Anong Pag-asa na Magwawakas ang Digmaan?
Anong Pag-asa na Magwawakas ang Digmaan?
ANG Digmaang Pandaigdig I, na ipinakipagbaka mula noong 1914 hanggang 1918, ay tinawag na digmaan na magwawakas sa lahat ng mga digmaan. Subalit mula noon nagkaroon na ng mahigit na 200 digmaan, pati na ang pinakamalaking digmaan hanggang sa ngayon—ang Digmaang Pandaigdig II.
Maliwanag, ang mga pagsisikap ng tao na alisin ang digmaan ay naging ganap na kabiguan. Kataka-taka ba, kung gayon, na marami ang nagsasabi, “Laging magkakaroon ng mga digmaan”? Iyan ba ang paniwala mo?
Ang pagtatatag ng United Nations noong 1945 pagkatapos ng Digmaang Pandaigdig II ay nilayon upang bigyan ang mga taong pagod na sa digmaan ng isang pag-asa para sa isang daigdig na walang digmaan. Ang pag-asang iyan ay ipinahayag sa isang sulat sa pader ng plasa ng UN sa New York City, na kababasahan: THEY SHALL BEAT THEIR SWORDS INTO PLOWSHARES. AND THEIR SPEARS INTO PRUNING HOOKS: NATION SHALL NOT LIFT UP SWORD AGAINST NATION. NEITHER SHALL THEY LEARN WAR ANY MORE.
Nakalulungkot naman, kinukutya ng mga bansa sa pamamagitan ng kanilang pagsulsol ng digmaan ang magandang pagkakasabing pag-asang ito para sa kapayapaan. Gayunpaman, ang mga salitang ito ay matutupad! Dahilan sa ito’y nagmula sa isang Pinagmumulan na nakahihigit sa di-sakdal na mga tao mahigit na 2,500 taon na ang nakalipas. Kinakatawan nito ang ipinangako ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.—Isaias 2:4.
Isang Huwad na Pag-asa
Marami ang umaasa sa mga relihiyon na tumulong upang makagawa ng isang daigdig na walang-digmaan. Subalit sa katunayan, ang mga relihiyon ay napatunayang isa sa lubhang bumabahagi, militanteng puwersa ng kasaysayan. Halimbawa, si Frank P. Crozier, Britanong heneral ng brigada noong Digmaang Pandaigdig I, ay nagsabi: “Ang mga Relihiyong Kristiyano ang pinakamagaling na mga promotor ng pagbububo ng dugo na mayroon tayo at malaya nating ginamit ang mga ito.”
Kaya, mahalaga na kilalanin natin ang pagkakaiba sa pagitan ng tunay na Kristiyanismo at ng huwad. Upang magawa natin ito, si Jesus ay nagbigay ng isang payak na tuntunin: “Sa kanilang mga bunga ay inyong makikilala sila.” (Mateo 7:16) Ang mga salita, o mga pinaniniwalaan, ay hindi sapat. Upang ilarawan ito si Steve Whysall, isang kawaning manunulat para sa Sun ng Vancouver, ay nagsabi: “Hindi lahat ng taong nagsusuot ng asul na kasuutan ng mekaniko na may mantsang langis ay mga mekaniko, kahit kung sila ay mukhang mga mekaniko, . . . kahit na kung sabihin nila ‘Kami’y mga mekaniko.’”
Ikinakapit ang ilustrasyong ito sa Sangkakristiyanuhan, sabi ni Whysall: “Kadalasang maririnig mo ang mga taong nag-uusap sa kung paano ito o iyon ay ginawa sa ngalan ng Kristiyanismo at anong kakila-kilabot na bagay na ito’y gawin. Buweno, oo, ito ay kakila-kilabot. . . . Subalit sino ang nagsabi na mga Kristiyano ang gumawa ng kakila-kilabot na mga bagay na iyon?
“Oh, sabi mo, gayon ang sabi ng tatag na mga relihiyon. Buweno, sino ang may sabi na ang mga tatag na relihiyon ay Kristiyano?
“Binasbasan ng papa si Mussolini, at may katibayan ng iba pang papa na gumawa ng imbing mga gawa noon. Sino ang may sabi na ila’y mga Kristiyano?
