Pag-ibig sa Unang Pagkakita—At Magpakailanman!
Pag-ibig sa Unang Pagkakita—At Magpakailanman!
“KUNG mamasdan mo ang mga sanggol pagkasilang nila,” sabi ni Dr. Cecilia McCarton, ng Albert Einstein College of Medicine sa New York, “sila ay gising na gising at may kabatiran sa kanilang kapaligiran. Sila’y tumutugon sa kani-kanilang ina. Bumabaling sila sa mga tunog. At tinititigan nila ang mukha ng kanilang ina.” At ang ina ay nakikipagtitigan sa kaniyang sanggol. Ito’y pag-ibig sa unang pagkakita—para sa kanilang dalawa!
Ang sandaling ito ng pagbubuklod sa pagitan ng ina at ng sanggol ay natural na nangyayari kung
ang pagsilang ay natural, walang mga gamot na nagpapalabo sa pandamdan ng ina at ng sanggol. Ang pag-iyak niya ay nagpapasigla sa paggawa ng ina ng gatas. Ang haplos ng kaniyang balat sa balat ng ina ay naglalabas ng hormone sa ina na nagbabawas ng pagdurugo ng ina pagkapanganak. Ang bata ay ipinanganganak taglay ang mga programa sa utak upang tiyakin ang pagmamahal—pag-iyak, pagsuso, pagngawa at pagbulubok, pagngiti at masiglang pagsipa upang akitin ang pansin ng ina. Ang pagmamahal, lalo na sa ina, ay nagpapangyari na ang sanggol ay magkaroon ng diwa ng pag-ibig at pangangalaga at pagtitiwala. Ang ama ay mabilis na nagiging mahalaga bilang isang taong mamahalin. Ang kaniyang kaugnayan sa bata ay hindi gaanong matalik na gaya ng sa ina subalit nakadaragdag ng malaking bahagi: pagsundot, pagkiliti, magiliw na paghaharutan, na tinutugon naman ng bata ng tuwang-tuwang pagtawa at pagkawag.Si Dr. Richard Restak ay nag-uulat na para sa bagong silang ang makarga at mapangko ay parang pagkain. “Ang haplos,” sabi niya, “ay kasinghalaga ng pagkain at oksiheno sa normal na paglaki ng sanggol. Ibinubuka ng ina ang kaniyang mga kamay sa sanggol, yayapusin siya, at maraming saykobiyolohikal na mga proseso ang nagkakasuwato.” Sa ilalim ng pagtratong ito kahit ang pisikal na utak ay nagkakaroon ng “ibang panlabas na hitsura ng mga alon-alon sa utak.”
Mag-ingat Laban sa Paglayo
Sinasabi ng iba na kung ang pagmamahal sa pagitan ng ina at ng sanggol ay hindi mangyayari sa panahon ng pagsilang, kalunus-lunos na pangyayari ang maaasahan. Hindi naman. Sa pamamagitan ng maibiging pangangalaga ng ina mayroong daan-daang matalik na ugnayan sa mga linggo na kasunod nito na magpapatibay sa buklod na ito. Gayunman, ang pagkakait ng gayong matalik na ugnayan sa loob ng mahabang panahon ay maaaring humantong sa katakut-takot na mga resulta. “Bagaman kailangan natin ang isa’t isa sa buong buhay natin,” sabi sa amin ni Dr. Restak, “ang pangangailangang iyon ay pinakamatindi sa unang taon. Pagkaitan mo ang sanggol ng liwanag, ng pagkakataong masdan ang isang mukha ng tao, ng kagalakan na kargahin, pangkuin, magiliw na kausapin, maging tampulan ng pansin, haplusin—at hindi matitiis ng sanggol ang gayong pagkakait.”
Ang mga sanggol ay umiiyak sa maraming kadahilanan. Karaniwan nang nais nila ng pansin. Kung ang kanilang mga pag-iyak ay hindi tinutugon pagkalipas ng ilang panahon, maaari silang huminto. Inaakala nilang ang tagapangalaga sa kanila ay hindi tumutugon. Sila ay iiyak na muli. Kung wala pa ring pagtugon, nakadarama nilang sila’y pinabayaan, walang katiyakan. Iiyak sila nang husto. Kung ito ay magpapatuloy sa loob ng mas mahabang panahon at kung ito’y madalas maulit, nadarama ng sanggol na siya’y pinabayaan. Una muna ito ay magagalit, magalit pa nga nang labis, at sa wakas ito ay susuko. Nangyayari ang paglayo. Palibhasa’y hindi tumatanggap ng pag-ibig, hindi nito natututuhang umibig. Ang budhi ay hindi umuunlad. Wala itong pinagkakatiwalaan, wala itong minamahal. Ito ay nagiging problemang bata at, sa sukdulang mga kaso, isang saykopatik na personalidad na hindi nakadarama ng pagsisisi sa masamang mga gawa.
