Kumusta Naman ang Tungkol sa mga Libangan?
Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .
Kumusta Naman ang Tungkol sa mga Libangan?
ANG mga libangan ay nagdudulot ng kagalakan. Ito’y ipinaliwanag bilang ang “halos anumang nais gawin ng tao sa kaniyang libreng panahon.” Ang ibang kabataan ay ginagamit ang kanilang libreng panahon sa paglangoy, paglalaro ng football, o pagtakbo. Ang mga kabataang di-gaanong mahilig sa palakasan ay pinipili naman ang pakikinig sa musika, paglalakad, o basta nauupo sa bahay at nagbabasa. Ang iba naman ay gustong linangin ang kanilang mga kakayahan o mangolekta ng mga bagay-bagay. Ang libangan ni Natalie ay ang pagtugtog ng plauta. Ang kaniyang nakababatang kapatid na babae, si Nikki, ay ang pangongolekta naman ng mga manika.
Ginagawang timbang ng mga libangan ang pagtatrabaho at paglalaro, iniiwasan ang pagkabagot sa mga oras na walang ginagawa. Natutulungan ka nito na magpahingalay. At ang tamang pagpapahingalay ay nagdudulot ng mas mabuting kalusugan sa mental at pisikal. Ang doktor na si Sir William Osler na taga-Canada ay nagpahayag: “Walang tao ang talagang maligaya o ligtas na walang libangan,” sabi pa niya: “Hindi mahalaga kung ano ang panlabas na interes . . . Basta ba siya ay may libangan at binibigyan iyon ng saganang pansin.” Ngunit kung papaanong sinusupil ng mahusay na mangangabayo ang kabayo, dapat na supilin mo ang iyong libangan sa halip na hayaan mong supilin ka ng iyong libangan. Papaano?
Una sa lahat, dapat mong tiyakin na inuuna mo ang mas importanteng mga bagay sa buhay, tulad ng pagdalo sa mga pulong Kristiyano, paggawa ng iyong mga tungkulin sa loob ng bahay, at paggawa ng iyong mga araling-bahay. (Filipos 1:10) Ngayon ay matitiyak mo kung gaano karami sa iyong libreng panahon ang magiging panahon sa libangan.
Kapaki-pakinabang na mga Libangan
Ang ilang libangan ay tumutulong sa iyo na pasulungin ang iyong kapaki-pakinabang na mga kasanayan, tulad ng pagbuburda, pananahi, o pagluluto. Totoo, ang mga libangang ito ay totoong nakaaakit sa kababaihan. Gayunman, ang pagluluto ay gawaing panlalaki rin naman. (Ihambing ang Juan 21:9-12) Maaaring hindi ka kasinghusay ng isang gourmet, ngunit ang pag-eeksperimento sa pagluluto ay makatutulong sa iyo na paunlarin ang iyong kakayahan na maaaring maging nakapahalaga sa iyo. Sa kabilang dako, ang mga babae ay makikinabang din naman kung susubukin nilang magmekaniko o magkumpuni sa bahay.
Ang isa pang kapaki-pakinabang na libangan ay ang pagkatuto ng isang wika. Ang kabataang si James, halimbawa, ay nag-aaral ng wikang Ruso. Marahil ang pagkatuto ng ibang wika ay magpapangyari sa iyo balang araw na magturo ng katotohanan ng Bibliya sa iba sa isang banyagang lupain! Tunay nga, ang mga libangan ay kadalasang maaaring maging daan ng pagtulong sa ibang tao.
Halimbawa, paghahalaman ba ang libangan mo? Bakit hindi mo paghusayin ang iyong kasanayan sa paghahalaman sa hardin ng iyong mga nuno o sa ibang matatanda na nahihirapan nang pangalagaan ito? Ikaw ba’y nasisiyahan sa sariling-sikap na trabaho? Kung gayon bakit hindi tulungan ang mga matatanda o mga balo sa mga pagkumpuni sa bahay. Kung pagluluto ang iyong libangan at ikaw ay may paboritong resipe, bakit hindi maghanda ng putahe at iregalo sa isang nangangailangan? Tandaan,Gawa 20:35.