“Iniisip mo ba na sapagkat ang isang tao ay papa siya ay isang Kristiyano? Dahil lamang sa sinasabi ng isang tao na ‘Ako’y Kristiyano’ ay hindi nangangahulugan na siya ay Kristiyano—kung paanong ang isang taong nag-aangking siya ay isang mekaniko ay maaaring hindi isang mekaniko.
“Ang Bibliya ay nagbababala pa nga sa mga Kristiyano laban sa mga taong nagpapakilalang mga Kristiyano . . . Walang Kristiyano ang maaaring makipagdigma laban sa isang Kristiyano—ito ay katulad ng pakikipagbaka ng isang tao sa kaniyang sarili.
“Ang tunay na mga Kristiyano ay mga magkakapatid na lalaki at babae kay Jesu-Kristo. . . . Sila ay hindi, hindi sadyang mananakit sa isa’t isa.”
Kaya kailangang ikapit natin ang tuntunin ni Jesus at tingnan natin ang mga bunga ng mga relihiyon. Subalit anong mga bunga? Binabanggit ng Bibliya ang isang partikular na bunga, na nagsasabi: “Dito nahahayag ang mga anak ng Diyos at ang mga anak ng Diyablo: Ang sinumang hindi gumagawa ng katuwiran ay hindi sa Diyos, ni ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid. Sapagkat ito ang pasabing inyong narinig buhat sa pasimula, na mag-ibigan tayo sa isa’t isa; hindi gaya ni Cain, na nagmula sa balakyot at pinatay niya ang kaniyang kapatid.”—1 Juan 3:10-12.
Sa halip na pasiglahin ang pag-ibig sa kapatid, sinuportahan ng mga relihiyon at itinaguyod pa nga ang pagpatay sa kapatid sa digmaan. Sa gayon, sila’y naging mga kagamitan ni Satanas na Diyablo kung paanong tiyak na mga kagamitan ni Satanas ang mga relihiyon ng sinaunang mga Ehipsiyo, Asiryano, Babiloniko, at mga Romano. Tinawag ni Jesu-Kristo si Satanas na “ang pinuno ng sanlibutang ito” at nagsabi tungkol sa Kaniyang tunay na mga tagasunod: “Hindi sila bahagi ng sanlibutan, gaya ko na hindi bahagi ng sanlibutan.” (Juan 12:31; 17:16; 2 Corinto 4:4) Gayunman, ginawa ng mga relihiyon ang kanilang sarili na mahalagang bahagi ng sanlibutang ito.
Maliwanag, kung gayon, hindi ginagamit ng Diyos ang mga relihiyon upang tuparin ang kaniyang layunin na lumikha ng isang sanlibutan na walang digmaan. Sa kabila ng kung ano ang sinasabi ng mga kapelyan at iba pang kinatawan ng simbahan, ang Diyos ay walang pinapanigan sa mga digmaan ng mga bansa.
Paano matutupad ang pangako ng Diyos na aalisin ang digmaan? May mga tao bang talagang pinukpok ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod? Tiyak na mayroon.
Ang mga Tao na Tumutupad sa Pangako ng Diyos
Ang kilalang mananalaysay ng simbahan na si C. J. Cadoux ay nagsabi: “Ang sinaunang mga Kristiyano ay naniwala kay Jesus . . . Malapit na iniuugnay nila ang kapayapaan sa kanilang relihiyon; mariin nilang hinahatulan ang digmaan sa kinasangkutan nitong pagbububo ng dugo; ikinapit nila sa kanilang sarili ang hula sa Matandang Tipan na humuhula tungkol sa pagpapalit ng mga sandata ng digmaan tungo sa mga kagamitan sa pagsasaka.”—Isaias 2:4.
Subalit kumusta naman sa ngayon? May mga tao ba na sumusunod sa salita ni Jesus at talagang nag-iibigan sa isa’t isa? Sa katunayan, kanila na bang pinukpok ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod? Buweno, ganito ang sabi ng Encyclopedia Canadiana: “Ang gawain ng mga Saksi ni Jehova ay ang muling pagpapasigla at muling pagtatatag ng sinaunang Kristiyanismo na ginawa ni Jesus at ng kaniyang mga alagad noong una at ikalawang mga siglo ng ating panahon. . . . Ang lahat ay magkakapatid.”
