Kung Paano Mo Mababago ang Iyong Pagkatao
Kung Paano Mo Mababago ang Iyong Pagkatao
ANO pa ang kulang sa mga paraan ng pagtatatag at pagbabago ng paggawi na natalakay na? Ang sariling hangarin at paggamit ng sariling kagustuhan ng isa! Ang pagsasagawa ng kaniyang sariling kagustuhan sa pamamagitan ng may kabatirang personal na pagpili. Sa maikli, ang kaniyang pagpipigil-sa-sarili ay nawawala!
Nasumpungan ng mga terapis sa gawi na sila ay mayroong mas mabuting tsansang magkamit ng nagtatagal na mga resulta kung ang isa na ginagamot ay may autoridad na gumawa ng pangwakas na disisyon sa pagtatakda ng kaniyang sariling mga tunguhin sa paggawi. Si Vance Packard ay sumusulat sa kaniyang aklat na The People Shapers: “Sa wari taglay ang kaunting payo, ang sinumang makatuwira’t matalinong tao ay maaari ngayong maging isang tagapagbago ng kaniya mismong gawi.” Ito ang tinatawag na pamamahala-sa-sarili. Sa ibang salita, kung saan ikinakapit ang pagpipigil-sa-sarili, napansin ang katangi-tanging mga pagsulong.
Ang mga Kristiyano ay may bentaha kapag hinihiling ang pagpipigil-sa-sarili, sapagkat natutuhan nilang isagawa ito bilang isa sa siyam na bunga ng banal na espiritu ng Diyos. (Galacia 5:22, 23) Nangangahulugan ito na ang aktibong puwersa ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ay maaaring ituon sa iyong gagawing pagbabago sa gawi at tutulungan kang magtagumpay.
Kaya, ano ang gusto mong gawin sa iyong gawi? Talaga bang gusto mong magbago? Kung gayon, mula sa ano? Tungo sa ano? At bakit? Maaasahan mo ba ang iyong sariling kontrol? Saan ka makasusumpong ng tulong na nagdudulot lamang ng mga pakinabang?
Tingnan natin ang ilan sa mga pamamaraan at mga sangkap para sa pagbabago ng mga huwaran sa paggawi.
Hakbang 1: Alamin Mo Kung Ano Kang Talaga
Ikaw ang hilaw na materyales sa kung ano ang nais mong kalabasan. Ang bagong pagkatao mo ay dapat na itayo sa pamamagitan ng pagbabago sa dati mong pagkatao. Kaya dapat ay wasto ang pagkakilala mo sa iyong sarili. Masasabi mo ba kung aling aspekto ng iyong gawi ang nais mong baguhin?
Yamang mahirap tasahin ang iyong sariling paggawi, kailangan mong sangguniin ang isang iginagalang at kapani-paniwalang pamantayan. Ang Banal na Bibliya ay iminumungkahi. Gamitin ang Bibliya, at makikilala mo ang iyong sarili na maaaring hindi mo nakikilala noon. Baka hindi mo pa nga magustuhan ang makikita mong ipinababanaag nito, subalit makatitiyak ka na ito ay magiging isang wastong larawan.
Ang Bibliya ay itinulad sa isang salamin, at ang mga tao ay hinihimok na tumingin dito. “Kung sinuman ay tagapakinig ng salita, at hindi tagatupad, katulad siya ng isang taong nananalamin ngSantiago 1:23-25) Ang Bibliya, na wastong nauunawaan at ginagamit, ay may malalim, matalim na sumusuring kapangyarihan na hindi lamang maghahayag ng kung ano ka bilang isang tao kundi ihahayag rin naman ang iyong mga motibo at mga saloobin. Kaya, si Pablo’y sumulat: “Ang salita ng Diyos ay buháy at mabisa ang lakas at matalas kaysa anumang tabak na dalawang-talim . . . at napagkikilala nito ang mga kaisipan at mga hangarin ng puso.” Ang Salita ng Diyos ay higit pa ang nagagawa kaysa pagbibigay lamang ng patnubay sa kung ano nga ba ang tama at kung ano ang mali.—Hebreo 4:12; 5:14.
