Terapi Para sa Isipan at Katawan
Terapi Para sa Isipan at Katawan
IPINAKIKITA ng pananaliksik na ang pinalawig na tawa ay nakapagpaparelaks at mabuti para sa isipan at katawan. Ito “ay hindi lamang nakababawas ng kaigtingan, kundi maaari rin nitong dagdagan ang tsansa na maligtasan ang isang malubhang karamdaman,” sabi ng magasing Your Better Health. Ito’y katulad ng “mabuting ehersisyo sa panloob na mga sangkap.” Isinisiwalat ng mga pagsubok na maaaring bawasan ng pinalawig na pagtawa ang kirot gayundin ay maging isang mabuting ehersisyo ng katawan para sa puso. Ang sirkulasyon ng dugo ay bumubuti, ang diaphragm ay naeehersisyo, at ang antas ng oksiheno sa dugo ay tumataas. Ang mga kalamnan sa dibdib, leeg, mukha, at anit ay naeehersisyo rin, pati na ang mga kalamnan sa mata na naglalabas ng luha.
Iniulat ng Journal of the American Medical Association ang tungkol sa isang pag-aaral na “nagpapakita na maaaring dagdagan ng programa sa paggamot na pagtawa ang kalidad ng buhay para sa mga pasyenteng may talamak na mga problema at na ang pagtawa ay may kagyat na nagpapahupa-sa-sintoma na epekto sa mga pasyenteng ito.” Ang mga resulta ng sikolohikal na pamamaraang ito sa pagpapanibagong-buhay ay nag-udyok sa British Columbia Cancer Agency na magdagdag ng isang “humor room” sa kanilang aklatan.
Gayunman, ang palaging pagtawa ay hindi naman tumitiyak ng mabuting kalusugan. Bagkus, kailangan ang pagkatimbang. Ang Bibliya ay nagsasabi na may panahon ng pagtawa at may panahon upang tumahimik. Ang walang ingat na pagtawa ay maaaring makayamot sa pandinig ng iba at inihahambing sa tunog ng lumalagitik na mga tinik na sinusunog sa ilalim ng isang palyok sapagkat ito ay walang silbi at hindi nakapagpapatibay.—Eclesiastes 3:4, 7; 7:6.