Kaya, kasuwato ng utos ni Kristo na mag-ibigan sa isa’t isa, ang mga Saksi ni Jehova ay tumatanggingJuan 13:34, 35) Si Martin Niemöller, isang Protestanteng lider sa Alemanya, ay nagsabi na “sa lahat ng panahon, laging pinahintulutan ng [mga iglesya] na basbasan ang digmaan, mga hukbo at mga sandata at na sila’y nanalangin sa lubhang hindi maka-Kristiyanong paraan para sa pagkalipol ng kanilang kaaway.” Gayunman, kabaligtaran nito, sabi niya, “daan-daan at libu-libong [mga Saksi] ang nagtungo sa mga piitang kampo at namatay sapagkat tumanggi silang maglingkod sa digmaan at ayaw nilang bumaril ng tao.”
kapootan o patayin ang kanilang mga kapatid, kahit na ang mga ito ay miyembro ng ibang lahi o nasyonalidad. (Oo, di-gaya ng mga tao ng ibang relihiyon, talagang pinukpok ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod. Sa pananatiling “hindi bahagi ng sanlibutan,” gaya ng utos ni Kristo, sila nga ay kakaiba sa ibang mga relihiyon. (Juan 15:19) Ganito ang sabi ng Romano Katolikong St. Anthony’s Messenger: “Ang mga Saksi ni Jehova ay hindi bahagi ng ‘sekular na lipunan’ at hindi tumatanggap ng pananagutan na pagpalain ang anumang bagay na ipinasiyang gawin ng sekular na pamahalaan.”
Ang pangako ba ng Diyos may kinalaman sa pag-aalis ng sandata ay matutupad lamang bunga ng pagpupukpok ng ilang milyong indibiduwal mula sa lahat ng bansa ng kanilang mga tabak upang maging mga sudsod? Mangyari pa hindi! Ang pangako ng Diyos ay matutupad sa mas malawak at sa madulang paraan.
Kung Paano Darating ang Wakas ng Digmaan
Wawakasan ng Maylikha, ang Diyos na Jehova, ang digmaan sa pamamagitan ng pag-aalis sa lahat ng makinarya ng digmaan at yaong mga may pananagutan dito. Inaanyayahan ng isang salmista ng Bibliya ang mga mambabasa na isaalang-alang ang kapana-panabik na pag-asang ito. “Halikayo, kayo bayan,” sulat niya, “tingnan ang mga gawa ni Jehova, kung paanong gumawa siya ng kamangha-manghang mga pangyayari sa lupa. Pinatitigil niya ang mga digmaan hanggang sa kadulu-duluhan ng lupa.” (Awit 46:8, 9) Anong kapansin-pansin, nakapupukaw-damdaming patalastas!
Ang pag-asa ba hinggil sa isang sanlibutan na walang digmaan ay hindi kapani-paniwala? Maaaring gayon ang isipin ng mga taong nag-aalinlangan. Gayon ang akala kahit na ng mananalaysay ng militar na ang kuwento ay lumilitaw sa mga pahina 9 hanggang 13 ng magasing ito. Subalit siya ay gumugol ng panahon upang maingat na suriin ang katibayan. Bunga nito, pinatunayan niya sa kaniyang sarili na ang Bibliya ay tunay na maaasahan. Natuklasan niya na ang mga hula ng Bibliya tungkol sa naunang mga pangyayari sa kasaysayan ay tiyak na natupad sa tamang panahon. Ito ang nagbigay sa kaniya ng dahilan na maniwala na ang
mga pangyayaring iyon na inihulang mangyayari ay mangyayari ayon sa iskedyul.Halimbawa, isaalang-alang kung paanong ang yumayanig-lupang mga pangyayari na nangyayari ngayon ay katugmang-katugma ng mga pangyayaring inihula sa Bibliya na magtatanda sa mga huling araw ng sistemang ito ng mga bagay. (Mateo 24:3-14; 2 Timoteo 3:1-5) Nangangahulugan ito na tayo ngayon ay nabubuhay sa panahon ng pagdating ng Kaharian ng Diyos, bilang katuparan ng panalangin na itinuro ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod, yaon ay: “Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Mangyari nawa ang kalooban mo, kung paano sa langit, gayundin sa lupa.”—Mateo 6:9, 10.
