Kung Paano ang Daigdig ay Mapagkakaisa
Kung Paano ang Daigdig ay Mapagkakaisa
ANG mga pagsisikap ng tao na matagumpay na pamahalaan ang kanilang sarili ay walang-salang nabigo. Walang alinlangan na sasang-ayon ka sa kinasihang pagtatasa: “Dominado ng tao ang kaniyang kapuwa tao sa kaniyang ikapipinsala.” (Eclesiastes 8:9) Bakit bigung-bigo ang tao na pamahalaan ang sarili?
Ang Bibliya ay nagpapaliwanag, na ang sabi: “Hindi para sa taong lumalakad ang kahit magtuwid ng kaniyang hakbang.” (Jeremias 10:23) Hindi, hindi tanging pribilehiyo ng tao, o karapatan, na pamahalaan ang kaniyang sarili o ang kaniyang mga kapuwa tao. Ito ay pantanging karapatan ng Diyos na Jehova, ang ating Maylikha, na tungkol sa kaniya tayo ay sinabihan: “Si Jehova ang ating Hukom, si Jehova ang ating Tagapagbigay-batas, si Jehova ang ating Hari.”—Isaias 33:22.
Tanging kapag tinanggap ng lahat ng tao ang Diyos na Jehova bilang Pinuno magkakaisa ang daigdig. Ngunit mangyayari kaya iyon? Malaon nang binanggit ng isang propeta ng Diyos ang tungkol sa “huling bahagi ng mga araw,” kapag maraming tao ang magsisimulang umasa kay Jehova para sa pagtuturo.
Isang Inihulang Pambuong Daigdig na Kapayapaan
“At mangyayari sa huling bahagi ng mga araw,” ang sulat ni propeta Isaias, na “ang bahay ni Jehova ay matatag na matatayo sa itaas ng taluktok ng mga bundok . . . at dadagsa roon ang lahat ng bansa. At maraming bayan ang tiyak na paroroon at magsasabi: ‘Halikayo, kayong mga tao, at umahon tayo sa bundok ni Jehova, sa bahay ng Diyos ni Jacob; at tayo’y kaniyang tuturuan sa kaniyang mga daan.’ ” Kung ipagpapatuloy pa natin ang pagbabasa, makikita natin ang resulta ng pag-asa kay Jehova para sa pagtuturo. “At papandayin nila ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod at ang kanilang mga sibat upang maging mga karit,” patuloy ng hula. “Ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, ni mangag-aaral pa man sila ng pakikipagdigma.”—Isaias 2:2-4.
Oo, ang resulta ng pagsunod sa banal na pagtuturong ito ay mawawala na ang labanan, wala nang etnikong karahasan, wala nang digmaan. Inaakala ng mga pinunong tao na matutupad nila ang hulang ito ng Bibliya at inukit pa nga ang huling bahagi nito sa isang pader sa United Nations Plaza sa New York City. Gayunman, ang digmaan at pagkakapootan sa gitna ng pambansa at etnikong mga pangkat ay lalo lamang dumami hanggang noong katapusan ng 1993. Kaya masasabi mo bang nabigo ang hula ng Diyos?
Hindi, hindi ito nabigo—sapagkat ang mga tao mula sa lahat ng bansa ay kasalukuyang humuhugos sa bahay ni Jehova upang tumanggap ng banal na pagtuturo. Oo, anong laking patotoo ang “Banal na Pagtuturong” mga Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova nitong tag-araw bilang katuparan ng hulang ito! Ang pambuong daigdig na kapatiran ng mga Saksi ni Jehova ay hindi nagpapahintulot ng anuman—kahit ng lahi, nasyonalidad, o etnikong pinagmulan—na magpangyari sa kanila na magkapootan o magpatayan sa isa’t isa. Makasagisag na pinanday na nila ang kanilang mga tabak upang maging sudsod at ang kanilang mga sibat upang maging mga karit.
‘Ngunit,’ maaaring may tumutol, ‘hindi ninyo maaasahan ang lahat na sumunod sa tagubilin ng Diyos na mag-ibigan sa isa’t isa.’ Bagaman totoo ito, ang Diyos ay may kapangyarihan na alisin ang lahat ng sumasalansang sa kaniyang banal na kalooban.
Kung Ano ang Gagawin ng Diyos
Ikaw ba ay nananalangin na gaya ng itinuro ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod, yaon ay: “AmaMateo 6:9, 10, King James Version) Kung ginagawa mo iyon, ikaw ay makapagtitiwala na sasagutin ng ating maibiging makalangit na Ama ang panalanging iyon. Paano niya gagawin iyon?
namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa”? (Inatasan na ng Diyos ang kaniyang Anak, “Ang Prinsipe ng Kapayapaan,” bilang ang piniling pinuno ng kaniyang “pamahalaan,” ang Kaharian na itinuro niyang idalangin natin. (Isaias 9:6, KJ) Kailangan natin ang isang nakahihigit sa taong espiritung pinuno na iyon, sapagkat siya lamang ang makapagpapalaya sa sangkatauhan mula sa masamang impluwensiya ni Satanas at ng kaniyang mga demonyo. Hindi iyon magagawa ng mga pinunong tao, gaano man kabuti ang kanilang mga intensiyon.—1 Juan 3:8; Apocalipsis 12:7-12.
Gayunman, ano ang mangyayari sa kasalukuyang mga pamahalaan na ayaw pasakop sa pamamahala ng Diyos? Isa pang hula sa Bibliya na naglalarawan sa Kaharian na itinuro sa atin ni Jesus na idalangin ay nagsasabi: “Ang Diyos ng langit ay magtatayo ng isang kaharian na hindi magigiba kailanman. . . . Dudurugin at wawasakin [ng makalangit na Kaharian ng Diyos] ang lahat ng mga kahariang ito, at iyon sa ganang sarili ay lalagi magpakailanman.” Kaya, ang pagdalangin sa Kaharian ng Diyos na dumating ay nangangahulugan na tayo ay nananalangin para sa isang pambuong daigdig na pamahalaan sa ilalim ng pamamahala ng “Prinsipe ng Kapayapaan.”—Daniel 2:44; Isaias 9:6.
Sa panahong iyon, kapag ang sambahayan ng tao ay nagkakaisa sa kapayapaan sa ilalim ng Kaharian ng Diyos, ang lahat ay mag-iibigan anuman ang lahi o etnikong pinagmulan. Anong maluwalhating panahon nga iyon! (Apocalipsis 21:3, 4) Inaanyayahan ka namin na tamasahin ang isang rebista ng mapayapang kalagayang iyon kahit na ngayon sa gitna ng mga Saksi ni Jehova at saka tanawin ang hinaharap na kasama nila kapag ang buong daigdig ay magkakaisa sa kapayapaan.
[Larawan sa pahina 15]
Pagkakaisahin ng Kaharian ng Diyos ang lahat ng tao sa kapayapaan