Isang Seal sa Mainit na Tubig?
Isang Seal sa Mainit na Tubig?
ANG mga seal ay kadalasang inilalarawan sa mayelo, puting mga kapatagan ng mga karagatan sa Artiko at Antartiko. Subalit nalalaman mo ba na ang ilang seal ay maaaring mabuhay sa kainaman ang klima, nagpapainit sa buhangin ng iláng na mga dalampasigan?
Kilalanin ang Mediterranean monk seal. Sumusukat ng hanggang 3.5 metro sa haba, ang seal na ito sa mainit na tubig ay may maiksi, makapal na balahibo na natatakpan ng itim na mga patse, na may maputing tiyan at dibdib. Ang pagkakakilanlang mga kulay na ito, kahawig ng abito ng ilang relihiyosong orden, ang maaaring magpaliwanag sa pangalan nito.
Ang ilang talata sa Bibliya ay bumabanggit tungkol sa isang katad na tinatawag na taʹchash (sa Hebreo), na tumatakip sa tabernakulo at sa mga gamit sa santuwaryo. (Exodo 25:5; 26:14; Bilang 4:8) Iminumungkahi ng ilang dalubhasa na ang taʹchash ay tumutukoy sa balat ng seal. Maaari kaya na ito ang balat ng Mediterranean monk seal? Ang pagkanaroroon ng hayop na ito sa sinaunang karagatan sa Mediteraneo ay nagpapatunay sa palagay na ito.
Ipinalalagay ng sinaunang mga alamat na ang monk seal ay nagtataglay ng natatanging mga kapangyarihan. Pinaniniwalaan ng ilan, na ang balat nito ay maaaring maglihis sa mga kidlat at humadlang sa pagbagsak ng ulan ng yelo sa nasakang mga bukid. Sa pamamagitan ng pagpapatayo o pagpapadapa sa mga balahibo ng balat ng seal ay sinasabing nagpapahiwatig ng pagdating o napipintong wakas ng isang bagyong may kulog at kidlat.
Dahil sa ipinalalagay na mga kapangyarihan nito, ang monk seal ay halos malipol ng walang-awang mga mangangaso. Gayunman, kamakailan ay nakita ito sa dagat sa palibot ng silangan-sentral Sardinia. Kapag ang pagkakasundo sa pagitan ng tao at hayop ay muling naitatag sa bagong sanlibutan ng Diyos, ang Mediterranean monk seal ay tiyak na maninirahang muli sa tahimik at payapang mga dalampasigan, kung saan ito ay magpapainit sa araw na hindi pinagbabantaan ng sakim na mga tao.—Isaias 11:6-9.
[Picture Credit Line sa pahina 31]
Panos Dendrinos/HSSPMS