Kabundukan—Mga Obramaestra ng Paglalang
Kabundukan—Mga Obramaestra ng Paglalang
ANG Andes, ang Cascades, ang Himalayas, ang Rockies, ang Alps, at ang Urals—ang mga ito’y ilan lamang sa mga bundok sa planetang Lupa. Ang naglalakihang mga bundok na ito ay makapipigil ng iyong hininga.
Gunigunihin mo na nakatayo ka sa Mount Everest. Ito ang kahanga-hangang tanawin ng mundo kung sa taas, 8,848 metro—8.8-kilometro-taas na monumento! At ang isang taluktok na ito ay maliit na bahagi lamang ng kamangha-manghang Himalayas. Taglay ang mahigit na 70 taluktok ng bundok na ang bawat isa ay umaabot sa nakagugulat na 6,400 metro, ang kabundukang ito ay dalawang ulit ng laki ng Alps sa Europa!
Pambihirang Kapaligiran
Ang karamihan ng mga bundok ay may iba’t ibang life zone, o kapaligiran, pangunahin nang dahil sa temperatura na bumababa sa halos 1.8 digris Celsius sa bawat 300 metro ng taas. Ang pagkakaiba-iba sa ulan, lupa, at hangin ang nagpapangyari rin na maging pambihira ang bawat kapaligiran.
Ang isang halimbawa ng pagkakaiba-iba ng gayong kapaligiran ay ang San Francisco Peaks sa Arizona, E.U.A. Ang mga ito ang pinakamatataas na bundok sa estadong iyan. Kung magsisimula ka sa paanan ng mga bundok sa Coconino Plateau at aakyat sa tuktok ng isa sa mga bundok ng San Francisco Peaks, unang-una mong mapapansin ang ekolohikal na kalagayan na kalakip ang mga bubuli at mga kaktus sa disyertong kapaligiran. Habang papasok ka ay lalong lumalamig ang kapaligiran, angkop para sa mga kambing sa kabundukan at sa mga punong spruce. Sa wakas ay mararating mo ang arctic-alpine na kalagayan sa pinakatuktok. Sa isang pag-akyat mismong ito, masusumpungan mo ang nakakatulad na pagkakasari-sari ng mga anyo ng buhay at mga kapaligiran
na matatagpuan lamang kung ikaw ay maglalakbay sa loobang lugar malapit sa antas ng dagat mula sa Mexico hanggang sa Canada!Naranasan mo na bang madama ang nakasisiglang paglanghap ng malamig, sariwang hangin sa kabundukan? Ang mababang temperatura ng hangin ang isa sa dahilan ng ganitong pakiramdam. Subalit kung saan walang malapit na mga siyudad, ang hangin sa bundok ay maaari ring maging mas sariwa at malinis. Sa bawat kubiko centimetro ng hangin sa taas na 2,000 metro, mayroon lamang 2,500 maliliit na tipik ng alikabok, polen, at iba pa. Kung ihahambing iyan sa hangin sa naglalakihang lungsod, kung saan kasindami ng 150,000 ng mga tipik na ito ay maaaring nasa gayunding sukat ng espasyo ng hangin! Ito ang nagpapaliwanag kung bakit ang makabagong mga obserbatoryo ay kalimitang itinatayo sa kabundukan kung saan ang sariwa,
tuyong hangin ay naglalaan ng mainam na mga kalagayan para sa astronomikong pagmamasid.Mangyari pa, ang mga bundok ay hindi kaayaaya kung nasa mas mataas na lugar kung saan ang atmosperikong presyon at antas ng oksiheno ay bumababa, ang radyasyon ng araw ay tumitindi, ang puwersa ng unos ng hangin ang sanhi ng pagbagsak ng mga temperatura. Kataka-taka, kahit sa ilalim ng gayong mga kalagayan, ang ilang buhay ay patuloy na nakapamumuhay. Isaalang-alang, halimbawa, ang munting salticid, o tumatalong gagamba. Ang nakatirang ito sa bundok ay bagay sa Himalayas sa mahigit na 6,000 metrong taas! Kung paano nabubuhay ang nilalang na ito ay hindi lubusang maunawaan ng mga siyentipiko.
