Mula sa Aming mga Mambabasa
Mula sa Aming mga Mambabasa
Pagpupunyagi sa Sakit Nais kong sabihin ang aking pagpapahalaga sa karanasan ni Hans Augustin sa artikulong “Ang Aking Pakikipagpunyaging Mabuhay.” (Abril 22, 1992) Ako ay dumaranas ng mahinang kalusugan, subalit kailanman hindi ako nagkaroon ng suliranin na kasintindi gaya sa kaniya. Ako’y napaalalahanan ng kuwento ng isang tao na nag-isip na siya’y nasa di-mabuting kalagayan sapagkat wala siyang sapatos—hanggang sa makita niya ang isang tao na walang mga paa! Sa paano man, ang salaysay ng mahirap na kalagayan ni Hans Augustin ay nakapagpapalakas ng aking pananampalataya, at aking ipinapanalangin siya.
A. M. M., Estados Unidos
Ako ay dumanas ng mga pagsakit ng ulo, pamamanhid ng aking kanang kamay at paa, lumalabong paningin, at patuloy na pagkahilo. Ako’y nagkaroon ng CT scan, subalit wala naman nakitang diperensiya. Ako’y nanlumo sapagkat hindi na ako gaanong nakapaglilingkuran sa Diyos. Nakadama rin ako ng kawalang-pag-asa pagka aking naiisip ang aking hinaharap. Gayunman, pinatibay-loob ni Hans Augustin ang mga mambabasa na magtuon ng pansin sa espirituwal na mga kahalagahan, at nais kong tularan ang kaniyang positibong pangmalas. Ako ay nakatakda sa higit pang mga pagsusuri, subalit anuman ang kalabasan ng mga pagsusuri, natulungan na akong tumingin sa hinaharap at makipagpunyagi sa sakit.
K. T., Hapon
Pandaigdig na Komersiyo Isang maikling liham ng pagpapahalaga para sa mga seryeng “Ang Pagbangon at Pagbagsak ng Pandaigdig na Komersiyo.” (Enero 8—Marso 22, 1992) Inaasahan ko na mahirap basahin ang mga ito, subalit nasumpungan ko na mahusay ang pagkasulat ng mga ito, at ako’y hindi nagkaproblema sa pag-unawa sa mga ito. Ako’y lubusang nasiyahan sa mga serye.
D. H., Estados Unidos
Sakit na Kaugnay ng Pagkain Nais ko kayong lubos na pasalamatan sa paglimbag ng artikulong “Pagtulong sa mga May Sakit na Kaugnay ng Pagkain.” (Pebrero 22, 1992) Sa wakas ito’y tumulong sa akin upang tanggapin na ako’y dumaranas ng sakit may kaugnayan sa pagkain. Sa unang pagkakataon, naunawaan ko na ang aking suliranin ay walang kinalaman sa pagkain kundi sa ibang mga suliranin, gaya ng aking buhay pampamilya. Ang aking sakit ay nagpasalimuot sa maraming aspeto ng aking buhay, lakip na ang aking karera sa ministeryo. Buhat ng aking mabasa ang artikulo, nagsimula akong lubos na magsaliksik, at napagwari ko na ako’y may mahaba, mahirap na landasin ng pagpapagaling sa hinaharap. Subalit sa pagkaalam na si Jehova ay matiisin at maibigin ay isang malaking tulong sa akin.
J. S., Estados Unidos
Ako’y 15 taóng gulang at dumanas ng sakit may kaugnayan sa pagkain mga ilang taon na ngayon. Buhat ng mabasa ng aking ina ang artikulo, siya’y naging mas lalong maunawain at matulungin sa tamang paraan. Tunay na nakadama ako ng kontrol sa aking buhay ngayon at masasabi ko kung gaano ko pinahahalagahan ang inyong mga artikulo. Taglay nito kung ano ang talagang kailangan ko.
M. G., Estados Unidos
Kawalan ng Karanasan sa Sekso Salamat sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Bakit Mananatiling Walang Karanasan sa Sekso?” (Abril 22, 1992) Ako’y napaiyak nang aking mabasa ang sinabi ng isang 14-taóng-gulang na batang babae na naiwala niya ang kaniyang pagkadalaga dahil sa pakikiapid. Ang totoo ay, nagawa ko rin iyon. Ako man ay mag-iiyak ay hindi kailanman sapat upang ipakita kung gaano ako nagsisisi bilang isang Kristiyano na nabigong ingatan ang aking pagkadalaga. Nang matuklasan ito ng aking ama, iyon ang unang pagkakataon na nakita ko siyang lumuha. Sa paano man, kahit na ang Diyos ay magiliw na nagpatawad, sa pana-panahon ang mga alaala ay nagbabalik, at muling tumutulo ang mga luha. Anong inam na maingatan ang pagkadalaga ng isa sa halip na anihin ang masasamang bunga mula sa pagsasamantala ng iba.
I. M., Hapon
Isang babae sa paaralan ang nag-alok sa akin nang ilang ulit na makipagtalik sa kaniya, subalit tinatanggihan ko siya sa tuwina. Bilang resulta, inakusahan niya ako na isang bakla. Ang inyong artikulo ay nagpatibay sa aking paninindigan na ang aking kawalang karanasan sa sekso ay isang mabuting bagay. Dahil dito, ako’y higit na magiging matagumpay sa pag-aasawa kaysa isa na may kaluwagan sa sekso.
D. L., Estados Unidos