kaniyang mukha. Sapagkat minamasdan niya ang kaniyang sarili, at saka aalis at pagdaka’y malilimutan niya kung anong uri siya ng tao. Ngunit siyang nagsisiyasat ng sakdal na kautusan ng kalayaan at tumutupad nito, ang taong ito, dahil sa hindi siya isang nakalilimot na tagapakinig, kundi tagatupad na gumagawa, ay magiging maligaya sa paggawa niyaon.” (Magagawa ng Bibliya ang lahat ng ito para sa iyo sapagkat ito ang Salita ni Jehova, ang mapagmasid na tunay na Diyos. Sang-ayon sa Awit 139, ikaw ay sinisiyasat ng Diyos at gumagawa siya ng tumpak na pagsusuri ng kung anong uri ng pagkatao mayroon ka. Gaya ng sinasabi sa Aw 139 talatang 1: “Oh Jehova, iyong siniyasat ako, at nakilala ako.” Sinusubaybayan ka ng Diyos mula nang ikaw ay ipaglihi. Kilalang-kilala ka niya. May mga komentaryo siya tungkol sa buhay ng tao na napasulat sa Bibliya sa lahat ng posibleng mga kombinasyon. Makikilala mo ang iyong sarili sa mga pahina nito, sa positibo o negatibong paraan.
Kaya, malalaman mo kung ano ka nga—kung nais mo.
Hakbang 2: Magpasiya Kung Anong Pagkatao ang Nais Mo
Kung ikaw ay magbabago, tiyakin mong sulit ang pagbabago. Tiyakin mo na ito ang gusto mo at na ito ay mas maigi kaysa taglay mo ngayon. Anong mas mahusay na mga tunguhin sa paggawi ang dapat mong itakda? Saan ka makakukuha ng tamang payo tungkol sa kanais-nais na mga ugali? Minsan pa, ang Bibliya ay iminumungkahi.
Hinihimok ka ng Bibliya na magbago sa ikabubuti, magtaglay ng “bagong pagkatao.” Si Pablo ay nagpayo: “Inyong iwan ang dating pagkatao na naaayon sa inyong dating pag-uugali at patuloy na sumasama ayon sa kaniyang mapandayang mga pita; kundi . . . kayo’y mangagbago sa puwersang nagpapakilos ng inyong isip, at kayo’y magbihis ng bagong pagkatao na nilikha ayon sa kalooban ng Diyos sa tunay na katuwiran at katapatan.” (Efeso 4:22-24) Ipinakikita sa iyo ng Bibliya kung ano ang mas mabubuting katangiang ito. Natatandaan mo ba ang sakdal na daigdig na inilarawan kanina? Kung nais mong maging bahagi ng sanlibutang iyon, kailangan mong linangin ang mga katangiang inilalarawan sa Colosas 3:12-17, mga katangian na gaya ng pagkamahabagin, kabaitan, kapakumbabaan, kaamuan, pagtitiis, pagpapatawad, pag-ibig, kapayapaan, at pasasalamat.
Kaya pagkatapos sangguniin ang iyong Bibliya, magtakda ng iyong mga tunguhin. Itala ito. Bigyan ng prayoridad ang bawat tunguhin. Pagsikapang abutin ito!
Hakbang 3: Humanap ng Karapat-dapat na mga Halimbawa
Karamihan ng iyong paggawi ay naitatag sa pamamagitan ng pagtulad mo sa iba—sa mga kaibigan, kasama, magulang, mga guro sa paaralan.
Kung gayon, pagkatapos magpasiya sa iyong ninanais na mga tunguhin sa paggawi, bakit hindi humanap ng isa na kumikilos sa paraang nais mong gayahin? Pagkatapos ay hingin mo ang tulong ng taong iyon. May katalinuhang binabanggit ng isang kawikaan sa Bibliya: “Siyang lumalakadKawikaan 13:20.
