Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Tsismis Salamat sa inyong napapanahong mga artikulo tungkol sa tsismis. (Hunyo 8, 1991) Ako kamakailan ay naging paksa ng isang masamang tsismis, at sa pagkakapit ng maka-Kasulatang simulain sa Mateo 18:15-17, naayos ko ang mga bagay-bagay sa maysala.

B. C., Australia

Inaakala kong ang mga artikulo ay nakapagtuturo at mainam ang pagkakasulat. Gayunman, ako’y nagtataka sa mga larawang ginamit ninyo. Apat dito ay nagpapakita ng mga babaing nagtsitsismis. Ang mensaheng inihahatid ay na ang pagtsitsismis ay katangian ng mga babae.

H. W., Estados Unidos

Hindi namin layon na panganlan alin sa mga babae o mga lalaki sa negatibong paraan. Dalawa sa mga litrato ay kinasasangkutan ng mga lalaking nagtsitsismis. Ipinakikita naman ng isa pang larawan ang dalawang babae na nagsasagawa ng nakapagpapatibay na usapan. Ipinakita rin ang isang babae na tumatangging makinig sa tsismis.​—ED.

Mga gang Katatanggap ko lamang ng aking Hunyo 8, 1991, labas na may artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Dapat ba Akong Sumali sa Isang Gang?” May mga panahon noon na kami ng mister ko ay talagang nabahala tungkol sa aming bunsong anak, na naaakit sa mga gang. Siya’y nagsimulang magdamit na gaya nila at ginagaya ang kanilang meykap at istilo ng buhok. Hindi namin napansin kung ano ang nangyayari hanggang halos huli na ang lahat. Mabuti na lamang, nailayo namin siya mula sa masamang impluwensiya. Inaasahan kong ang inyong artikulo ay makatutulong. Balak ba ninyong maglathala ng higit pa tungkol sa paksang ito?

D. N., Estados Unidos

Tingnan ang aming labas ng Hulyo 22, 1991.​—ED.

Mga Bagà Kailangang pasalamatan ko kayo sa artikulong “Ang mga Bagà​—Isang Kababalaghan ng Disenyo.” (Hunyo 8, 1991) Pinukaw nito sa akin ang mga damdamin ng paghanga sa kamangha-manghang gawa ng Diyos na Jehova. Ang artikulo ay may kadalubhasaang isinulat at di-kapani-paniwalang natulungan ako nito sa simpleng paraan upang maunawaan ang mga bagay na lubhang masalimuot.

B. T. A., Brazil

Pagkahibang sa Loterya Ang inyong mga artikulo tungkol sa ‘Pagkahibang sa Loterya’ (Mayo 8, 1991) ay nagpaalaala sa akin kung paanong bago naging isang Kristiyano, ako ay may mga kaibigang nagsusugal. Ang isa ay nabilanggo dahil sa panghuhuwad dala ng pagsusugal. Ang isa ay binugbog ng mga usurero at iniwang paralisado dahil sa hindi pagbabayad ng utang. Tunay ngang sinisira ng pagsusugal ang buhay ng mga tao.

R. B., Estados Unidos

Mga Kamera Ako’y bumili kamakailan ng isang kamera na may mga adjustment para sa bukas ng lente at pagbabago ng shutter speeds, subalit nahihirapan akong unawain ang manwal sa paggamit nito. Ang inyong artikulong “Mga Alaala​—Sa Isang Pindot ng Butón!” (Hulyo 8, 1991) ang sumagot sa aking mga tanong. Salamat sa pagpapaliwanag ninyo sa teknikal na mga bagay sa madaling-maunawaang paraan.

S. H., Hapón

Magiliw na Pagtanggap ng Hapones Nasiyahan ako sa artikulong “Isang Gabi sa Isang Tahanang Hapones.” (Abril 22, 1991) Ako’y takot na takot sumakay ng eruplano anupa’t hindi ako makapaglakbay. Subalit ang inyong mga artikulo ay buháy na buháy at kasiya-siya anupa’t ako’y nakapaglakbay sa mata ng aking isip​—nang hindi na kailangang sumakay ng eruplano.

K. R., Estados Unidos

Mga Bandang Rock Ito’y may kinalaman sa inyong artikulong “Kalaswaan na Isinasamusika.” (Marso 8, 1991) Ang unang pangungusap ng artikulo ay bumabanggit tungkol sa ‘sagradong misyon ng mga bandang rock​—na pagalitin ang mga magulang.’ Marami akong naiisip na popular na mga bandang rock na gumagawa ng mabuti, positibong musika. Marahil ay dapat na binanggit ninyo ang “tiyak” na mga bandang rock.

L. H., Estados Unidos

Hindi namin hinahatulan ang lahat ng modernong musika. Ang nabanggit na pangungusap ay isang tuwirang sinipi buhat sa magasing “U.S.News & World Report.” Sa bandang huli ay binanggit ng artikulo na ang partikular na mga bandang pinag-uusapan ay “malayo sa kasalukuyang impluwensiya.” Binanggit din namin na ang “ilan” sa musika ngayon​—hindi lahat​—ay masama.​—ED.