Pahina Dos
Pahina Dos
Pagtuklas sa mga Lihim ng Sansinukob 3-11
Sa buong kasaysayan ay minasdang mabuti ng mga tao nang may pagkasindak ang mabituing kalangitan. Subalit sa loob ng mga milenyo ang katakut-takot na laki at kahulugan ng nakita nila ay nalalambungan sa kanila, nalalambungan ng limitasyon ng kanilang paningin, ng kanilang mga pamahiin, at ng kanilang kapangahasan. Ngayon, sa pamamagitan ng optikal na mga teleskopyo at ng mga radyo teleskopyo at ng iba pang mga kagamitan, natutuklasan ang maraming lihim ng sansinukob. Sa pabalat ng magasing ito ay isang larawan ng Trifid Nebula. Sa loob nito, bagong mga bituin ang isinilang.
Mga Kabalisahan sa Ekonomiya—Kailan Ito Magwawakas? 13
Ang masamang balita ay: Habang hawak ng sakim na komersiyo ang masa, ang mga kabalisahan sa ekonomiya ay magpapatuloy. Ang mabuting balita ay: Ang hawak nito ay malapit nang malagot.
Ano ba Itong Tinatawag na Intuwisyon? 16
Ano ang pinagmumulan nito? Ito ba ay natatangi sa mga babae, o taglay rin ba ito ng mga lalaki?
[Picture Credit Line sa pahina 2]
Larawan sa pabalat: D. F. Malin, sa kagandahang-loob ng Anglo-Australian Telescope Board