Paano Ako Makikibagay Ngayong Kapisan Na Namin ang Aking mga Nuno?
Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .
Paano Ako Makikibagay Ngayong Kapisan Na Namin ang Aking mga Nuno?
KASUNDO mo ang iyong mga nuno. Ang panahong ginugol mo na kasama nila ay kasiya-siya, natatangi. Ngunit ngayon sila ay pumisan na sa inyong pamilya.
Kapag pumipisan ang mga nuno, ito ay maaaring mangahulugan ng pakikibagay sa lahat ng nasasangkot. a Lahat ay kailangang makibagay sa paraan ng isa’t isa. Subalit ang kalagayan ay may pag-asa pa. Sa pamamagitan ng pagkakapit ng mga simulain ng Bibliya, matutulungan mo ang iyong pamilya na magtulungan, hindi maghiwa-hiwalay.
Ang Kapangyarihan ng Pag-ibig
Ang isang paraan upang mabawasan ang kaigtingan ng pamilya ay ikapit ang simulain sa 1 Corinto 16:14: “Gawin ninyo sa pag-ibig ang lahat ninyong ginagawa.” Ang pag-ibig Kristiyano ay “nagtatakip ng maraming kasalanan.” (1 Pedro 4:8) At gaya ng ipinakikita ng isang pag-aaral sa babasahing Family Relations, ang tunay na pag-ibig at pagmamalasakit sa nakatatandang mga kamag-anak ay may praktikal na halaga; binabawasan nito ang mga kaigtingan at problema ng pangangalaga.
Nakalulungkot nga, hindi lahat ng mga kabataan ay nakadarama ng pagmamahal sa kanilang mga nuno. Ang ilan ay minamalas sila na may paghamak, matanda na at walang-silbi. Ngunit hindi ganito minamalas ng mga kabataang Kristiyano ang mga may edad na. Ginugunita nila ang mga salita sa Kawikaan 20:29: “Ang kagandahan ng matanda ay ang ulong may uban.” Oo, ang iyong mga nuno ay maygulang na at karanasan. Maaari silang maging isang mahusay na pinagmumulan ng payo at patnubay, lalo na kung sila’y mga Kristiyano. At gaya ng karamihang mga nuno, malamang na sila’y nagmamalasakit sa iyo nang higit kaysa nababatid mo.—Kawikaan 17:6.
Kung hindi malapít ang ugnayan ninyo hanggang sa ngayon, bakit hindi sikaping baguhin ang mga bagay? Kaya ipinasiya ng isang tin-edyer na babae na makipagkaibigan. Gunita niya: “Binilhan ko ang aking lola ng isang pares ng medyas ng kulay na alam kong magugustuhan niya. Ipinakita niya ang medyas na iyon sa lahat nang dumalaw!” Sa gayunding paraan, maaaring subukin mong makipag-usap ng ilang mga minuto araw-araw. O maaaring mag-alok ka na ikaw na lang ang bibili ng isang bagay para sa kanila. Ang paggawa ng gayon ay malaki ang magagawa upang ikaw ay mapalapít sa kanila.
Ipagpalagay na, maaaring malagay sa pagsubok ang pag-ibig ng lahat. Maaaring mahirap para sa mga may edad na na makibagay sa bagong mga kapaligiran. Maaaring sila’y maysakit at hindi laging mabuti ang pakiramdam. At bagaman baka kailangan mong gumawa ng ilang pagbabago sa iyong isitilo-ng-buhay—marahil mga sakripisyo pa nga—tantuin na hindi rin madali ito para sa iyong mga nuno. Oo, ang mga ito ay maaaring “masasamangEclesiastes 12:1) Pahalagahan na sila ang nag-alaga sa iyong mga magulang nang sila’y bata pa. Itinuturing ng Diyos ang pangangalaga mo sa iyong mga nuno bilang “kaukulang ganti” at bilang kapahayagan ng debosyon mo sa kaniya.—1 Timoteo 5:4; Santiago 1:27.
araw” para sa kanila. (Ang Sining ng Pakikipagkasundo
Gayunman, ang mga problema ay kadalasang maiiwasan kung ikaw ay magpapakita ng walang-imbot na konsiderasyon sa iyong mga nuno. (Filipos 2:4) Halimbawa, maaari mong isaisip na ang mga may edad na ay karaniwang napakasensitibo sa ingay; ang maingay na musika ay maaaring makabalisa sa kanila. (Eclesiastes 12:4) Maaari rin silang mabalisa kung ikaw ay mag-iingay kailanma’t dumadalaw ang iyong mga kaibigan. Ang gayong mga isyu ay maaaring madaling pagmulan ng away. Subalit tayo’y pinaaalalahanan ng Bibliya na “ang karunungang mula sa itaas ay . . . mapayapa, makatuwiran.”—Santiago 3:17.
