Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pabango Hindi ko masabi ang aking pagkasiphayo nang mabasa ko ang artikulong “Ang Mamahaling mga Pabangong Iyon.” (Oktubre 8, 1991) Aktuwal na sinasabi nito sa mga tao kung paano pipili ng pabango nang walang anumang babala tungkol sa kung paano lubhang naaapektuhan nito ang di-mabilang na mga indibiduwal na pinahihirapan ng sakit na pangkapaligiran! Libu-libo ang malubha o bahagyang alerdyik sa mga pabango. Bakit daragdagan pa ang problema?

C. M., Estados Unidos

Pinahahalagahan namin ang mga komentong ito. Gayunman, hindi hinahatulan ng Bibliya ang paggamit ng mga pabango, kaya ang mga indibiduwal ay maaaring gumawa ng personal na pasiya tungkol sa bagay na ito. (Ihambing ang Exodo 30:7; Juan 12:3-5.) Gayumpaman, tiyak na nanaising isaalang-alang ng isang Kristiyano ang maaaring malubhang epekto ng pabango sa iba, halimbawa sa mga pulong sa kongregasyon.​—ED.

Mga Sambahayang Nababahagi sa Relihiyon Salamat sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Ano Kung Hindi Ako Itaguyod ng mga Magulang Ko sa Aking Pananampalataya?” (Enero 8, 1992) Ang paglilingkod sa Diyos nang walang alalay ng pamilya ay kadalasang napakahirap at kung minsan ay nakasisira ng loob. Tinulungan ninyo ako na pahalagahan na marami akong alalay ng “pamilya” sa kongregasyong Kristiyano.

S. H., Estados Unidos

Palibhasa ako’y nakapangasawa ng isang di-kapananampalataya, naranasan ko ang kahawig na kakulangan ng suporta. Tinulungan ako ng artikulo na matanto na ako ay nakadaragdag pa sa problema sa pagmamaktol at pagiging palatalo. Kailangan ko ng simple subalit matinong payo na humingi ng tulong sa kongregasyon. Salamat sa pagtulong ninyo sa akin na makatuwirang malasin ang aking kalagayan.

K. V., Estados Unidos

Radon Nagkamali kayo sa inyong artikulong “Radon​—Isang Panganib sa Inyong Tahanan?” (Oktubre 22, 1991) Binanggit ninyo: “Ang bilis ng pagkabulok ng isang radyoaktibong bagay ay tinatawag na kalahating-buhay.” Bagaman ang bilis ng pagkabulok at kalahating-buhay ay magkaugnay, hindi ito pareho.

J. G., Estados Unidos

Salamat sa pagbanggit nito. Mas tumpak na sabihing ang kalahating-buhay ay ang panahon na kinakailangan upang ang kalahati ng mga atomo sa radyoaktibong bagay ay mabulok. Ang bilis ng pagkabulok (ang bilang ng mga atomo na naglalaho sa bawat segundo) ay aktuwal na umuunti habang ang bilang ng nananatiling radyoaktibong mga atomo ay umuunti.​—ED.

Isports Bilang isang guro sa edukasyon sa pagpapalakas ng katawan at isports, pinagtuunan ko ng partikular na pansin ang mga seryeng “Isports​—Ano ang Dako Nito?” (Agosto 22, 1991) May katumpakang kinilala ninyo ang mga kasamaan at mga panganib ng modernong isports, gaya ng labis-labis na kompetisyon, komersiyal na interes, karahasan, at pandaraya. Gayunman, may kaibahan sa paraan ng paglapit sa isports sa Europa at sa Estados Unidos; ang tinutukoy ng inyong mga artikulo ay halos puro mga isports sa Amerika.

S. O., Pransiya

Ang “Gumising!” ay kadalasang naglalathala ng mga artikulo tungkol sa isports na naghaharap ng internasyonal na punto de vista, pati na ang maraming karanasan ng mga manlalarong Europeo, Aprikano, at Latin-Amerikano. At bagaman ang mga artikulo kamakailan ay nakatuon ang pansin sa isports sa E.U., naniniwala kami na ang mga mambabasa sa iba’t ibang bansa ay makikinabang sa pagkakapit ng mga simulain ng Bibliya na tinatalakay roon.​—ED.

Ako’y buháy na patotoo na ang isports, o “pagsasanay ng katawan,” ay “may kaunting pakinabang.” Noong ako’y nag-aaral, kasali ako sa koponan ng volleyball ng paaralan at marubdob na naglaro sa mga laro at kompetisyon. Gayunman, ang aking mga kasama ay hindi mabuti at ako’y nanghina sa espirituwal. Kaya maraming panahon ang nasayang. Pagkatapos ng pag-aaral, ako’y nagpasiyang ialay ang aking sarili kay Jehova at pasukin ang buong-panahong ministeryo. Ako ngayon ay nakasusumpong ng labis na kagalakan dito, yamang ang “maka-Diyos na debosyon ay kapaki-pakinabang sa lahat ng bagay.”​—1 Timoteo 4:8.

P. G., Brazil