Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Tulong Para sa Nag-aagaw-Buhay Salamat sa serye ng mga artikulo tungkol sa “Tulong Para sa Nag-aagaw-Buhay.” (Oktubre 22, 1991) Dumating ito sa tamang-tamang panahon. Ako’y isang nars, at araw-araw ay nakikitungo ako sa mga pasyenteng may taning na ang buhay. Bilang isang Kristiyano, malaon na akong nag-iisip kung kailangan bang labanan ang kamatayan sa lahat ng posibleng paraan. Ang mga artikulo ay nakatulong sa akin na maunawaan ang pangmalas ng Diyos tungkol sa bagay na ito.

C. C., Italya

Ang nanay ko ay may kanser. Nang sabihin sa akin ng doktor, ‘Huli na ang lahat upang tulungan siya ngayon,’ nagwala ako at naisip kong magpatiwakal! Subalit pinatibay-loob ako ng isa sa mga Saksi ni Jehova na ipagpatuloy kong muli ang aking pag-aaral ng Bibliya. Kumuha rin ako ng isang kopya ng mga artikulo tungkol sa “Tulong Para sa Nag-aagaw-Buhay.” Ngayon ay talagang nauunawaan ko ang kasulatan na nagsasabi, na ‘hindi sa tayo’y umibig sa Diyos kundi siya ang umibig sa atin.’ (1 Juan 4:10) Ngayon ay sisikapin kong mainam na maging isa sa mga Saksi ni Jehova.

S. M., Hapón

Mga Abubot Maraming-maraming salamat sa inyong magandang artikulong “Kung Labis Na ang Abubot.” (Agosto 8, 1991) Sa aking 12 taon ng buhay may-asawa, ako’y nakipagpunyagi sa siksik, umuumbok na mga aparador na napakagulo! (Mayroon ako ng lahat ng dahilan upang itago ang mga bagay-bagay.) Pagkatapos basahin ang inyong artikulo, nakaipon ako ng isang bunton ng mga bagay na itatapon. Ang aking malinis na aparador ay ngumiti sa akin na bihirang gawin nito noon. Ipapaskil ko ang artikulo na nakikita sa aking aparador upang maiwasan na ito ay muling maging magulo!

L. W., Netherlands

Ang aking nanay, ang aking kapatid na babae, at ako ay nagsagawa ng kampaniya na alisin-ang-mga-abubot. Tiningnan namin ang aming mga damit at namigay kami ng maraming damit. Ang aking taos-pusong pasasalamat sa artikulo.

Z. M., Jamaica

Kumpil Salamat sa artikulong “Ang Pangmalas ng Bibliya . . . Kumpil​—Isa ba Itong Kahilingang Kristiyano?” (Agosto 8, 1991) Ako’y nagsimulang mag-aral ng Kasulatan hindi pa natatagalan, subalit mayroon pa rin akong mga katanungan tungkol sa bautismo. Mayroon akong dalawang-buwang-gulang na anak na babae, at sa tulong ng artikulong iyon, sa wakas ay naunawaan ko na hindi itinataguyod ng Kasulatan ang pagbabautismo sa isang sanggol.

J. M. S., Brazil

Mga Pampahalumigmig Pahintulutan ninyo akong magkomento tungkol sa balitang “Mga Problema sa Pampahalumigmig” na lumitaw sa “Pagmamasid sa Daigdig.” (Setyembre 22, 1991) Sayang at hindi ninyo binanggit na ang mga karamdamang ito ay naililipat lamang ng mga pampahalumigmig na gumagamit ng mga panala.

S. G., Alemanya

Ang pag-aalis ng mga mineral sa mga panala ay nakababawas nga sa panganib na madumhan ang hangin ng pagkaliliit na mga partikulo ng mineral, gaya ng aluminyo, tingga, o asbestos. Gayunman, inirerekomenda ng mga eksperto na ang mga panala ay regular na palitan at na ang makina mismo ay regular na linisin nang husto.​—ED.

“Estrogen Replacement” Salamat sa artikulong “ ‘Estrogen Replacement Therapy’​—Ito ba’y para sa Iyo?” (Setyembre 22, 1991) Tamang-tama ang dating nito. Iminungkahi ng aking doktor na ako ay isailalim ng paggagamot ng estrogen. Gayon na lamang ang tuwa ko na maaari kong basahin ang tungkol sa paksang ito nang detalyado kinabukasan.

M. R. S., Estados Unidos

Sa nakalipas na dalawang taon, ako ay nagkaroon ng mga hot flashes at iba pang mga sintomas. Inireseta ng doktor ko ang pag-inom ng gamot, subalit nagkaroon ito ng katakut-takot na mga masamang epekto, gaya ng sakit ng ulo. Sinikap kong gumawa ng sarili kong pananaliksik at sa wakas ay naipasiya kong sumulat sa inyo at imungkahi ang isang artikulo tungkol sa paksang ito. Nang sumunod na linggo, binuksan ko ang Gumising!, at naroon ang isang malinaw at nauunawaang paliwanag tungkol sa estrogen replacement therapy. Natitiyak kong ang artikulo ay makatutulong sa maraming babae.

B. S., Estados Unidos