Mga Epekto sa Tao
Ang kabundukan ay may epekto sa buong sangkatauhan. Halimbawa, tingnan ang mapa ng daigdig. Pansinin kung paanong ang Pyrenees, na ang mga taluktok ay umaabot sa mahigit na 3,000 metrong taas, ang siyang naghihiwalay sa Espanya mula sa Pransiya at sa kalakhang bahagi ng Europa. Malamang na mapansin mo rin na maraming ibang pulitikal na mga hangganan ang hinahati ng naglalakihang hanay ng mga bundok. Ang di-kumikilos na mga hangganang ito ang humadlang sa paglalakbay at negosyo sa pagitan ng mga tao na may iba’t ibang wika at kaugalian. Kaya naman, ang pagkanaroroon ng mga bundok ang malamang na may bumabagong impluwensiya sa hugis at laki ng bansa na iyong tinitirahan, sa wika na iyong sinasalita, at sa kaugalian ng inyong bansa.
Ang nagtataasang mga bundok din ang bumabasag sa daloy ng hangin. Ito’y may epekto sa mga siklo ng ulan, niyebe, hangin, at temperatura. Sa gayon, ito’y nakaaapekto sa iba’t ibang pagkain na iyong kinagigiliwan, sa uri ng damit na iyong isinusuot, marahil maging sa arkitekturang disenyo ng inyong tahanan.
Halimbawa, ang Kunlun, ang Tien Shan, ang Hindu Kush, ang Himalayas, at iba pang mga hanay ng bundok sa Gitnang Asia ay tumatalunton mula sa silangan hanggang kanluran. Ang tahimik na mga higanteng ito ang pumipigil sa malamig, tuyong hangin na rumaragasang paibaba mula sa Siberia at nagpapahinto sa mainit, mahalumigmig na hangin na pumapailanlang mula sa Karagatang Indian. Sa gayon, umiiral ang lubusang kakaibang klima sa kahilagaan ng mga bundok na ito kung ihahambing sa katimugan, na siyang nakaaapekto sa buhay ng milyun-milyon.
Isang Nanganganib na Kapaligiran?
Nakagugulat naman, sinisira ng mga tao ang kagandahan at karilagan ng mga bundok. Ang lynx at ang mga oso na minsang gumagala sa Alps ay naglaho na dahil sa di-masupil na pangangaso. Ang kapaki-pakinabang na lupang pang-ibabaw ay inanod mula sa maraming dalisdis bunga ng pagkalbo sa kagubatan. Ang polusyon mula sa industriya at malawakang turismo ay may matindi ring epekto sa maselan na pagkakatimbang ng ekolohiya ng ilang mabundok na rehiyon.
Nakatutuwa naman, ang kabundukan ay permanenteng bahagi ng tanawin ng lupa. (Ihambing ang Genesis 49:26.) Kapansin-pansin ang bagay na inihalintulad ng Bibliya ang dumarating na bagong sanlibutang pamahalaan sa isang bundok. Palibhasa’y siyang sasakop sa lupa, ang tulad bundok na pamahalaang ito ang mag-aayos ng anumang pinsala na nagawa sa planeta. (Daniel 2:35, 44, 45) Sa gayon tayo’y may kasiguruhan na tamasahin magpakailanman ang mga obramaestrang ito ng paglalang.
[Larawan sa pahina 16, 17]
Mont Blanc, sa Pransiya, 15,771 piye
[Credit Line]
M. Thonig/H. Armstrong Roberts
[Larawan sa pahina 18]
Mount Fuji, sa Hapón, 12,388 piye
[Credit Line]
A. Tovy/H. Armstrong Roberts