Pag-ibig sa Salapi—Ugat ng Maraming Kasamaan
Pag-ibig sa Salapi—Ugat ng Maraming Kasamaan
ANG bawat salinlahi ay maaaring mangatuwiran na nakita na nila ang pinakamasidhi sa lahat ng paghahanap sa labis-na-pinakahahangad na bagay sa balat ng lupa—ang salapi! Maaaring banggitin ng bawat isa ang mga digmaang ipinakipaglaban upang makamit ang yaman at mga kayamanan, ang haba ng digmaan ay kadalasang tinitiyak sa pamamagitan ng kung gaano ang itatagal ng salapi.
Sa buong daigdig, milyun-milyong tao ang pinatay dahil sa salapi. Ang mga anak ng mayayamang magulang ay kinidnap at pinatubos—salaping ibabayad ng mga magulang para sa kanilang ligtas na pagbabalik. Ang hindi nagsususpetsang mga biktima ay nagantso ng mga manunuba sa kanilang naipong pera sa buong buhay nila. Ang mga bahay ng mga tao ay hinalughog at nilooban dahil sa salapi. Ang pangahas na mga lalaki ay binansagang “Numero Unong Kaaway ng Bayan” dahil sa sila ay nangholdap ng isang bangko. Hindi masasabi ng isang salinlahi na sila lamang ang salinlahi na nakaranas ng nakahihiyang mga gawa na ito. Halimbawa, walang salinlahi ang nakasaksi ng mas masakim na paghahangad ng salapi kaysa yaong salinlahing nakakita sa isang kakutya-kutyang salarin na ipinagkanulo ang kaniyang matalik na kaibigan, ang pinakadakilang tao na nabuhay kailanman, sa halagang 30 pirasong pilak.
Gayunman, sa dakong huli ng salinlahing ito, ang paghahabol sa kailanma’y-mailap na pamantayan ng palitan, na inilarawan ng isang Amerikanong manunulat bilang “ang makapangyarihan-sa-lahat na dolyar, ang dakilang bagay na iyon ng pansansinukob na debosyon,” ay sumamâ higit kailanman. Walang ibang salinlahi ang nakasaksi ng higit na pangahas na mga nakawan sa bangko—milyun-milyong dolyar na kinukuha hindi lamang ng mga lalaki at babae kundi kahit ng mga kabataan sa mga teller habang tinututukan ng baril. Napakapalasak ng mga pagnanakaw sa ngayon anupat ang mga ito ay hindi gaanong binibigyan ng pansin sa balita ng media. Maraming pinansiyal na mga institusyon ang nalugi dahil sa ilegal na minaneobra ng sakim na mga may-ari ang milyun-milyong pera ng mga nagdeposito para sa kanilang sariling gamit, sa gayo’y sinasaid ang mga kabuhayan sa bangko at iniiwan ang maraming nagdeposito na totoong wasak sa pinansiyal.
Ano ang masasabi sa mga nag-oopisina ngayon na dumidispalko ng milyun-milyong dolyar mula sa kanilang mga amo upang subukan ang istilo ng buhay ng mayayaman at kilalang tao? Maraming impormasyon ang maisusulat tungkol sa mga taong nagkukubli sa madidilim na kalye upang pagnakawan ang mga nagdaraan ng nilalaman ng kanilang mga bag at pitaka. At kumusta naman ang tungkol sa pangahas na mga holdap na nasasaksihan ng marami sa araw na araw, ang mga biktima ay pinapatay at pinagnanakawan? Sa ilang pook sa lungsod, ang mga residente ay nananaghoy: “Ang
tanong ay hindi kung ako ba ay hoholdapin sa lansangan kundi kung gaano kadalas.” Ang ilan ay nagdadala pa nga ng ‘salaping ibibigay sa isang mambubugbog at magnanakaw’ upang payapain ang magnanakaw, na dahil dito ay maaaring hindi sila patayin. Nakalulungkot naman, ang huling salinlahi ng ika-20 siglong ito ay dumaranas ng pinakamasamang paghahangad sa salapi na kailanma’y nakilala ng daigdig.Ang Kapangyarihan ng Salapi sa Loob ng Pamilya
Saksihan ang araw-araw na mga away sa pagitan ng mga asawang lalaki at babae dahil sa salapi. “Ang salapi ay isang batubalani na umaakit sa lahat ng mga kabiguan sa ating buhay,” sulat ng isang mananaliksik. “Dapat mong unawain kung paano minamalas at ginagamit ninyong mag-asawa ang salapi kung nais ninyong ihinto ang pag-aaway tungkol dito,” aniya. Ang mga pamilya man ay mayaman o mahirap o katamtaman lamang, ang karamihan ng mga dalubhasa ay sumasang-ayon na ang karaniwang pinag-aawayan ng mga mag-asawa ay tungkol sa salapi. “Nagtataka ako,” sabi ng isa pang mananaliksik, “kung gaano karaming away ang nagsasangkot ng paggasta o pag-iimpok ng salapi.” Isaalang-alang halimbawa, ang nakaririwasang mayaman. Kadalasang sinisikap tipirin ng matipid na asawa ang kaniyang salapi, samantalang sinisikap namang gastusin ito ng bulagsak na asawa. Sa kabila ng kayamanan, nangyayari ang mga away—hindi dahil sa kakulangan ng salapi kundi dahil sa kasaganaan nito. May mga nag-aasawa dahil sa pera, nagtatamasa ng mga istilo ng buhay na mas mabuti kaysa kanilang napangarap, at sa wakas ay nagdidiborsiyo at nakakukuha ng malaking sustentong salapi.