na kasama ng pantas ay magiging pantas.”—Ang Bibliya ay naglalaman ng ulat ng buhay ng pinakamagaling na halimbawa para sa ating lahat, si Jesu-Kristo mismo. Basahin kung paano siya kumilos sa ilalim ng lahat ng kalagayan, ang kaniyang asal, ang kaniyang unawa at karunungan, ang kaniyang dignidad, ang kaniyang pagkamaalalahanin at higit sa karaniwan na kabaitan at pagmamalasakit sa kaniyang kapuwa. Anong laking ginhawang marinig siya nang kaniyang sabihin: “Pumarito kayo sa akin, lahat kayong nagpapagal at nabibigatang lubha, at kayo’y pagpapahingahin ko. Pasanin ninyo ang aking pamatok at kayo’y maging mga alagad ko, sapagkat ako’y maamo at mapagpakumbabang puso, at masusumpungan ninyo ang kaginhawahan ng inyong mga kaluluwa. Sapagkat malambot ang aking pamatok at magaan ang aking pasan”!—Mateo 11:28-30.
Angaw-angaw sa lahat ng bansa ay bumaling na kay Kristo Jesus bilang kanilang halimbawa at ginagawa ang pinakamagaling na magagawa nila upang sundin ang kaniyang mga yapak, kung papaanong si Jesus ay lumakad sa daan na itinuro sa kaniya ng kaniyang makalangit na Ama, ang Diyos na Jehova. Ang angaw-angaw na ito, na suya na sa masamang gawi ng sanlibutan sa pangkalahatan ngayon, ay bumaling sa lokal na kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova para sa tulong at patnubay at sila’y hindi nabigo. Sa kanilang mga Kingdom Hall, napakaraming ekselenteng mga halimbawang tulad-Kristo, at malaking tulong ang naibibigay sa mga nagnanais magbago ng kanilang personal na gawi tungo sa mas mabuting gawi. Mangyari pa, ang mga Saksi ay may mga kahinaang karaniwan sa di-sakdal na tao; subalit sila ay mayroon ding positibong espirituwal na puwersang nagpapakilos sa isip.—Efeso 4:23.
Hakbang 4: Kunin ang Lakas na Kailangan Mo Upang Magtagumpay
Makaaaliw sa mga nagnanais magbago na malaman na may makukuha silang tulong. “Ang bagong pagkatao” ay inilarawan na “nilikha ayon sa kalooban ng Diyos sa tunay na katuwiran at katapatan.” (Efeso 4:24) Iginagarantiya nito na ang tulong na nakahihigit sa tao ay manggagaling mismo sa Diyos para sa mga nagnanais nito. Papaano mo makukuha ang tulong ng Diyos na Jehova?
Isa sa pinakamahalagang tulong ay ang personal na panalangin. Ang panalangin ay naglalaan ng isang mahalagang pagsangguni sa Pinagmumulan ng lakas na kinakailangan upang baguhin ang iyong mga paraan. Ang panalangin ay nagpapangyari sa iyo na malaya at tapatang magsalita sa anumang oras, kahit na sa gitna ng krisis. Ang gayong paglapit sa isang tunay at nagmamalasakit na Diyos ay lalo pang nakahihigit sa anumang tulong ng tao at kaagad na mabisa. Kaya, maisusulat ni apostol Juan: “Ito ang ating pagtitiwala sa kaniya, na, anuman ang hingin natin sa kaniya ayon sa kaniyang kalooban, kaniyang dinirinig tayo.” (1 Juan 5:14) At ang mga salita ni propeta Isaias ay nakapagpapatibay-loob sa atin: “Hanapin ninyo si Jehova, ninyong mga tao, samantalang siya’y masusumpungan. Magsitawag kayo sa kaniya samantalang siya’y malapit. Lisanin ng taong balakyot ang kaniyang lakad, at ng taong liko ang kaniyang mga pag-iisip; at manumbalik siya kay Jehova, na mahahabag sa kaniya, at sa ating Diyos, sapagkat siya’y saganang magpapatawad.”—Isaias 55:6, 7.