“may higit na kaligayahan,” sabi ni Jesus, “sa pagbibigay kaysa pagtanggap.”—Ang libangan ay maaari pa ngang tumulong sa iyo na sumulong sa espirituwalidad. Halimbawa, kung mahilig kang gumawa ng mga modelo, hindi ba ang paggawa ng maliit na daong ay magpapalalim ng iyong pagpapahalaga sa tibay ng pananampalataya ni Noe? (Tingnan ang kahon.) Ang paggawa ng isang modelong tabernakulo o templo ay maaaring magpaunlad ng iyong kaalaman tungkol sa paraan ng pagsamba ng mga lingkod ng Diyos noong una. Noong panahon ng Bibliya ang pastol na si David ay tumutugtog ng alpa sa kaniyang libreng panahon. Nang maglaon ay lumikha siya ng magagandang awitin ng papuri kay Jehova. Maaari ka bang mag-aral tumugtog ng isang instrumento sa musika? Kung gayon, bakit hindi mo gamitin ang iyong talino upang purihin ang Diyos sa pag-aaral ng mga himig sa aklat-awitan na Umawit ng mga Papuri kay Jehova? a Habang tinutugtog mo ang musika, bulay-bulayin ang mga damdamin na ipinahihiwatig ng mga liriko. Ikaw ba’y mahilig mangolekta? Kung gayon magtipon ka ng mga bagay na may kaugnayan sa Bibliya. O subukin mong punan ang isang scrapbook ng mga larawan ng mga lupain sa Bibliya.
Tayahin ang Halaga
Gaano man kapaki-pakinabang ang isang libangan, matalinong tanungin ang iyong sarili, Gaano ang magiging halaga nito? (Lucas 14:28) Kaya bang tustusan ng iyong badyet ang libangan? Ito’y totoong malaking hamon lalo na kung ang iyong libangan ay pangongolekta, iyon man ay mga selyo, mga antigo, o mga manika pa nga!
Tandaan, kung papaano mo ginagamit ang iyongLucas 16:9) Ikaw ba’y gugugol ng malaking salapi sa isang libangan anupa’t wala ng matitira upang “parangalan si Jehova ng iyong mga tinatangkilik”? (Kawikaan 3:9) Ang pagtustos ba sa isang libangan ay humihiling sa iyo na magkaroon ng karagdagang trabaho, marahil sa kapinsalaan ng espirituwal na mga gawain?
yaman ay makaaapekto sa iyong pagtatamo ng buhay na walang-hanggan. Sinabi ni Jesus: “Makipagkaibigan kayo sa pamamagitan ng di-matuwid na mga kayamanan [ang iyong salapi], upang, kung ito’y magkulang, ay kanilang [si Jehova at si Jesu-Kristo] tanggapin kayo sa walang-hanggang mga tahanang dako.” (Manatiling Timbang!
Kung minsan ang mga seryoso sa kanilang libangan ay naghahangad na makasama ang iba na may gayunding libangan. Gayumpaman, ito ay maaaring maging mapanganib. Tanungin ang iyong sarili: Ang gayon bang pakikisama ay nakapagpapatibay? Ang kanila bang mga pamantayan sa pananamit at pag-aayos, ang kanilang pinipiling libangan o ang kanilang pag-uusap ay may masamang impluwensiya sa iyo? Ikaw ba’y higit na nakikisama sa kanila kaysa sa iyong sariling pamilya o sa mga kasamang Kristiyano? Sa paano man, pinahihintulutan mo ba ang pagkakaroon ng parehong interes ang magtulak sa iyo sa di kanais-nais na pakikipagkaibigan? Tandaan, ang “masasamang kasama ay sumisira ng mabubuting ugali.”—1 Corinto 15:33.
Ang isa pang puntong dapat isaalang-alang: Anong uri ng saloobin ang pinasisigla ng iyong libangan? Iyon ba’y pumupukaw ng di-mabuting espiritu ng paligsahan? Iyon ba’y nagsasangkot ng mga panganib sa kalusugan? Kung gayon, marahil ay makabubuting alalahanin ang mga salita ni apostol Pablo: “Sapagkat ang pagsasanay sa katawan ay mapapakinabangan nang kaunti; ngunit ang maka-Diyos na debosyon ay mapapakinabangan sa lahat ng bagay.”—1 Timoteo 4:8; Galacia 5:26.