Ang pag-ibig sa unang pagkakita ay hindi siyang wakas nito. Dapat itong magpatuloy magpakailanman. Hindi lamang sa salita kundi sa gawa. “Mag-ibigan tayo, huwag sa salita o sa dila lamang, kundi sa gawa at sa katotohanan.” (1 Juan 3:18) Maraming pagyapos at mga halik. Maaga pa, bago maging huli ang lahat, ituro at itagubilin ang tunay na mga pamantayan ng Salita ng Diyos, ang Bibliya. Kung gayon ito’y maikikintal sa inyong mga anak na gaya kay Timoteo: “Mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan, na nakapagpadunong sa iyo.” (2 Timoteo 3:15) Gumugol ng panahon na kasama nila sa araw-araw, sa buong panahon ng kanilang pagkabata at pagtitinedyer. “Ang mga salitang ito na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito ay sasa-iyong puso; at ikikintal mo sa isipan ng iyong anak at sasalitain mo ang mga yaon kapag ikaw ay nakaupo sa iyong bahay at kapag ikaw ay lumalakad sa lansangan at kapag ikaw ay nahihiga at kapag ikaw ay bumabangon.”—Deuteronomio 6:6, 7.
‘Maaari Kaming Umiyak, Pero Ito’y Para sa Aming Kabutihan’
Ang disiplina ay isang maselang paksa sa marami. Gayunman, pagka wastong isinasagawa, ito ay isang mahalagang bahagi ng pag-ibig ng magulang. Natalos ito ng isang munting batang babae. Gumawa siya ng isang kard para sa kaniyang nanay, nilagyan ng direksiyon na “Kay Inay, Sa Isang Mabait na Babae.” Ito’y pinalamutian ng mga drowing ng ginintuang araw, lumilipad na mga ibon, at mga bulaklak na pula. Ang kard ay kababasahan ng
ganito: “Ito po’y para sa inyo sapagkat mahal ka naming lahat. Nais naming ipakita ang aming pagpapahalaga sa paggawa ng isang kard. Kapag mababa ang aming marka sa mga gawain sa paaralan ay pinipirmahan mo ang aming papel na nagpapatunay na nakita mo ang aming papel at ibinabalik ito sa guro. Pinapalo mo kami kapag kami’y salbahe. Maaari kaming umiyak, ngunit alam namin na ito’y para sa aming kabutihan. . . . Nais ko pong sabihin na mahal na mahal ko kayo. Salamat po sa lahat ng ginawa ninyo para sa akin. Nagmamahal at maraming halik. [Lagda] Michele.”Si Michele ay sumasang-ayon sa Kawikaan 13:24: “Siyang nag-uurong ng kaniyang pamalo ay napopoot sa kaniyang anak, ngunit siyang umiibig ay naglalapat sa kaniya ng disiplina.” Ang paggamit ng pamalo, na kumakatawan sa awtoridad, ay maaaring mangahulugan ng pagpalo, subalit madalas na hindi ito nangangahulugan ng gayon. Iba’t ibang anak, iba’t ibang kapilyuhan, na humihiling ng iba’t ibang pagdisiplina. Maaaring sapat na ang mabait na saway; ang katigasan ng ulo ay baka mangailangan ng mas matinding medisina: “Ang saway ay nanasok na taimtim sa isa na may unawa kaysa isang daang hampas sa mangmang.” (Kawikaan 17:10) Kapit din: “Ang isang alipin [o, bata] ay hindi maitutuwid ng basta mga salita lamang, sapagkat bagaman kaniyang nauunawaan ay hindi niya pinakikinggan.”—Kawikaan 29:19.
Sa Bibliya ang salitang “disiplina” ay nangangahulugang magturo, magsanay, magparusa—kasali na ang pagpalo kung kinakailangan iyon upang ituwid ang paggawi. Ipinakikita ng Hebreo 12:11 ang layunin nito: “Totoo, walang disiplina ang waring sa kasalukuyan ay nakapagpapaligaya, kundi nakapagpapalungkot; subalit pagkatapos, sa mga nasanay na ay namumunga iyon ng bungang mapayapa, samakatuwid nga, ang katuwiran.” Ang mga magulang ay hindi kinakailangang maging masyadong marahas sa kanilang pagdisiplina: “Kayong mga ama, huwag ninyong ibuyo sa galit ang inyong mga anak, upang huwag manghina ang kanilang kalooban.” (Colosas 3:21) Ni sila man ay maging sobrang maluwag sa disiplina: “Ang pamalo at saway ay nagbibigay ng karunungan; ngunit ang batang pinabayaan ay nagdadala ng kahihiyan sa kaniyang ina.” (Kawikaan 29:15) Ang kaluwagan sa disiplina ay nagsasabi: ‘Gawin mo ang gusto mo; huwag mo akong gambalain.’ Ang disiplina ay nagsasabi: ‘Gawin mo kung ano ang tama; nagmamalasakit ako sa iyo.’
