Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Sinalungat ng Pamilya ang mga Nazi Ako’y 90 taóng gulang at nakikipag-aral sa mga Saksi ni Jehova. Nabasa ko ang artikulong “Oh, Jehova, Panatilihin Po Ninyong Tapat ang Aking Anak!” (Setyembre 22, 1993) Ito’y nagsalaysay tungkol sa mga magulang na Saksi at sa kanilang anak na babae na, bagaman matinding dinusta ni Hitler, ay matapat na nakipagbaka para maitaguyod ang mga turo ni Jehova. Ako’y napaiyak habang binabasa ko ito. Ako’y determinadong matuto ng mga turo ni Jehova taglay ang mas taimtim na saloobin.

S. T., Hapón

Nakabagbag sa akin nang husto ang karanasang ito. Si Simone Arnold Liebster ay isa lamang kabataang babae, na nawalay sa piling ng kaniyang mga magulang at nakulong sa isang repormatoryo dahil sa kaniyang pagsunod kay Jehova. Anong kahanga-hangang halimbawa ng pananampalataya!

M. C. L. S., Brazil

Ang pagtitiwala kay Jehova at ang pag-ibig, karangalan, at kalakasan na pinanindigan niya at ng kaniyang mga magulang ang nagpangyaring suriin ko ang akin mismong kaugnayan kay Jehova. Ako’y naging hamak, at ito’y tumulong sa akin na pahalagahan ang espirituwal na bagay gaya ng pagtitiis at pananampalataya.

V. B., Australia

Kapanglawan Nabasa ko ang mga artikulo tungkol sa kapanglawan (Setyembre 22, 1993) nang tatlo o apat na ulit na. Iminungkahi ninyo na ang isa’y dapat na sumayaw, umawit, at magsaya. Subalit hindi ninyo binanggit na ang pagkadi-timbang ng kimikal ay maaaring maging sanhi ng damdamin ng pagpapatiwakal.

P. C., Estados Unidos

Ang mga artikulo ay hindi tungkol sa mga may matinding panlulumo o may simbuyo ng pagpapatiwakal, na karaniwang kailangan ang pantanging pangangalaga. Bagkus, ito ay tungkol sa mga may pansamantalang mga yugto ng kapanglawan dahil sa pumipighating mga kalagayan, gaya ng kamatayan ng mga minamahal. Ang materyal hinggil sa panlulumo ay inilathala sa labas ng aming Oktubre 22, 1987, at sa tampok ng “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .” sa labas ding ito.​—ED.

Mga Liwanag sa Kahilagaan Nasiyahan ako sa inyong artikulong “Mahiwagang Sakay ng Makalangit na Hangin” (Setyembre 22, 1993) tungkol sa aurora borealis. Subalit hindi ninyo nabanggit na ang mga liwanag ay makikita rin mula sa hilaga at silangang bahagi ng Scotland. May awit pa nga tungkol sa ‘mga liwanag sa kahilagaan ng dating Aberdeen’!

G. S., Scotland

Salamat sa karagdagang impormasyon.​—ED.

Pangangalaga sa mga Hayop sa Parang Ako’y pangulo ng isang pangkapaligirang organisasyon. Nakatutuwang makakita ng isang serye ng tumpak na mga artikulo tungkol sa kapaligiran. (“Sino ang Mag-iingat sa Ating mga Hayop sa Parang?,” Nobyembre 8, 1993) Naging paniwala ko na sa mahabang panahon na kung hindi dahil sa Diyos, tayo’y pumanaw na sana.

M. S., Estados Unidos

Talagang ginawa ng Diyos ang lupa na mapagaling ang sarili nito, walang alinlangan kung bakit nakayanan nito ang pagsira ng tao rito. Kaya, ang Kaniyang solusyon ay “dalhin sa pagkasira yaong mga sumisira sa lupa.” (Apocalipsis 11:18)​—ED.

AIDS Ako’y totoong nasiyahan sa mga artikulo sa AIDS sa serye ng “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .” (Agosto 22, 1993, Setyembre 8, 1993) Ako’y 20 anyos at ikinahihiya ko noon na ako’y walang karanasan sa sekso. Subalit nang nabasa ko ang mga artikulong iyon, natanto ko na ang aking kalinisan sa sekso ay isang kaloob mula kay Jehova.

L. K., Estados Unidos

Maling sabihin na ang heteroseksuwal na pakikipagtalik ay kasimpanganib ng homoseksuwal na pakikipagtalik. Ipinakikita ng lahat ng pagsusuri na ang mga homoseksuwal ang may pinakamatinding panganib na mahawa ng HIV.

J. S., Estados Unidos

Ipinakikita ng pananaliksik na ang mga homoseksuwal ang totoong mas nanganganib na mahawa ng HIV. Kaya, sinasabi ng mga dalubhasa na ang pagkahawa dahil sa heteroseksuwal na pakikipagtalik ay mabilis na dumarami. Ayon sa isang tagapagsalita ng U.S. Food and Drug Administration, ang mga babae “ang pinakadumaraming bahagi ng populasyon na nahawahan ng HIV sa bansang ito.” Hindi naman sa laging may kasalanan ang mga babae; marami ang nahawahan ng napakahalay na mga asawang lalaki.​—ED.