Sa haling-sa-salaping sistemang ito ng mga bagay, ang salapi ay isang metapora ng kapangyarihan at pagpapahalaga sa sarili. Ito ay kadalasang lumilikha ng hinanakit kung mas malaki ang kita ng asawang babae sa kaniyang kabiyak. Kung mas malaki ang kita ng babae, maaaring madama ng kaniyang asawang lalaki na ang kaniyang kapangyarihan at pagpapahalaga sa sarili ay nawawala. Nagkakaroon ng paninibugho—hindi dahil sa sinumang tao—kundi dahil sa pinakahahangad na makapangyarihan sa lahat na dolyar na nangahas na namagitan sa kanila. Sa away sa pagitan ng salapi at pag-ibig, kadalasan nang nagwawagi ang salapi.
At ang kalagayan ay nagpapatuloy gaya ng inilarawan. Talagang “ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng nakapipinsalang mga bagay.” (1 Timoteo 6:10) Gayunman, ang kakulangan ng salapi ay nagdulot ng matinding pagkabalisa at paghihirap sa mga naging biktima niyaong mga naghahabol dito.
Salapi, Salapi Saanman
Kadalasang sinasabi na nangangailangan ng salapi upang magkaroon ng higit na salapi. Pansinin ang pagkarami-raming salapi—mga multimilyon—na ginugugol upang akitin ang mga mamimili na bilhin ang mga produktong iniaalok ng mga tagapag-anunsiyo. Tingnan ang inyong dumarating na sulat—marahil ikaw ang susunod na “mananalo ng sampung milyong dolyar.” Wari bang wala nang interesado sa isang milyong dolyar lamang; ngayon ito ay sampung milyon at higit pa. Maraming tao ang sumususkribe sa mga magasin na hindi nila gusto, at malamang na hindi nila kailanman mababasa, sa takot na hindi makuha ang di-inaasahang tubo ng salapi. Ang pangako ng anunsiyo na “Hindi mo kailangang bumili upang manalo” ay waring nakapag-aalinlangan sa marami.
Tingnan ang mga estado sa Amerika na ngayo’y may mga loterya na may mga gantimpala na maaaring umabot ng milyun-milyon para sa mga mananalo!Isaias 65:11.
Ang ilang milyon ay maliit na halaga lamang. Sa ngayon, mula 50 milyon hanggang 100 milyong dolyar ay maaaring mapanalunan sa isang papremyo lamang. Tila ba walang katapusan ang salaping makukuha sa mga jackpot. Sa maraming bansa, ang mga loteryang pambansa ay umiiral na sa loob ng mga salinlahi. Ginasta ng mga tao ang buong kita nila sa isang linggo sa isang tsansang manalo ng malaking halaga ng salapi. Ang mga pamilya ay nakaraos nang walang sapat na pagkain at pananamit—ang salapi sa halip ay isinakripisyo sa “diyos ng Mabuting Kapalaran.”—Pansinin ang angaw-angaw na mga tao na nag-iisip na mananalo ng maraming salapi sa pagsusugal. Isaalang-alang yaong mga sinisikap gawin ang kanilang naguniguning pagwawagi ng maraming salapi sa pagsusugal sa mga pasugalan sa buong daigdig. Sa isang gulong ng dais, isang bunot ng kard, isang hila sa tatangnan ng slot-machine, inaasahan nilang matutupad ang kanilang mga pangarap. Gayunman, sa tuwina’y mas madali pa para sa mga iyon na dakmain at hawakan ang langis sa kanilang kamay.