Tama ang pagkakasabi ng U.S.News & World Report, ng Agosto 7, 1989: “Ang mga magulang na hindi naman marahas sa pagpaparusa, subalit naglalagay ng matatag na mga hangganan at nanghahawakan dito, ay mas malamang na magkaroon ng
mga anak na matatalino at mahusay makisama sa iba.” Sa konklusyon nito ang artikulo ay nagsabi: “Marahil ang kapansin-pansing paksa na lumitaw mula sa lahat ng siyentipikong impormasyon ay na ang pagtatatag ng isang huwaran ng pag-ibig at pagtitiwala at katanggap-tanggap na mga hangganan sa loob ng bawat pamilya ang mahalaga, at hindi ang maraming teknikal na mga detalye. Ang tunay na layon ng disiplina, ang salitang may katulad na pinagmulan sa Latin na disipulo, ay hindi upang parusahan ang magugulong bata kundi upang turuan at patnubayan sila at tulungan silang magkaroon ng panloob na mga pagpipigil.”Naririnig Nila ang Sinasabi Mo, Ginagaya Nila ang Ginagawa Mo
Ganito ang pambungad na pananalita sa isang artikulo tungkol sa disiplina sa The Atlantic Monthly: “Ang isang bata ay maaasahan lamang na kumilos nang mahusay kung ang kaniyang mga magulang ay namumuhay sa mga pamantayang itinuturo nila.” Saka ipinakita ng artikulo ang halaga ng panloob na pagpipigil: “Ang mga tinedyer na gumagawa nang mahusay ay waring may mga magulang na sa ganang sarili’y responsable, matuwid, at may disiplina-sa-sarili—na namumuhay ayon sa mga pamantayan na kanilang pinaniniwalaan at hinihimok na sundin ng kanilang mga anak. Bilang bahagi ng imbestigasyon, nang ang mahuhusay na tinedyer ay malantad sa mga problemang tinedyer, ang kanilang paggawi ay hindi permanenteng naapektuhan. Naging bahagi na nila ang mga pamantayan ng kanilang mga magulang.” Ito’y gaya ng sinasabi ng kawikaan: “Sanayin mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran; kahit tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan iyon.”—Kawikaan 22:6.
Ang mga magulang na nagsisikap na ikintal ang tunay na mga pamantayan sa kanilang mga anak, subalit hindi nila mismo sinusunod, ay hindi nagtatagumpay. Ang “mga pamantayang iyon ay hindi naging bahagi” ng mga bata. Pinatutunayan ng pagsusuri na “ang mahalaga ay kung paano maingat na sinusunod ng mga magulang ang mga pamantayan na sinisikap nilang ituro sa kanilang mga anak.”
Ito’y gaya ng sinabi ng awtor na si James Baldwin: “Ang mga bata ay hindi kailanman naging magaling sa pakikinig sa mga nakatatanda sa kanila, subalit ginagaya nila.” Kung mahal mo ang iyong mga anak at nais mong turuan sila ng tunayMateo 23:3) O gaya niyaong mga tinanong ni apostol Pablo: “Ikaw na nagtuturo sa iba, tinuturuan mo ba ang iyong sarili? Ikaw na nangangaral na ‘Huwag magnakaw,’ nagnanakaw ka ba?”—Roma 2:21.
na mga pamantayan, gamitin mo ang pinakamagaling na paraan: Ikaw ay maging halimbawa sa mga itinuturo mo. Huwag maging gaya ng mga eskriba at Fariseo na hinatulan ni Jesus bilang mga mapagpaimbabaw: “Lahat nga ng mga bagay na sabihin nila sa inyo, gawin ninyo at ganapin, datapuwat huwag kayong gagawa nang gaya ng kanilang ginagawa, sapagkat sinasabi nila ngunit hindi nila ginagawa.” (Ngayon marami ang nagpapawalang-saysay sa Bibliya bilang makaluma at ang mga panuntunan nito ay hindi praktikal. Hinahamon ni Jesus ang katayuang iyan sa mga salitang ito: “Gayunman, ang karunungan ay pinatutunayang matuwid ng lahat ng kaniyang mga anak.” (Lucas 7:35) Ang mga ulat ng sumusunod na mga pamilya buhat sa maraming bansa ay nagpapatunay sa kaniyang mga salita.
[Larawan sa pahina 7]
Ang malapit na buklod sa ina ay tumutulong sa sanggol na emosyonal na umunlad
[Larawan sa pahina 8]
Mahalaga rin ang panahon ng ama na kasama ng bata