematology-encology at talagang pinahahalagahan ko ang pang-iskolar subalit malinaw na paraan ng paghaharap ng materyal. Ipinamahagi ko ang mga kopya ng magasin sa mga doktor at mga narses na kasama ko sa trabaho.

G. T., Estados Unidos

Ako’y isang guro sa siyensiya, at gaya ng nangyari, tinatalakay namin ang imyunulohiya sa klase nang ilathala ang labas na ito ng Gumising! Ipinamahagi ko ang isang kopya sa bawat estudyante, at nagkaroon kami ng advanced science session batay rito.

R. I., Estados Unidos

Droga Nang basahin ko ang artikulong “Droga? Makipagkamay Ka Na kay Satanas!” (Nobyembre 8, 1990), naantig ang damdamin ko at ako’y naluha. Ang ulat ay malungkot, subalit kasabay nito, nakapagpapalakas. Nilinaw ng artikulo na hindi sulit na ipagpalit si Jehova sa anumang bagay na maiaalok ng sanlibutang ito.

M. C. P., Brazil