Bagong Panlaban sa Malaria
Bagong Panlaban sa Malaria
GAYA NG INIULAT sa Gumising! ng Mayo 8, 1993, bumabalik na naman ang Malaria bilang isang salot sa daigdig. Iniulat ng The New York Times (Marso 23, 1993) na “noong nakaraang taon, nag-ulat ang Brazil ng 560,000 kaso ng malaria.” Taun-taon 8,000 taga-Brazil ang namamatay sa malaria. Ngayon isang imbestigador na taga-Colombia, si Dr. Manuel Elkin Patarroyo, ay nakatuklas ng naiibang paraan—isang pag-iiniksiyon ng artipisyal na kemikal na nagkakahalaga lamang ng 30 cents para sa tatlong dosis. “Wala pa sa halaga ng isang Coca-Cola [sa Colombia],” sabi ni Dr. Patarroyo. Hanggang sa ngayon ito’y napatunayang epektibo sa mga 67 porsiyento ng mga kasong ginamot. Bagaman hindi isang lubusang sagot sa nakamamatay na malaria, waring ito’y isang malaking hakbang pasulong sa paglaban sa malaria.