Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Ang Bantayan” at “Gumising!”—Bilang Pagpapahalaga

“Ang Bantayan” at “Gumising!”—Bilang Pagpapahalaga

“Ang Bantayan” at “Gumising!”​—Bilang Pagpapahalaga

Ganito ang sabi ng isang kolumnistang sumusulat sa pahayagang Olandes na NRC Handelsblad ng Hulyo 24, 1990, tungkol sa Gumising! at sa kasama nitong magasin, Ang Bantayan:

‘Ang mga taong, gaya ko, na sa loob ng dalawang dekada ay itinuring ang mga magasing Gumising! at Ang Bantayan [lathala ng mga Saksi ni Jehova] na hindi sulit basahin subalit hindi sinasadyang nabasa ito kamakailan ay magugulat. Malaki ang ipinagbago nito, kapuwa sa ayos at nilalaman.

‘Dati-rati, sa dalawang babasahin, ang nakatatawag-pansin sa isa ay ang mga drowing: mga larawan sa isang kulay at sa papel na newsprint. Ang mga kuwento, kung natatandaan ko pa, ay para bang Reader’s Digest ng mabuting balita at di-sinasadyang bumabanggit lamang sa mahihirap na mga suliraning pandaigdig, gaya ng digmaan, droga, sekso, at pulitika.

‘Iyan ay lubusan nang nagbago ngayon. Ang dalawang babasahin ay para bang munting komentaryo ng kasalukuyang mga pangyayari. Ito ay maraming makulay na mga larawan . . . Sa pana-panahon maaari pa ngang hangaan ng isa ang nakapagpapatibay na gawa ng sining, gaya ng muling paggawa ng larawan ng mga apostol sa Huling Hapunan (sa Ang Bantayan ng Hulyo 1, 1990), subalit hangga’t maaari, mga larawan ang ginagamit. Kapansin-pansin na ang Gumising! ay maraming artikulo tungkol sa siyensiya. Sa labas ng Hulyo 8, may isang artikulo tungkol sa eklipse ng buwan noong Agosto 16 ng nakaraang taon, maikling mga talâ tungkol sa pagsuso sa ina at ang kaugnayan sa pagitan ng osteoporosis at ng antas ng manganese sa dugo, at kahulihan, isang tatlong-bahaging tampok na artikulo kung saan iniharap ang mga palagay na pabor at laban sa pag-eeksperimento sa hayop.’

Ganito pa ang sabi ng manunulat: ‘Sa sirkulasyon nito na 11,930,000 kopya sa 61 mga wika [ngayo’y 12,980,000 kopya sa 64 na mga wika], ang Gumising! ay isang napakahalagang pinagmumulan ng siyentipikong balita para sa napakaraming mambabasa.’

Mangyari pa, Ang Bantayan at Gumising! ay ‘lubhang nagbago’ sa anyo lamang​—hindi sa nilalaman. Sa loob ng mga dekada ngayon, inihaharap ng dalawang magasing ito ang mga artikulong sinaliksik-na-mainam na tumuturo sa Kaharian ng Diyos bilang ang tanging pag-asa ng sangkatauhan. Subalit inaasahang ang pinagbuting anyo ng aming mga magasin ay magbubunga ng higit pang mga taong babasa ng aming mga babasahin at makikinabang mula sa mensaheng nagbibigay-buhay.

[Mga larawan sa pahina 9]

Mga edisyong Olandes ng “Ang Bantayan” at “Gumising!”