Pakikitungo sa Damdamin
Pakikitungo sa Damdamin
Ang tagumpay sa pakikitungo sa ating mga damdamin ay isang tunay na hamon. Isang kabataang babae ang naglalahad ng kaniyang karanasan: “Ako’y maligaya naman, subalit walang anu-ano ako ay nakadarama ng matinding panlulumo. Kung minsan ay ni hindi ko man lamang alam kung ano ang aking nadarama. Para bang ako’y lubusang nawawala sa kadiliman. Hindi ko maipahayag ang niloloob ko at hindi ko matarok kung ano ang aking nadarama kaninuman ako makipag-usap, kahit na nga sa aking sarili. Para bang hindi ako binibigyan-pansin ng mga taong nakapalibot sa akin, lalo na ang aking mga kamag-aral, sapagkat hindi naman ako maganda. Sa wakas lahat ng mga damdaming ito ay pumapatay sa akin sa loob, at kinapootan ko ang aking sarili at ang aking pagkatao.”
Ang babaing ito ay kumuha ng isang sipi ng aklat na Ang Iyong Kabataan—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito. “Ito’y pawang kawili-wili,” sulat niya, “kaya’t ibig kong basahin ang susunod na kabanata, ‘Ang Pagdadalaga,’ Hindi ko mapaniwalaan ang aking nababasa. Inilalarawan mismo ng kabanata ang nadama ko kamakailan lamang, at ipinaliwanag nito kung bakit gayon ang nadama ko. Totoong nakapagpapatibay-loob na mabasa na normal lamang na madama ko ito. Kailangan lamang na malaman ko ang tamang paraan ng pakikitungo rito.”
Bukod sa pagtulong sa mga kabataan na makitungo sa kanilang mga damdamin, tinatalakay ng aklat na ito ang mga bagay na gaya ng pag-abuso sa droga at sinasagot ang mga katanungan na, Ang mga kabataan ba ay dapat uminom ng mga inuming nakalalasing? at, Dapat ba silang makaranas ng seksuwal na pagtatalik bago mag-asawa? Kung nais mong magkaroon ng higit na impormasyon o ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.