Namamana ba ang Alkoholismo?
Namamana ba ang Alkoholismo?
Sa kaso ng ilang tao, pinag-iisipan ng mga siyentipiko na ang hilig sa alkoholismo ay maaaring namamana sa pamamagitan ng isang espisipikong gene, sang-ayon sa isang pag-aaral na iniulat sa The Journal of the American Medical Association. Sinasabi nitong nakikilala na nito ngayon ang isang gene na naglalagay sa mga tao sa panganib na maging mga alkoholiko. Gayunman, ang mga siyentipiko ay nagbababala na walang isang gene ang umaakay tungo sa alkoholismo. Ang pinunò ng pangkat ng mananaliksik ay nagsabi: “Ang mabuting Panginoon ay hindi gumawa ng isang alkoholikong gene, subalit isa na waring kasangkot sa mga paggawing naghahanap-kasiyahan.”
Ang report ay nagpapatuloy: “Ang mga mananaliksik ay nagsabi na walang isang gene, pati na ang isang ito, na sanhi ng lahat ng anyo ng alkoholismo. Ang ilang tao na may gene na ito na pinag-aralan nila ay hindi naging alkoholiko, samantalang ang iba na wala ng gene na ito ay naging alkoholiko . . . Ang mga salik na panlipunan at pangkultura ay maaaring pagmulan ng karamdaman para sa maraming alkoholiko.”