Sa anong paraan aasahan nating darating ang Kaharian ng Diyos? Isang hula sa Bibliya ang nagsasabi tungkol dito: “At sa mga kaarawan ng mga haring yaon [ibig sabihin, ang mga pamahalaan na nasa kapangyarihan ngayon] ang Diyos ng langit ay magtatayo ng isang kaharian na hindi magigiba kailanman. At ang kahariang iyon ay hindi ibibigay sa ibang bayan. Dudurugin at wawasakin niyon ang lahat ng mga kahariang [o, mga pamahalaang] ito, at iyon [ang pamahalaan ng Kaharian ng Diyos] sa ganang sarili ay lalagi magpakailanman.”—Daniel 2:44.
Oo, ang Kaharian ng Diyos ay darating sa madulang paraan upang alisin ang lahat ng kasalukuyang mga pamahalaan, kung paanong ang inihulang pangglobong Baha ay dumating noong kaarawan ni Noe. (Mateo 24:36-39; 1 Juan 2:17) Dahil sa napipintong pagkawasak ng lahat ng kasalukuyang mga pamahalaan, gayundin ng mga relihiyon na sumusuporta rito, mahalaga na isahan nating suriin ang atin mismong kalagayan. Magsisikap ba tayong matuto tungkol sa Diyos na Jehova at sa kaniyang Anak, si Jesu-Kristo, at pagkatapos ay gawin kung ano ang hinihiling nila sa atin? (Juan 17:3) Iibigin ba natin ang isa’t isa, tumatangging gawan ng pinsala ang ating kapuwa tao, at sa gayo’y ipakita na atin nang napukpok ang ating mga tabak upang maging mga sudsod?
Kung sumasang-ayon ka na ang digmaan ay hindi makatuwiran at na nais mong mabuhay sa lupa kapag ang kapayapaan ay pansansinukob, makipagkita sa mga Saksi ni Jehova. Sila’y malulugod na tulungan kang alamin ang higit pa kung paanong malapit nang mawala ang digmaan, sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian ng Diyos.
[Kahon sa pahina 7]
Mga Plano ni Himmler Para sa mga Saksi ni Jehova
SI Heinrich Himmler ang pinuno ng Nazi SS, o Piling Bantay, at noong Digmaang Pandaigdig II ay siyang pangalawang pinakamakapangyarihang lalaki sa Alemanya, pangalawa kay Adolf Hitler. Bagaman kinapootan ni Himmler ang mga Saksi ni Jehova dahil sa pagtanggi nilang makibahagi sa mga plano ng Nazi para sa pananakop ng daigdig, iginalang niya sila. Sa isa sa kaniyang mga liham sa pinuno ng Gestapo na si Ernst Kaltenbrunner, si Himmler ay sumulat:
“Ilang impormasyon at mga obserbasyon kamakailan ang umakay sa akin na bumuo ng mga plano na nais kong itawag sa iyong pansin. Ito’y may kinalaman sa mga Saksi ni Jehova. . . . Paano natin pamamahalaan at patatahimikin ang Russia gayong . . . kakailanganin nating sakupin ang napakalawak na teritoryo nito? . . . Lahat ng uri ng relihiyon at mga sekta ng pasipista ay dapat itaguyod . . . , lalo na ang mga paniwala ng mga Saksi ni Jehova. Kilalang-kilala na ang huling banggit ay may mga katangiang pakikinabangan natin: Bukod pa sa bagay na sila ay tumatangging maglingkod sa militar at sa anumang bagay na may kaugnayan sa digmaan . . . , sila ay totoong maaasahan, hindi sila nagpapakalabis sa pag-inom, hindi naninigarilyo; sila ay walang tigil na mga manggagawa at katangi-tangi ang katapatan. Para sa kanila ang binigkas na mga salita ay maaasahan. Ang mga ito ay ulirang mga katangian . . . , nakaiinggit na mga katangian.”
Hindi, hindi kailanman mahihikayat ni Himmler ang mga Saksi na magtrabaho para sa mga Nazi. Ayaw niya ang maibigin-sa-kapayapaan na mga katangian ng mga Saksi para sa kaniyang sarili o sa kaniyang bayan, kundi nais niya ang ulirang mga katangiang ito na makuha ng mga Ruso. Gagawin sila nitong mapapayapang tao, pangyayarihin sila na pukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod.
[Larawan sa pahina 8]
Aalisin ng Kaharian ng Diyos ang lahat ng makinarya ng digmaan at dadalhin ang tao sa isang mapayapang bagong sanlibutan