Pagpapahalaga sa Maka-Diyos na mga Magulang
Pagpapahalaga sa Maka-Diyos na mga Magulang
Ang mga magulang na nagpapagal upang palakihin ang kanilang mga anak upang maging responsable at may takot sa Diyos na mga adulto ay nasisiyahan kapag ang kanilang mga pagsisikap ay matagumpay. Natutuwa rin sila kapag ang kanilang mga anak ay nagpahayag ng pagpapahalaga sa mabuting pagpapalaking iyon.
Ang sumusunod ay isang liham na ipinadala ng isang anak na lalaki at ng kaniyang asawa, pagkatapos ng kanilang kasal, sa kaniyang mga magulang:
“Mahal kong Itay at Inay:
“Oh, saan ba kami magsisimula? Simulan natin sa pagsasabi sa inyo kung gaano namin pinahahalagahan ang inyong pag-ibig, suporta, at pagkabukas-palad noong araw ng aming kasal. Tunay na ito’y isang pantanging araw, at ang inyong pagkanaroroon ay napakahalaga. Isa pa, para bang hindi pa sapat, tinulungan ninyo kami sa paggawa sa aming pulot-gata na maging kasiya-siya. Ang lahat ng nabanggit ay katibayan pa ng kung anong pagkamaunawain, maibigin, makatuwiran, at matuwaing mga magulang kayo at lagi kayong gayon!
“Naitatanong ba ninyo kung bakit ako nakapanatili sa tuwid at makipot na daan? Sapagkat, bukod sa aking pag-ibig sa Diyos na Jehova, sa tuwina’y may malaking paggalang ako sa inyong dalawa. Ang paggalang na ito ay napakalakas na kalakip pa ang inyong disiplina, ito ay nagpangyari sa akin na seryosong mag-isip kapag gumagawa ng mga bagay at nagpapasiya. Ang tagumpay ng aking buhay sa paggawa ng kalooban ng Diyos sa kalakhang bahagi ay tunay ngang dahil sa inyong walang pagbabagong pag-ibig at disiplina sa akin at sa inyong walang kamatayang debosyon kay Jehova at sa kaniyang organisasyon.
“Kung titipunin ko ang lahat ng alaala ko noong aking pagkabata tungkol sa inyong dalawa at pagsasamahin ito, sasabihin nito na bagaman hindi ko maaaring matandaan ang lahat ng sinabi ninyo, natatandaan ko ang inyong namumukod-tanging paggawi, lalo na ang pag-ibig ninyo sa iba at kay Jehova.
“Mahal na mahal namin kayo.
“Ang inyong anak at manugang,
“L. at W.”