Ang isang taong mapayapa ay nagtataguyod ng kapayapaan. Handa siyang gumawa ng pantanging pagsisikap—kahit na iyon ay hindi maginhawa sa kaniya—upang mapanatili ang mabuting kaugnayan sa iba. Sa katulad na paraan, ang taong makatuwiran ay hindi iginigiit ang kaniyang paraan sa lahat ng panahon kundi handa niyang pagbigyan ang pangmalas ng ibang tao. Taglay ang mga kaisipang iyon sa isipan, sikaping lumapit sa iyong mga nuno nang mahinahon. Sa halip na hilingin ang iyong “mga karapatan,” subuking magbigayan.
Marahil ang iyong mga kaibigan ay maaaring dumalaw sa mga araw na ang iyong mga nuno ay namimili. O marahil mas matitiis nila ang ingay kung ang iyong mga kaibigan ay basta dadalaw sa mas maagang oras. Mangyari pa, ang kasunduan ay hindi laging posible, at maaaring makabubuting basta pagbigyan ang kanilang kagustuhan. Marahil maaari kang makipagkita sa ang iyong mga kaibigan sa ibang lugar o maaaring gumamit ka ng headphone kung nais mong makinig ng musika. Nakaaabala? Walang alinlangan. Subalit sa paggawa ng gayon tumutulong ka upang mapanatili ang kapayapaan.
Ang kakayahang makipagkasundo ay kapaki-pakinabang kung ang iyong mga nuno ay may mga ugaling nakagagambala sa iyo. Halimbawa, maaaring tila hindi nila iginagalang ang iyong pag-iisa. Marahil nais nilang makipag-usap sa iyo kapag ikaw ay abala sa paggawa ng iyong takdang-aralin. Sa halip na mainis, tantuin na marahil sila ay medyo nalulungkot at nais lamang nilang makasama ka. Ang pagbubukod ng iyong sarili o pagsusuplado sa kanila ay lalo lamang magpapalala sa kalagayan at nagpapakita ng hindi paggalang sa kanila. (Kawikaan 18:1) Ang 19-anyos na si Chris ay gumawa ng isang kasunduan. Sabi niya: “Ako ang nagpapasimunong makipag-usap sa aking lola sa panahong kombinyente sa aming dalawa.”
Panatilihin ang Iyong Pagkakatimbang
Ano naman kung ang iyong mga nuno ay nangangailangan ng maraming personal na atensiyon at pangangalaga? Ang pagmamahal sa iyong mga1 Timoteo 5:4) Samakatuwid ang iyong mga magulang ang may pangunahing pananagutan sa bagay na ito at maaari nilang tiyakin kung ano ang karampatang bahagi sa gawaing ito. Isa pa, ang 1 Pedro 1:13 ay humihimok sa mga Kristiyano na “maging lubusang mapagpigil [kayo],” o gaya ng pagkakasabi ng talababa sa talatang ito, “patuloy na maging timbang.” Ang pagkuha ng labis na bahagi ng trabaho ay maaaring makapagod sa iyo at, sa dakong huli, pagmulan ng hinanakit.
nuno ay hindi nangangahulugan na dapat mong solohin ang pagdala sa pananagutang ito. Oo, ipinahihiwatig ng Bibliya na ang gayong mga tungkulin ay dapat na pagsaluhan ng Kristiyanong ‘mga anak at mga apo.’ (Ang Kristiyanong pagkakatimbang ay tutulong din sa iyo na makayanan mo ang iyong sariling mga limitasyon gayundin yaong limitasyon ng mga miyembro ng iyong pamilya. Totoo, lahat ay dapat gumawa ng pantanging pagsisikap upang magpakita ng ‘bunga ng espiritu ng Diyos.’ (Galacia 5:22, 23) Subalit sa kabila ng pinakamabuting intensiyon, ang mga miyembro ng pamilya ay malamang na mawalan ng pasensiya. Sa halip na mainis, tanggapin ang katotohanan na “tayong lahat ay malimit natitisod. Kung sinuman ay hindi natitisod sa salita, ang isang ito ay taong sakdal, na nakapagpipigil din ng kaniyang buong katawan.” (Santiago 3:2) Paminsan-minsan ang alitan sa pamilya ay hindi naman dapat ikabahala.