Sa kabilang dako, si Solomon ay nagsabi: “Sa bawat bagay ay may takdang panahon, samakatuwid baga’y panahon sa bawat pangyayari sa silong ng langit.” At kasali riyan ang “panahon ng pagtawa.” Oo, ang paglilibang at pag-aaliw ay may kaniyang dako. Gayunman, tiyakin na hindi ka napadadala sa iyong libangan na anupa’t nakaliligtaan mo na ang sinabi ni Solomon: “Ikaw ay matakot sa tunay na Diyos at sumunod sa kaniyang utos. Sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao.”—Eclesiastes 3:1, 4; 12:13.
[Talababa]
a Inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.
[Kahon sa pahina 22]
Itinayo Ko ang Daong ni Noe!
Ako’y nasisiyahan sa gawa ng aking mga kamay. At isang araw nang ako’y nagnais na matuto ng higit pa tungkol sa daong ni Noe, ipinasiya kong gumawa ng isang scale model nito.
Nagsimula ako sa pamamagitan ng maingat na pag-aaral sa ulat ng Bibliya sa Genesis 6:14-16 sa tulong ng mga pantulong sa pananaliksik na inilathala ng Samahang Watch Tower. Di-nagtagal ay napagwari ko na ang daong ay hindi tulad ng modernong-panahong sasakyang pangkaragatan. Kundi, iyon ay isa lamang pakalaki-laking kahon: 300 por 50 por 30 siko. Iyan ay katumbas ng 133.5 metro ang haba, 22.3 metro ang lapad, at 13.4 metro ang taas. Kaya’t ang daong ay 134 metro ang haba—halos isa at kalahati ng haba ng palaruan ng football sa E.U. Kahit na ang gayong pagkalaki-laking daong ay hindi makapaglalaman ng mahigit na isang milyong uri ng hayop na umiiral ayon sa mga siyentipiko. Gayunman, napag-alaman ko na ang ibang mga nagsisiyasat ay naniniwalang 43 “uri” ng mga mamal, 74 na “uri” ng mga ibon, at 10 “uri” ng mga reptilya lamang ang maaaring pinagmulan ng sarisaring uri na umiiral sa ngayon.
Ang aking pagsasaliksik ay tumulong din sa akin na pahalagahan ang napakalaking gawain ni Noe: pagputol ng mga puno na walang lagaring de motor, paghahakot ng mga troso na walang mga traktora, pagbubuhat ng mabibigat na mga biga ng bubong na walang crane. Ang aking gawa ay simple kung ihahambing kay Noe! Upang magkaroon ng mga “kahoy,” binabali ko lamang ang mga bigkis ng tuyong tangkay ng damo. Ang aking “mga hayop” ay gawa sa luwad. Kung tungkol sa plano sa loob, ako’y nanghula na lamang. Inisip ko na maaaring pinili ni Noe at ng kaniyang pamilya na tumira sa itaas na palapag kung saan matatamasa nila ang higit na liwanag at hangin. Inilagay ko naman ang mga hayop sa mas mababang mga palapag ng daong.
Pagkatapos ng maraming oras ng paggawa, natapos ko ang aking modelo. Bagaman maganda sa tingin ng iba, ang tunay na daong ay makailang daang ulit na mahaba, malapad, at mataas kaysa sa aking modelo. Sa ibang salita, mangangailangan ng isang milyon ng modelo ko upang matumbasan ang kapasidad ng orihinal na daong. Kaya, hindi kataka-taka, pinanabik ako ng aking proyekto na alamin ang higit pa tungkol sa tunay na daong. At kung ako’y magkapribilehiyo na mabuhay upang makita ang bagong sanlibutan ng Diyos at masaksihan ang pagkabuhay-muli ng mga patay, marahil ay hihingin ko ang tulong ni Noe sa paggawa ng bagong modelo—isa na mas tumpak sa lahat ng detalye.—Isinulat.
[Mga larawan sa pahina 23]
Ang iyo bang libangan ay nagbibigay kasiyahan sa iyo at sa iba?
Ang pangongolekta ng mga larawan ng mga lupain sa Bibliya ay tutulong sa iyo na ilarawan sa isipan ang mga maka-Kasulatang pangyayari