Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mga Sakit na Kaugnay ng Pagkain Sa loob ng 15 taon ako ay nakikipagbaka sa mga sakit na kaugnay ng pagkain. Ang inyong artikulo (Disyembre 22, 1990) ay makatuwiran at maibigin at tinatalakay ang sanhi ng problema​—mababang pagpapahalaga sa sarili. Nais ko ring idagdag na nangangailangan ng panahon upang ihinto at isauli ang normal na kilos ng pagkasira ng mga himaymay ng kalamnan, pagliit ng buto, at mga problema sa panunaw at endocrine bunga ng mga sakit na kaugnay ng pagkain. Ang paggaling ay maaaring maging nakasisiphayo at nakapanghihinang-loob habang ang isa ay dumaranas ng kakatwang mga pagbabago sa hugis at laki, pabagu-bago ang emosyonal na kalagayan, panlulumo, pagkayamot, at bigla at sandaling pagkadama ng init. Gayunman, kung batid mo kung ano ang kasangkot sa paggaling, ikaw ay hindi magbabalik sa dati.

L. B., Estados Unidos

Mga Sambahayan ng Nagsosolong-Magulang Ako’y napakilos na magpahalaga sa artikulong, “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Papaano Ako Liligaya sa Piling ng Isa Lamang Magulang?” (Disyembre 22, 1990) Ang nanay ko ang ulo ng sambahayan ng nagsosolong-magulang, at ipinagunita ng artikulong ito ang maraming alaala. Nagsasalita mula sa karanasan, masasabi kong ang mga mungkahi tungkol sa pagtitipid at hindi pag-aaksaya ay talagang nakatutulong, at patuloy na nakatulong sa akin bilang isang buong-panahong ebanghelisador. Ako’y nagpapasalamat sa ekselenteng pagsasanay sa amin ni Nanay. Lagi niyang ibinibigay ang papuri sa Diyos sa kaniyang tagumpay bilang isang nagsosolong magulang.

J. F., Estados Unidos

Ang tatay ko ay namatay hindi pa natatagalan. Inaakala kong ang artikulo ay dumating sa tamang panahon para sa akin. Nakikita kong si Jehova ay tunay na nagmamalasakit. Salamat muli!

L. J., Estados Unidos

Pag-eeksperimento sa Hayop Nasumpungan ko ang inyong labas ng Hulyo 8, 1990, na nakababalisa. Ang larawan ng aso sa pabalat ay nagbabadya ng kalungkutan; para bang siya’y sumasamo na may mag-alaga sa kaniya.

S. P., Alemanya

Ang aso sa larawan ay hiniram mula sa isang lokal na tindahan ng mga alagang hayop at wastong inalagaan at pinakain samantalang nasa aming pangangalaga. Waring ang malungkot na ekspresyon ay natural sa kaniya.​—ED.

Kamatayan ng Isang Anak Salamat sa artikulong “Ang Pangmalas ng Bibliya​—‘Bakit Kinuha ng Diyos ang Anak Ko?’ ” (Pebrero 8, 1991) Kararating lamang sa koreo ng artikulo nang araw na kami ng mister ko ay mamatayan ng aming unang anak dahil sa ako’y nakunan. Ito’y nagpaalaala sa amin na ang Diyos ay walang pananagutan sa kamatayan ng aming anak.

J. G., Estados Unidos

Mongoose Nasiyahan ako sa inyong artikulo tungkol sa mga mongoose. (Marso 8, 1991) Gayunman, kailangang mag-ingat sa pag-alis sa isang eksotikong hayop mula sa gubat at paggawa ritong isang alagang hayop.

P. L., Estados Unidos

Pinahahalagahan namin ang iyong mahalagang punto. Ang pagpapaamo sa ilang uri ng mongoose ay binanggit lamang upang ilarawan ang bagay na ito ay hindi naman likas na masama. Sa katunayan, ipinagbabawal ng Estados Unidos ang pag-aangkat ng mga mongoose upang gawing mga alagang hayop.​—ED.

Pag-inom at Pagmamaneho Kakukuha ko pa lamang ng aking lisensiya sa pagmamaneho at sa gayo’y nasumpungan kong kawili-wili ang inyong labas ng Pebrero 8, 1991. Ang artikulo ay nakapagpapatibay-loob gayunman ito’y nagbibigay ng malinaw na babala. Walang sinuman ang magnanais na mapalagay sa situwasyon ng isang binata na nagsabi na siya’y nakapatay ng isang tao! Bibigyan ko ng isang kopya ng magasin ang nagtuturo sa akin na magmaneho.

L. K., Alemanya

Pinaluha ako ng inyong artikulong “Hinaharap ng mga Biktima ang mga Maysala.” Sana naman ang mga tao’y huwag uminom at saka magmaneho. Maraming buhay ang ililigtas nila.

K. M., Estados Unidos