Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pagkalason sa Tingga Katatapos ko lamang basahin ang artikulong “Pagkalason sa Tingga​—Nanganganib Ka ba at ang Iyong mga Anak?” (Nobyembre 22, 1992) at nais ko kayong pasalamatan sa inyong napapanahon, timbang, na mga artikulo. Inaasahan ko na balang araw ay makasusulat kayo ng katulad na artikulo tungkol sa kaugnayan ng aluminyo at ng Alzheimer’s disease.

D. C., Canada

Ang labas na ito may kaugnayan sa aluminyo at Alzheimer’s disease ay tinalakay na nang maikli sa artikulong “Polusyon​—Sino ang Pinagmumulan Nito?” sa aming labas ng Mayo 8, 1990.​—ED.

Bunso Ako’y 13 anyos at bunso sa limang magkakapatid. Ang artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Bakit Ako pa ang Naging Bunso?” (Oktubre 8, 1992) ay lubusan kong pinahalagahan. Ang nadarama ko ay katulad na katulad ng ilang bata na inyong sinipi, at inaasahan kong makatutulong ang artikulong ito sa buong pamilya ko. Salamat sa inyong pagtulong sa aming mga kabataan.

C. M., Estados Unidos

Ako ang panggitnang anak, subalit marami sa nabanggit sa artikulong ito ay kumakapit sa aking nadarama. Nadarama ko rin na para bang pinagbabayaran ko ang mga pagkakamaling ginawa ng aking kapatid na lalaki. Ang aking curfew ay nasa mga bandang alas nuwebe dahil sa kaniya. Kami ng aking kapatid na babae ay magkasama sa isang silid, at hindi ako makapagsarili. Gayunman, ako’y natutuwa at ako ang panggitnang anak, na may kuya na maaaring magturo sa akin at nakababatang kapatid na babae na maaari kong maturuan. Kailanma’y hindi ako nag-iisa. Kaya maraming salamat sa pagsulat ng gayong artikulo; hindi man ako ang naging bunso, subalit nakinabang ako mula rito.

N. R., Estados Unidos

Mga Kamay Habang binabasa ko ang artikulong “Ang Ating Kahanga-hangang mga Kamay” (Agosto 8, 1992), hindi ko mapigilang pagmasdan ang aking mga kamay. Hindi ko man lamang napag-isipan kung gaano kamangha-mangha ang mga kagamitang ito na ipinagkaloob sa atin ni Jehova. Paano nakapaniniwala ang ilan na ang mga tao ay bunga ng ebolusyon? Sa palagay ko marami ang magbabago ng kanilang isip pagka kanilang nabasa ang artikulong ito.

E. M., Brazil

Iron Lung Nagsusulat ako na umiiyak pagkatapos kong mabasa ang salaysay ni Laurel Nisbet, “Hindi Siya Mapahinto sa Pangangaral Kahit ng Isang ‘Iron Lung.’ ” (Enero 22, 1993) Ang kaniyang pananampalataya ay isang halimbawa sa ating lahat. Nakaaantig na mabasa kung paano niya ginamit ang kaniyang kalagayan upang makatulong sa iba pang mga tao upang makilala si Jehova. Siya rin ay determinado na huwag labagin ang kabanalan ng dugo at ginamit ang kaniyang buong lakas upang ipaliwanag ang kaniyang katayuan sa doktor niya, kahit sa bingit ng kamatayan. Pinasasalamatan ko kayo nang buong puso sa paglathala ng kaniyang karanasan.

Y. C., Italya

Mapamunang mga Magulang Ang mga artikulo na “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Bakit Wala Akong Magawang Magaling?” (Nobyembre 22, 1992) at “Paano Ko Pakikitunguhan ang mga Puna ng Aking mga Magulang?” (Disyembre 8, 1992) ay dumating sa tamang panahon. Ako’y nahahapis sapagkat ang aking ama ay laging may nakikita upang ireklamo. Ngayon ay hinahangad kong makagawa ng isang tunay na pagsisikap na tanggapin nang may kahinahunan ang pagpuna at huwag itong tanggihan nang may paghihinanakit.

M. Z., Italya

Talagang tinamaan ako sa mga artikulo. Palagi kong ipinalalagay na pinupuna ako ng aking mga magulang dahil wala akong magawang magaling. Tinulungan ako ng inyong artikulo na maunawaan na ang kanilang pagdidisiplina ay bunga ng kanilang pagmamahal at na kanilang nais na ako’y magtagumpay. Simula nang mabasa ko ang inyong artikulo, wala nang gaanong reklamo ang aking mga magulang.

S. P., Estados Unidos

Ang aking ina ay hindi Kristiyano, at wala akong ginawa na kailanma’y nakalugod sa kaniya. Subalit natulungan ako ng artikulong ito na higit siyang maunawaan. Ang kinalabasan ng aking pagsisikap? Siya’y nakikinig na ngayon at naniniwala sa aking sinasabi sa kaniya mula sa Salita ng Diyos!

M. T., Pilipinas