Ang pag-aaral ng Bibliya ay nagbibigay rin ng lakas, nagbibigay sa iyo ng kaginhawahan, pinangyayari kang araw-araw ay muling ituon ang pansin sa iyong mga tunguhin. Ang Bibliya ay nagbibigay ng positibong pampatibay habang ikaw ay nagsisikap
na makamit ang iyong napiling target na paggawi. Isa pa, pinasisigla nito ang pagkamuhi sa iyong dating gawi. Ang araw-araw na pagkuha ng kaalaman sa Bibliya at sa mga nilalaman nito ay tutulong din upang alisin ang anumang maling impormasyon na maaaring pumasok mula sa media ng sanlibutan at sa sistema ng edukasyon nito.Ang mga pulong Kristiyano, sa lokal na Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova ay hindi lamang naglalaan ng edukasyon tungkol sa mga pamantayan ng Bibliya kundi naglalaan din ng alalay sa grupo at nag-uudyukan sa isa’t isa na pagbutihin ang gawi. Ang alalay na ito na inilalaan sa pamamagitan ng kongregasyon ay nakatulong sa marami na matagumpay na baguhin ang gawi. Bakit hindi ipakipag-usap ang gayong tulong sa mga taong nagbigay sa inyo ng magasing ito?
Hakbang 5: Pagtagumpayan ang Pagbabalik sa Dati
Marami ang sumubok na pasulungin ang kanilang mga pamamaraan subalit nasiraan ng loob dahil sa pagbabalik sa dating gawi na maaaring hindi maiwasan. Ang resulta ay na ang iba ay lubusang sumuko. Kadalasang inaakala ng mga iyon na kung ang itinuturing nilang kanilang tanging pag-asa ay nabigo, wala nang pag-asa pa. Maaari nilang isuko ang kanilang sarili sa mga impluwensiya ng sanlibutan. Kadalasan sila ay mas masahol pa kaysa rati bago nila sinikap na magbago.
Patuloy na muling patibayin ang sarili na ang anumang dating hindi kanais-nais na landasin ay sulit na takasan. Binanggit ni apostol Pablo ang dati niyang gawi at istilo-ng-buhay bilang isang tambak na sukal, o basura. (Filipos 3:8) Kaya kung, sa paggawa ng pagbabago, ikaw ay matisod dahil sa isang hadlang o pagbabalik sa dating gawi, bangon muli, at magpatuloy sa paglakad sa unahan. Magpatuloy! Makipagbaka! Magiging sulit ito!
Tandaan, marami sa iyong mga paraan at ugali ay ipinataw sa iyo ng panlabas na mga puwersa na wala sa iyong kapangyarihang piliin o supilin nang panahong iyon. Kumikilos pa rin ang mga puwersang ito. Hahayaan mo bang hubugin ka ng mga ito? Hindi? Kung gayon ay huwag kang susuko!
Angaw-angaw na mga tao mula sa iba’t ibang kultura—kahit na ang mga kriminal at mga tao na lubhang nasangkot sa imoral na paggawi—ay matagumpay na nabago ang kanilang paggawi. Napanatili nila ang kanilang napahusay na mga pamantayan hanggang sa ngayon, ang marami ay sa loob ng mga dekada, nananatili sa kanilang mas magaling na paraan taglay ang kahanga-hangang kusang katapatan. Subalit pinasasalamatan nila ang Diyos sa lakas at pangganyak upang gawin ito. Gaya ng sinabi ni apostol Pablo: “Sa lahat ng bagay ay may lakas ako dahil sa kaniya na nagbibigay-lakas sa akin.”—Filipos 4:13.
Nagtatagumpay sila sa pakikipagbaka upang gawin kung ano ang tama. Ikaw man ay maaaring magbago kung talagang nais mo, at maaari mong tamasahin ang buhay sa bagong sanlibutan ng Diyos.—Awit 37:29; 2 Pedro 3:13.
[Larawan sa pahina 7]
Hakbang 1: Alamin mo kung ano kang talaga
[Larawan sa pahina 8]
Hakbang 2: Magpasiya kung anong pagkatao ang nais mo
[Larawan sa pahina 8]
Hakbang 3: Humanap ng karapat-dapat na mga halimbawa
[Larawan sa pahina 9]
Hakbang 4: Kunin ang lakas na kailangan mo upang magtagumpay
[Larawan sa pahina 9]
Hakbang 5: Pagtagumpa-yan ang pagbabalik sa dati
[Larawan sa pahina 10]
Yaong nagbabago ay maaari ring magmana ng isang binagong lupa