Bakit “Propaganda”?
Bakit “Propaganda”?
Noong 1622, si Papa Gregorio XV ay nagtatag ng isang kongregasyon, o komite, ng 13 kardinal, 2 prelado, at isang kalihim upang pangasiwaan ang mga misyonero ng Iglesya Romano Katoliko. Tinawag niya itong Congregatio de Propaganda Fide—ang Kongregasyon para sa Pagpapalaganap ng Pananampalataya—o Propaganda sa maikli. Nang maglaon ang salitang ito ay nangahulugan ng anumang pagsisikap upang ikalat ang mga ideya o paniwala upang gumawa ng mga taong kumbertido.
Ngayon, ang “propaganda” ay kadalasang iniuugnay sa isang pagpilipit ng mga katotohanan, ang hindi tapat na pag-impluwensiya sa isipan ng mga tao, gaya halimbawa sa panahon ng digmaan. Subalit inaakala ng ilang awtoridad na kahit na ang pinakamahusay na pag-aanunsiyo ay mailalarawan bilang propaganda, lalo na kung ito’y nagsasangkot ng panghihikayat. Ganito ang komento ng The World Book Encyclopedia: “Ang mga tagapagturo sa demokratikong mga lipunan ay nagtuturo sa mga tao kung paano mag-isip, subalit ang mga propagandista ay nagsasabi sa kanila kung ano ang iisipin.”