“Muling Pinag-iisipan ng mga Doktor ang mga Pagsasalin ng Dugo”
“Muling Pinag-iisipan ng mga Doktor ang mga Pagsasalin ng Dugo”
“Programang Idinisenyo Upang Tulungan ang mga Saksi ni Jehova ay May Pakinabang Para sa Lahat”
Sa ilalim ng mga pamagat na ito sa Rocky Mountain News, ang medikal na manunulat na si Kris Newcomer ay nag-uulat: “Mahigit na 100 doktor sa Denver ang nagsama-sama upang pagbigyan ang relihiyon ng mga Saksi ni Jehova, na itinuturing ang dugo na isang sagradong bagay na hindi dapat ipagkaloob o isalin sa panahon ng operasyon at iba pang medikal na mga pamamaraan.” Si Dr. Greg Van Stiegmann ng Bloodless Medicine and Surgery Program sa University Hospital sa Denver, Colorado, Estados Unidos, ay nagsabi: “Ang nangyari ay na nag-organisa kami ng mga miyembro ng mga guro sa pamantasan na handang baguhin ang paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay.”
Sinabi ni Van Stiegmann na bagaman ang programa ay upang tugunan ang pangangailangan ng mga Saksi ni Jehova, hindi lamang sila ang umaayaw sa dugo. Parami nang paraming tao ang mas bubuti ang kalagayan kung hindi sila sasalinan ng dugo. “Sinisikap namin hangga’t maaari na huwag salinan ang sinuman. . . . May napakainam na impormasyon mula sa maraming pag-aaral na nagmumungkahi ng inyong sukdulang pag-asa na gumaling sa unang pagsisikap na iwasto ang problemang pangkalusugan sa operasyon ng kanser ay makabubuti kung ikaw ay hindi sinalinan ng dugo bago o pagkatapos ng iyong operasyon,” sabi ni Van Stiegmann.
Ang artikulo ay nagpapatuloy: “Ang pagbabago sa modernong perspektiba ng medisina ay masayang balita sa tinatayang 10,000 Saksi ni Jehova sa Colorado. Ang Matandang Tipang aklat ng Genesis ay naglalaman ng sipi: ‘ang laman na may buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong kakanin,’ na sa mga Saksi ay nangangahulugan na walang dugo ang dapat kanin sa anumang paraan, pati ang pagsasalin.”