Kaya ang hindi nababagong paghahabol sa mailap na dolyar ay mabilis na nagpapatuloy, isang paghahabol sa hangin. Kahit na ang ilan ay nagkamal ng kayamanan, nasumpungan nila na walang anu-ano, sa isang di-inaasahang sandali, wala na ito. Ang mga salita ng pantas na Haring Solomon ay dapat na magkaroon ng kahulugan sa kanila sa panahong iyon: “Ang iyong salapi ay maaaring mawala sa isang iglap, para bang nagkapakpak at lumipad na gaya ng isang agila.”—Kawikaan 23:5, Today’s English Version.
Kakaibang Larawan
Hindi maikakaila na may mga taong nagdala ng matinding paghihirap sa kanilang sarili at sa kanilang pamilya dahil sa paggasta ng kanilang huling salapi sa pagsusugal. Kadalasang sila’y mahihirap, na may kaunting kabuhayan, kumikita lamang ng kakaunti upang may ikabuhay. Ang iba ay tamad at pinipili pa ang pagsusugal upang magkapera nang hindi nila pinagpaguran. Gayunman, sa ngayon karamihan ng mahihirap sa daigdig ay mga biktima ng mga pangyayaring wala silang magawa. Yaong hindi gaanong nakapag-aral upang maisulat ang kanilang sariling pangalan ay umabot na ng milyun-milyon. Sa marami pang iba, ang bumabagsak na kabuhayan sa kanilang lugar ay nagdala sa kanilang mga kinikita sa antas ng karukhaan. Kahit na yaong mga nagtapos sa kolehiyo ay hindi nakapapasok sa trabaho. Habang binabawasan ng malalaking korporasyon ang kanilang produksiyon dahil sa mas malaki ang panustos ng kanilang mga produkto kaysa pangangailangan, nasusumpungan ng libu-libo pa ang kanilang mga sarili na walang trabaho. Paano nila pinakikitunguhan ito?
Ang mga pagkakataon na magkapera sa madayang mga paraan ay maaaring makaakit sa kanila. Maaaring ikatuwiran nila na ang anumang paraan ay tama kung makukuha mo ang ninanais na resulta. “Gagawin ko ang anumang bagay upang mapakain ang aking pamilya” ang karaniwang saloobin sa gitna ng mga naghihirap. Ang madayang mga paraan ay marami, prostitusyon ng mga babae, pagnanakaw ng mga lalaki. Ang kawalang-katapatan, pagnanakaw, o pagsusugal ba—paghahabol sa hindi pinagpagurang salapi—kailanma’y binibigyang-matuwid? Ang daigdig ay punô ng mga taong may gayong akala.
Ikaw ba’y naniniwala sa isang Dakilang Maylikha, sa Diyos na Jehova? Ang kaniyang payo ay ilagak mo ang iyong mga pasan sa kaniya, magtiwala sa kaniyang tulong sa mga panahon ng pangangailangan. Pagkatapos ng mga 25 taon ng Kristiyanong karanasan, maisusulat ni apostol Pablo: “Tunay ngang nalalaman ko kung paanongFilipos 4:12, 13) Maliwanag, si Pablo ay hindi bumaling sa madayang mga paraan nang kaunti ang kaniyang mga paglalaan, kundi siya’y nagtiwala kay Jehova at siya’y nabigyan ng lakas.
magkaroon ng kaunti sa mga paglalaan, tunay ngang nalalaman ko kung paanong magkaroon ng kasaganaan. Sa lahat ng bagay at sa lahat ng kalagayan ay natutuhan ko ang lihim kapuwa kung paanong mabusog at kung paanong magutom, kapuwa kung paanong magkaroon ng kasaganaan at kung paanong magtiis ng kakapusan. Sa lahat ng mga bagay ay may lakas ako dahil sa kaniya na nagbibigay ng kapangyarihan sa akin.” (Kaya kung ikaw ay mahirap, nangangailangan, huwag hanapin ang madayang pakinabang. Tiyak na hindi masama ang magkapera sa tapat na paraan; si Jesus mismo ay nagsabi na “ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang kabayaran.” (Lucas 10:7) Ni may masama man sa pagiging mayaman. Subalit kailanman ay huwag mong ikompromiso ang moral upang matugunan ang iyong mga pangangailangan. Gumawa ka ng kaugnayan sa iyong Dakilang Maylikha, sa Diyos na Jehova, at magtiwala ka sa kaniya na tutulungan ka niyang matiis mo ang mga kahirapan at mga problema sa buhay. “Ihagis ninyo ang lahat ng inyong kabalisahan sa kaniya, sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.”—1 Pedro 5:6, 7.