Kompedensiyal na Usapan
Makabubuti na ikaw ay basta makipagtalastasan sa iyong mga magulang. “Kung saan walang kompedensiyal na usapan ay nagugulo ang mga panukala.” (Kawikaan 15:22) Halimbawa, ikaw ba ay maigting at madaling mainis sapagkat hindi mo na masolo ang iyong silid? Ikaw ba’y nababalisa sapagkat inaakala mong pinapasan mo ang di-makatuwirang pasanin ng pangangalaga sa iyong mga nuno? Sa halip na magmukmok o manlumo, ipaalam mo sa iyong mga magulang kung ano ang nadarama mo.
Mangyari pa, maaaring ang mga magulang mo mismo ay maigting at maaaring kaunti lamang ang kanilang magagawa upang baguhin ang mga bagay. Kaya humanap ng tamang panahon upang kausapin sila sa isang mahinahon, hindi mapaghanap, na tono, hinaharap ang problema na gaya ng nakakaharap ninyong lahat. (Kawikaan 15:23) Maging matapat at malinaw sa pagsasabi ng kung ano ang nakababalisa sa iyo. (Efeso 4:25) Minsang mapag-usapan ang mga bagay-bagay, sa paano man ay maaaring pakinggan ka nila sa mahabaging paraan. At maaaring posible pa nga na makasumpong ng praktikal na mga lunas.
Marahil maaaring isang lugar sa bahay ang itabi para magamit mo kapag kailangan mo ang isang pribadong lugar upang magbasa o mag-aral. O marahil higit pang gawain sa bahay ay maibabahagi kung mayroon kang mga kapatid na lalaki o babae. Sa isang pamilya ay naipasiyang ang tin-edyer na anak na lalaki ang babasa sa kaniyang lola—isang bagay na kapuwa nila kinagigiliwan at inaasam-asam. Ang kaniyang dalawang kapatid na babae ay naatasang tumulong sa pagbibihis at pagpapaligo sa kanilang lola.
Kapaki-pakinabang na Karanasan
Walang alinlangan tungkol dito, ang pagkakaroon ng mga nuno sa bahay ay maaaring maging isang bagong karanasan sa buhay—para sa kanila at sa iyo. Ngunit kung ang lahat ay magpapakita ng pasensiya, pag-ibig, at pagkukusang sumunod, ito ay maaaring maging isang kapaki-pakinabang na karanasan. Maaari kang magkaroon ng pagkakataon na linangin ang masigla, maibiging kaugnayan sa dalawang matalino at may karanasang tao na talagang nagmamalasakit sa iyo. Ang gayong pakikipagkaibigan ay maaaring maging mas kasiya-siya kaysa panandaliang kaugnayan sa isang kaedad. At ito ay maaaring makatulong sa iyo na lumaki bilang isang indibiduwal. Ganito ang sabi ng isang dalagang nagngangalang Beverly: “Minalas ko ang pagtulong sa aking lola bilang isang pagkakataon upang matutuhan ang mga katangian ng pagsasakripisyo-sa-sarili na kakailanganin ko sa dakong huli.”
Gayundin ang natuklasan ng isang kabataang nagngangalang Aaron. Aniya: “Ang paggugol ng panahon na kasama ng aking lola ay nagturo sa akin na makipag-usap sa ibang may edad sa aking kongregasyon. Dati-rati’y basta kinukumusta ko lamang sila. Ngayon ako ay gumugugol ng ilang minuto sa pakikipag-usap sa bawat isa sa kanila. Nasisiyahan ako rito! At itinuring ko ang mga may edad na ito bilang aking mga kaibigan.”
Kaya gumawa ng higit pa kaysa batahin lamang ang kalagayan; gawin itong isang kapaki-pakinabang na karanasan! Sa kalaunan ay maaaring pasalamatan mo ang araw na pumisan sa inyo ang iyong mga nuno.
[Talababa]
a Tingnan ang artikulong “Bakit Pumisan sa Amin ang Aming mga Nuno?” na lumilitaw sa aming labas ng Hulyo 8, 1992.
[Larawan sa pahina 19]
Ang pakikipagkaibigan na tinatamasa mo sa iyong mga nuno ay maaaring maging lubhang kapaki-pakinabang