“Anong Pagkarami-raming Kaalaman!”
“Anong Pagkarami-raming Kaalaman!”
“PLETHORA,” isang salita na galing sa sinaunang Latin at Griego, ay nangangahulugan na “napakarami, isang kalabisan.” Isang mambabasa ng mga magasing Bantayan at Gumising! sa Sierra Leone, Kanlurang Aprika, ang sumulat ng mga salitang nasa itaas tungkol sa taunang may pabalat na mga tomo ng mga magasing ito na ginagawa ng Samahang Watchtower. Patuloy pa niya: “Anong kahanga-hangang hiyas ng walang-kasinghalagang karunungan! Walang paksa na kinagigiliwan ko ang hindi ko nasusumpungang tinatalakay sa mga pahina ng isa sa mga tomong ito. Maraming beses na may katapatang napagkakamalan ako ng mga tao na nagtapos sa kolehiyo, at kapag ipinagtatapat ko na hindi ako kailanman nakapasok sa mga pintuan ng isang kolehiyo, nagtataka sila. Subalit sinasabi ko: ‘Hindi, masugid lamang akong mambabasa ng mga babasahing Bantayan at Gumising!’”
Ang mga magasing ito ay lumalabas taun-taon sa anyong may pabalat na tomo. Gayunman, makakukuha ka ng mga magasin sa pamamagitan ng koreo. Kung interesado ka, pakisuyong makipagkita sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar, o sumulat sa Samahang Watchtower sa pinakamalapit na direksiyon na nakatala sa pahina 5.